04

5 1 0
                                    

Matagal na rin kaming nakaupo ni Jatt, sumisimsim ng kape at nakatingin sa kawalan. Buti nalang dumating si manang kanina para magbigay ng miryenda kung hindi, hanggang ngayon ay nakatayo pa rin kami. Hindi kami nag-uusap dahil...uhh... awkward?

I badly want to kill this silence!

"Uh-"

"Don't get me wrong. Matagal na yun, last year pa. Tsaka wala namang masama kung crush kita diba? Hindi naman yun love so..." Napabaling ang tingin ko dahil sa explanation niya. "Isa pa, I have multiple crushes. Tapos.. ano...nagbabago naman ang feelings. Malay mo hindi na kita crush the next month kaya... ano..." He shrugged.

Hindi ko alam kung bakit parang nadisappoint ako sa narinig ko eh hindi ko rin naman siya gusto.

Ano bang problema doon? Wala naman diba ?

"Whatever. Back to the business. Wala akong time para diyan, Jatt." I clapped my hands.

Keep it cool, Clo. Crush kitang parang yelo eh.

"Uh... okay?"

Kinuha ko ang laptop ko at pinakita sa kaniya ang first draft.

"So ganito ang naisip ko. We'll make the rookies join the play. Parang magiging musical yung theme. We can just write the plot and then just improv the lines."

"Improv? Hindi kaya mahirapan yung mga rookies doon? Hindi pa sila sanay and they're still on trainings."

"That is the point. They're on training for a year and they either just make props or the background music. Mas maganda na kung iiwanan natin sila with the juniors, may alam na sila pagdating sa stage. I think it is better to make them experience the thrill of being watched. If we just keep them on the back stage and just watch the juniors perform, hindi sila matututo."

Nakapalumbaba siya at nakatingin sa akin. I snapped my fingers at doon lamang siya bumalik sa katinuan dahil mukhang inaantok na naman.

He played his tongue on the sides and smile.

"Hmm. Good point! So anong mangyayari sa juniors natin? Right now, we have 5 rookies and 7 juniors."

"We will switch the responsibilities. Juniors ang sa back stage and rookies will perform."

He clapped. "That's good! And for us ? Are we going to direct the whole play?"

"Yes. We will just be directing the whole play."

"Ohhh. I like it. Uutos lang ako ng uutos."

Sumandal sa silya at bumuntong hininga. Inilagay niya pa ang dalawang palad sa likod ng ulo niya at prenteng pumikit pa.

Now I want to change my mind.

"Tamad ka talaga." Napailing na lang ako. "Yun nga. Okay na ako sa responsibilities ng bawat isa. Ang problem ngayon ay ang plot."

Now that we're talking about the plot again, naalala ko na naman yung kanina. Argh! How will this crush thingy get out of my head?!

"Hmm. Lemme think."

Hinayaan ko siyang mag-isip ng plot. Pumikit siya kaya mas lalong nadepina ang mahaba niyang pilik mata. It is beautiful. Ang unfair lang dahil bakit ang ganda ng brows at pilik mata ng isang 'to? While I have to use a mascara to make mine good.

Star FinderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon