Chapter 9.5 "Forgiveness"

56 0 0
                                    

"Minsan talaga kahit anong gawin mo. Kung hindi talaga kayo para sa isa't isa, Hindi talaga kayo hanggang dulo."

Kahit anong effort gawin mo, kahit ilang araw ka hindi kumain pang date niyo, kahit ilang pera na nagastos mo sakanya, kahit ilang hatid mo sakanila sa bahay nila at kahit sobra mo siyang mahal. Kung hindi talaga kayo, wala yan. 

Pwede isang araw sabihin niya nalang sayo..

"Di na kita mahal."

"Paulit ulit nalang tayo."

"Ayoko na sayo." 

Out of nowhere, walang pasabi. Bigla mo nalang maririnig yan galing sa mga bibig niya.  Na ipinangako niya nung una hinding hindi niya sasabihin sayo yang mga salitang yan. 

Wala na, naghalo na yung nararamdaman niya para sayo. Hindi ka na niya mahal. Nagbago na siya. And the worst part is.. Hinding hindi mo na mababalik yung nararamdaman niya para sayo. Wala na yung babaeng pinakamamahal mo. 

Gusto mong ipaglaban, pero ayaw niya na. Sumuko na siya. Yung mga pangakong binitawan niya, kinalimutan niya na. Naisip mo din na baka pagpinilit mo, wala na din siyang gana. Baka humantong pa sa Lokohan. 

Kaya pumayag ka na lang.. Kahit masakit, ginawa mo. Hinayaan mo siyang umalis papalayo sayo, At ikaw naiwan basa sa ulan. Nakakatawang isipin na nung una, sabi niyo walang mangiiwan. Na walang magsasawa. Na ikaw lang.. 

Pero sa huli, ikaw lang din pala maiiwan na nakahawak sa mga pangakong yun. 

The best thing to do is "JUST MOVE ON" Kahit masakit kalimutan siya, gawin mo. Kasi ito lang magpapasaya sayo. Pero una sa lahat, patawarin mo siya. Patawarin mo siya sa lahat ng mananakit na ginawa niya sayo. Patawarin mo, and I guarantee to you. Magiging masaya ka. 


"Makakalimutan ko din siya" 

-



Life of a Broken HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon