06

8 0 0
                                    

It seems awkward to see Jatt after what I did last night. Humikab ako at isinandal ang ulo ko sa head rest ng kotse namin.

Naramdaman ko naman na bumukas ang pintuan. Yumi seems to be curious that I am sitting here in the car. Sanay siyang nauuna siya dahil 6 am ang start ng class nila samantalang kami ay 7 am pa.

"Pasabay muna ako. Kailangan ko lang pumasok ng maaga."

Sabi ko para hindi na siya magtanong pa.

Isinandal ko na ulit ang ulo ko. Hindi naman ako puyat pero hindi rin ako sanay na maaga pumasok. Kailangan ko lang talaga dahil naiilang akong sumabay kay Jatt.

"Ilang araw ka na mukhang zombie." Mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko.

Napanganga ako sa gulat. Hindi ako makapaniwalang ganito na kami ka-close para sabihin niya sa akin na mukha akong zombie.

"Again?"

"Oh." She laughed nervously. "I'm just kidding."

Kinuha niya bigla ang earpods niya at nag-scroll na sa cellphone. Hindi naman nawala ang tingin ko , hindi ako maka-move on.

Naramdaman niya siguro kaya tumingin ulit siya sa akin at iminuwestra ulit ang ulo ko sa head rest ng upuan. Umiling na lamang ako at napatawa na rin. Naramdaman ko namang pinaandar na ni kuya Edgar ang sasakyan.

Simula bata ako ay si kuya Edgar na ang driver namin. Alam na rin niya ang relationship namin kaya comfortable na rin ako sa ikikilos ko kahit papaano. Nang nasa byahe na kami ay ipinikit ko na ulit ang mata ko at nagsimulang matulog. Fourty-five minutes to one hour din naman ang byahe dahil kotse ang gamit namin kaya sapat na ito para makatulog ako.

Nagising na lang ako na nasa school na kami. Kinuha ko naman ang cellphone ko para tingnan ang oras. Pero imbis na sa oras ako tumingin, napukaw ng iba ang focus ko.

Jatt

3 Text message                1 minute ago

Good morning.

Galing ako sa inyo. Umalis ka na daw?

Bakit hindi ka sumabay?  Galit ka pa?

"Ate. Hindi ka pa ba bababa?"

Hindi ko napansin na nakababa na si Yumi at hawak nito ang pinto. Nakita ko rin namang tumingin si Kuya Edgar sa akin gamit ang rear mirror.

"Bababa na. Una ka na, Yumi."

Tumango naman siya at umuna na pumasok. 5::45

"Thank you, Kuya Edgar."

Bumaba na rin naman ako pagkatapos kong ayusin ang gamit ko.

"Ingat ka ma'am."

Tumango ako at dumiretso na sa classroom. Ako pa lang ang tao dahil maaga pa. Ako na rin ang nagbukas ng ilaw at aircon. Pagka-upo ay isinandal ko na ang ulo ko sa desk. Nag-try din akong matulog ulit dahil antok na antok pa ako. Grabe! Matutulog na ako ng maaga mamaya para hindi na ako ganito kaantok bukas.

Naramdaman kong unti-unting dumadating ang mga kaklase ko dahil sa ingay kaya iminulat ko na rin ang mga mata ko. Pero nanlaki ulit ito nang nakitang papasok na si Jatt sa pinto.

Dali-dali kong ipinikit ulit ang mata ko kahit nawala na ang antok ko. Naramdaman ko naman na umupo na siya sa upuan niya.

"Alam kong gising ka." Sabi niya pagkalapag ng bag sa upuan.

Hindi ko pa rin iminulat ang mata ko kahit alam na niya. Bahala ka jan!

Iminulat ko lang ang mata ko nang dumating na ang teacher namin. Hanggang sa third period ay hindi pa rin ako naging comfortable kahit nagsimula na mag-discuss ang teacher namin. Hindi ko rin alam kung anong meron pero naiilang ako sa fact na katabi ko siya. Hindi naman ako ganito last few days ah.

Star FinderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon