Move On.

68 0 0
                                    

Alam mo yung pakiramdam na nadudurog yung puso mo? Yung tipong ramdam mong unti unti nasisira yung puso. Sana nakikita mo yung puso ko, durog na durog eh.

Masakit. Masakit pala na makita yung taong mahal mo na pagaari na ng iba. Parang dati lang, Hawak hawak niya yung mga kamay mo, dati ikaw kasama niya palagi dito. Ngayon wala na, nakuha na siya ng iba. Yung mas better sayo.

Habang tinitignan ko sila, ang saya saya nila. Nagtatawanan, magkahawak ang mga kamay. Alam kong masaya siya kasi ganun din yung ngiti niya sakin, yung mga ngiting di kayang palitan na kahit ano pa man. Yung mga titig na nakakahumaling tignan.

Gustong kong umiyak. Gusto kong sumigaw. Gusto ko silang lapitan, murahn at sabihin sakanila kung gaano kasakit yung pakiramdam na maiwan. Pero hindi, hindi ko kaya. Masaya siya, at ayoko ng sirain yun. Kaya itinago ko nalang sa sarili ko.

"Uhh bro, I need to go na." Sabi ko kay Aaron.
"Huh? Pero kakapunta lang natin. Tska di pa ako tapos kumain."
"Sorry bro, kailangan ko na talaga umalis. Kita na lang tayo sa school." Nagpaalam na ako kay Aaron.

Papalabas na sana ako. Pero biglang may tumawag sakin.

"Sean?"

Pamilyar yung boses. Yung mga boses na matagal ko ng gusto marinig ulit. Lumingon ako, nakita ko si Cat. Nakangiti sakin. Ganun pa din, maganda pa din siya.

"Hello! Kamusta ka na? Long time no see." Sabi niya sakin.
"Uhhh. Okay lang, ganun pa din. Ikaw?" Tanong ko kay Cat.
"I'm Good. Anyway, this is Cj. My boyfriend."
"Oh I see, Sean pala bro." Nakipagkamay ako sakanya. Yung pakiramdam na ipinapaubaya ko na si Cat sakanya. Masakit pero wala eh.
"Well, I better get going. I have class." Sabi ko kay Cat.
"Okay. Well, It's nice to see you. Byee." At nagpaalam na ako.

After that, umuwi na ako. Wala na ako sa mood pumasok. Umuwi na lang ako and I went straight to my room. And you know, cry. Pero ngayon, narealize ko na tapos na talaga. Na tapos na yung chapter naming dalawa.

"It's all finally clear to me now. I guess, I should move on na lang."

~

Helloooo! Slow update. Halos one month ata? So sorry. So busy, kasi you know. Finals are coming up and I only have 7 days to save the semester. Hahaha! Anyway, I hope you like it. And this is not the end guys. Uulitin ko, THIS IS NOT THE END OF THE STORY. Madami pa akong idadagdag dito. So don't you worry. Wait for the next update.

Life of a Broken HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon