"Cellphone"

176 3 0
                                    

Nagising ako. At bumangon na sa kama. Panibagong araw nanaman. "Sana hindi ko na siya maalala ngayon." Yan lang sinasabi ko sa sarili ko. Na sana wag siya sumagi sa isip ko kahit ngayong araw lang.

Palagi kong iniisip kung ano ba ginagawa niya ngayon wala na kami. Kung ganito din ba siya sakin. Kung nahihirapan din ba siya matulog kakaisip sakin. Kung okay lang ba ako. Siguro hindi, nagaassume lang siguro ako masyado.

Pagtapos ko kumain ay nanuod nalang ako ng tv. Nanuod lang ako ng romcom na mga palabas. Alam kong pang girly yung ginagawa ko ngayon. Pero, natutuwa lang ako kasi palagi Happy Ending yung ending. Kahit hindi ko naranasan yun. Atleast kahit sa movie lang, alam kong may Happy Ending.

Hopeless Romantic? Maybe. Gusto ko maranasan yung Happy Ending. Ever since na nainlove ako. Na adik ako sa feeling nito. Gusto ko yung pakiramdam na alam mong mahal na mahal ka ng isang tao. Simula nun, sunod sunod na. Naghanap, Nagmahal, Nasaktan, Nagmove on. Repeat. Hindi pa din ako sumuko. Alam niyo kung bakit? Kasi alam kong somewhere out there. May babaeng magpaparanas sakin ng totoong pagmamahal. Yung magpapatunayan sakin na hindi lang sa tv or movie nangyayari ang Happy Ending. Pati sa realidad din. I just have to wait. Patience lang, mararanasan ko ko din yun.

Madami na din akong movies na pinanuod. Kasabay nito yung mga patak ng luha na lumalabas kapag nangyayari na ang Happy Ending na sinasabi ko. Napapasabi nalang ako sa sarili ko "Sana One Day, maranasan ko din yan." Ano kaya feeling kung makilala mo na yung taong makakasama mo sa pagtanda mo? Ang saya lang siguro nun.

Pagtapos ko manuod ng movie. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaya nagbihis ako at pumunta sa kotse, pumunta ako sa Seaside MOA para tumambay. Favorite ko yung place na yun. Gusto ko dalhin si Cat dun, pero palagi siya busy sa school works niya.
Kaya pumunta din ako dito, kasi dito lang yung place na malapit na hindi namin napuntahan.

Pagpunta ko dun sa seaside, medyo madaming tao ang nandun para mapanuod ng fireworks. 5mins.pa bago magsimula. Kaya Naglakad lakad muna ako sa gilid. Nagisip isip muna kung anong plano ko ngayong wala na si Cat sa buhay ko. Madami akong kailangan baguhin. Madami dami na din kaming napagplanuhan dahil malapit na kami gumraduate sa college. Hindi ko na ala...

"Ugh. Yung phone ko!"

Dahil sa katangahan ko. May nabangga akong babae. Nalaglag yung phone niya. Bakit kasi nakatingin ako sa baba habang naglalakad eh. Hay tanga.

"Sorry miss! Di kita nakita sorry."
Paguumanhim ko sakanya.

Sabay namin pinulot yung phone niya eh. Nagkahawak yung kamay namin. At nagkatinginan. Eye to eye. Parang may kuryente akong naramdaman nung hinawakan ko yung kamay niya.
Di ko alam ang gagawin ko. Siya na ba? Siya na kaya?

Biglang nagsimula yung fireworks Display. Napatingala kaming dalawa sa langit. "Lord, eto na ba yung sign? Siya na ba?" Sabi ko sa sarili ko. Nagkatinginan kami ulit.

"Uhm, miss. Sorry ha? May gasgas ba?" Sabi ko sakanya.

"Hindi naman matatanggal yung gasgas neto eh." Sagot niya sakin.

"Uhm.." Medyo magiisip pa ako kung ano gagawin ko. "Ganito nalang, babawi nalang ako sayo. I'm Sean by the way." Inabot ko yung kamay ko. Naghehesitate pa siya kung papayag siya pero...

"Pam." Sabay abot ng kamay sakin.

-
Sino ba si Pam? Ano ang magiging role ni Pam sa buhay ni Sean? Abangan.

Heyy! New update guys. Sana nagustuhan niyo. Mahaba to kumpara sa mga ginagawa ko. Wala eh, ginanahan. Wait lang kayo sa update soon! Thank you! Spread the love. Follow me. :)

Life of a Broken HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon