00 Prologue

44 4 0
                                    

"Good morning"

Bati ko kay daddy, mommy at Yumi sa hapag. 

"Good morning." Bati pabalik sa akin ni  mommy nang halikan ko siya sa noo. 

Ngumiti lang naman sa akin si Yumi.

"Sana nakapagpahinga ka ng maayos, honey. Sigurado ka bang papasok ka na? Wala pang one week, magtatrabaho ka na kaagad. Hindi mo man lang ba lilibutin ulit ang Pilipinas?"

It has been 3 days since I came back from Singapore. Doon ako nag-train para daw ready na akong i-handle ang company namin dito sa Pilipinas. Medyo stress pa rin ako at nalulungkot dahil marami na ring taong napalapit sa akin after two years of working. 

Hindi na naman ako jet lag pero may parte sa akin na gustong magpahinga muna. But here I am getting ready for my first step sa company namin. Umupo ako sa hapag habang naghahain naman si yaya ng kubyertos. 

"I think it's better for her to work immediately lalo na at walang papalit sa akin. Kung maaari lang akong magtrabaho sa kalagayan ko, hindi ako titigil dito sa bahay." Sagot ni daddy. 

My dad is not in good condition. Ito ang dahilan kung bakit napilitan din akong umuwi kahit na 3 years ang allotted training ko sa Singapore. Ayaw rin kunin ni Yumi ang position ni daddy sa hindi ko malamang dahilan. 

"Don't worry mom, dad, I can manage this." 

"I hope so." Sagot ni daddy. Natigilan ako at napatingin sa kanya. Nakita kong ganoon din ang ginawa ni Yumi. Naramdaman na naman namin ang tensyon sa hapag. Hinawakan ni mommy ang kamay ni daddy para pigilan siguro itong dagdagan pa ang sasabihin. 

"Just trust her. Okay?" She mouthed. 

Napayuko ako at muling tumingin ako kay Yumi. Isang marahang ngiti naman ang sinalubong nito sa akin kaya ngumiti ako pabalik. 

Sinisimulan ko na ang breakfast ko nang magsalita ulit si daddy. 

"I hope you keep being professional in the company, Clo. Do not disappoint me. Lalo pa at alam kong may mga bagay kang ayaw nang balikan dito sa Pilipinas. You have to keep your personal life out of my company. Do you understand?"

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na naman ang umaga ko sa hapag namin. Although hindi naman itobago. Simula bata ako ay ganito na niya ako kausapin. He is always full of authority. 

I am not really close with my dad.  So naiintindihan kong may hesitation siya na ipaubaya sa akin ang kumpanya. 

I just nodded. 

Kahit gusto kong sumagot, alam kong wala rin namang mararating. I already tried to fight my dad but ... I just realize that I have to listen to him. Siguro nga ay mas kilala niya ako kaysa sa sarili ko. 

Nang matapos kaming kumain, nagpaalam na ako para pumasok sa kumpanya. 

Sumakay ako sa Vios ko. Sasakyan ko pa ito noong college at pwede pa namang gamitin kaya hindi ko pa pinapalitan. Ayaw ko rin ng masyadong engrandeng sasakyan. Hindi naman ako makikipagyabangan sa trabaho. 

Napatawa na lang ako sa iniisip ko, naalalang hindi naman ako ganito dati. 

"Good morning ma'am." Bati sa akin ng secretary kong si Mark pagkapasok ko sa palapag ng opisina ko. 

I am wearing a white tube underneath my sky blue cardigan, partnered with my sky blue skirt ending above my knees. Naririnig ko rin ang white heals kong maingay na tumatapak sa dinadaanan papunta sa office ko. 

I am well aware of the eyes staring at me pero dire-diretso lang ang lakad ko at hindi ko na pinansin iyon.

"What's my shedule for today?"

Star FinderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon