Starbucks

123 4 1
                                    

Andito ako ngayon sa Seaside. Maingay. Sinabayan pa ng malalakas na putok mula sa makukulay na fireworks. At kaharap ko ang isang babaeng malungkot dahil sa katangahan na nagawa ko.

"Uhmm, kumain ka na ba ng dinner?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi pa." With matching pout face. Potek.
"Tara dinner. Libre ko! Para makabawi na ako sayo." At biglang naging masaya ang malungkot niyang mukha.
"Yeyyy! Starbucks gusto ko." Natawa nalang ako. Para siyang bata. Pero cute naman. Kaya bagay sakanya.

Malapit lang naman yung starbucks. Binilhan ko siya ng Cotton Candy Frappe. Yun daw favorite niya. Bumili din kami donuts. Pero dito na namin kinain.

"Sorry ulit Pam ha? Sana nakabawi na ako sayo."
"Parang yun lang eh. Okay na yun." Then nagsmile lang siya. Nakakahawa din yung mga ngiti niya kaya napangiti nalang din ako. Sabay nagtanong siya..

"Bakit ba kasi parang wala ka sa sarili mo? Parang ang lalim kasi ng iniisip mo."
"Wala ha. Wala naman akong iniisip." Pagtatanggi ko. Jusko, ayoko na pagusapan yung ex ko.

"O'cmon. Halatang nagsisinungaling. Bakit nga?"
"Fine. I was thinking about my ex. Iniwan niya kasi ako ng biglaan at hindi ko alam ang dahilan kung paano niya nagawa yun." Bigla nalang naging seryoso yung mukha niya.

"Alam mo meron ka pang makilala diyan. Madami pa diyan, hindi lang talaga siya para sayo."

"Thanks. Pero, ayoko na umasa." Nalungkot siya sa sinabi ko.

"Iba-iba ang tao. Hindi tayo magkakaparehas. Hindi dahil iniwan ka, eh lahat iiwan ka na. You just pick the wrong one."

Naluha na lang ako bigla. Pero pinunasan ko agad. Nakakahiya, nasa public place pa naman ako. Nagulat siya. Kaya tinanong niya ako.

"Heyy! Wag ka umiyak. Iiyak din ako. Sige ka. Hagulgol pa." Alam ko pinapatawa niya ako. Kaya ngumiti nalang ako.

"Sorry. Naalala ko lang, sakit kasi eh. Tinaas niya kasi ako. Sobrang taas. Ang hirap maiwan sa ere."

Wala lang siyang sinabi. Pinakinggan niya lang ako.
"Araw-araw ako umiiyak dahil lang sakanya. Halos di na ako kumakain. Di na ako pumapasok. I just can't believe na nagawa niya yun."

"Heyy.. Dapat di mo iniiyakan yung ganyan. Tandaan mo palagi na IKAW dapat ang hinahabol. Makakamove on ka din."

Pinipigilan ko na yung iyak ko neto. But, yung nasabi ko lang "Thank you."

"Pero tandaan mo. 'Walang Forever'" then Nagtawanan nalang kaming dalawa.

8:30 na. Medyo madami na din kaming napagkwentuhan sa loob ng isang oras. Nalaman ko na sa La salle pala siya nag-aaral. Tourism student. At first pagtinignan mo siya mukha siyang maarte, masungit at mataray. But once you get to know her. Iba siya sa mga iniisip mo. Happy and outgoing daw siya. Makulit. Just exactly what A man wish for.

Hinatid ko na siya sa terminal. Taga cavite pa kasi siya. Pinipilit ko siya na ihatid ko siya gamit yung kotse ko pero wag na daw. Kaya niya na daw.

"So, pano ba yan. Sasakay na ako." Sabi niya. Ganun padin siya. Nakangiti.

"Okay. Sorry ulit ha?"

"Okay na nga diba? Sige na. Sasakay na ako."

Sasakay na dapat siya sa UV kaso pinigilan ko siya.

"Wait! Can... I have your number?" Nakakahiyang tanong ko.

"Why?" Pagtataka niya.

"You know, kung may emergency? Pero kung ayaw mo okay lang."

"Ayaw."

"Oh. Okay." Then pout. HAHA! Paawa effect dapat.

"Joke. Here's my number."

Hays. Kala ko pa naman fail na. Nagsulat lang siya sa papel. Tapos binigay niya na sakin.

"Thanks. Ingat ka ha! Bye." Sabi ko sakanya.

"Sige ikaw din, ingat ka. Baka mahuli puso mo diyan. Bye." Pagbibiro niya.

After that night. Umuwi na din ako. May pasok pa ako bukas kaya deretcho kama na ako paguwi ko. Pero bago ako matulog. Nagisip muna ako.

"Am I doing it all over again?"
"Hindi pa ako nakakamove on, eto nanaman."

But I don't care. Malabo naman siguro maging kami nun.

*LIGHTS OFF*

-
Hello guys! Super very slow update. HAHAHA! Anyway, thank you sa support. Dumadami na yung readers so thank you talaga. Abangan niyo yung mga susunod na chapter. Mas hugot na. HAHAHA! Thank you again. Don't forget to favorite.

Life of a Broken HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon