05

14 2 0
                                    

The bell rang for the last subject of the day. Nagligpit na ako ng gamit para makapaglagay na ng mga libro sa locker. Kukunin ko na sana ang pencil case ko pero may sumagi rito at kumalat ang mga laman sa sahig.

"Oh. My bad."

Magagalit na sana ako pero nakita ko si Audrey na dire-diretsong lumalakad palabas. Hindi ko na lang pinatulan at nagsimulang kunin ang mga pens kong nagkalat sa sahig. Natigilan lang ako ng makakita ako ng isang silver bracelet na kagaya ng sa akin.

Sinimot ko ito at nakita ang naka-engrave na pangalan ni Audrey.

It was our friendship bracelet.

I picked it up at hahabulin ko sana si Audrey pero natigilan ako dahil ng lumabas ako ay nagbabantay lang siya sa pintuan ng classroom.

Medyo madami pa ang tao dahil nasa malawak na corridor lang din naman ang mga lockers at karamihan sa estudyante ay naglalagay ng gamit.

Audrey gave me a cold stare. Hindi ako nagpatinag dito dahil alam kong galit pa rin siya sa akin ngayon.

"Nalaglag mo ata?"

Tiningnan niya lang ang kamay ko at tumingin ulit pabalik sa akin.

"You still wear yours." Mahina at napapaos na sabi niya.

I realized it too. I nodded and shrugged. "Maybe out of habit."

Pumasok siya ulit sa classroom kaya sinundan ko siya. Seryoso at nakakatakot pa rin ang aura niya. Alam kong galit pa rin si Audrey sa ginawa ko. I maybe sorry but there's still my pride taking over. Hindi ako ang nagloko in the first place kung hindi ang ex niya. She shouldn't be this angry.

But I know I have to apologize somehow.

"Sorry. If you don't want me to wear mine I can remove it."

I was ready to take off my bracelet when she grabbed my hands.

"Don't."

Napatingin ulit ako kay Audrey at napansin kong may namumuo na mga luha sa mata niya.

"You can keep it. " Ngumiti siya pero makikita mo ang lungkot. "I am giving it back. Actually I have plans of throwing that stupid bracelet but you are too precious to me."

"Audrey..."

"Hindi ko kaya kasi mahalaga ka sa akin at isa ka sa mga pinagkatiwalaan ko. And trust me... I want to forgive you. But there's something that we cannot fix here Clo. Gusto ko man ayusin yung friendship natin pero hindi ko kayang ibalik yung trust ko. Ayokong maging masama sa'yo kasi alam kong may point rin naman yung ginawa mo. Naiintindihan ko pero para ibalik yung dating friendship natin..." umiling siya.

"I'm sorry, Audrey."

Tumulo na rin ang luha ko.

"I know. But we cannot get the friendship back."

Masakit. Mahirap mawalan ng kaibigan lalo na kung isa sila sa sinandalan mo sa mga panahong hindi mo alam kung saan ka huhugot ng lakas. Isa si Audrey sa mga taong nandyan kapag umiiyak ako dahil sa pamilya ko. Sa kanila ko naranasan na kahit paano ay malaya ako. Masasabi kong pamilya na rin ang turing ko sa kanila kaya mahirap para sa akin na tanggapin kung anong sinasabi niya ngayon.

"I-I just don't understand. I did that just to protect you."

"But who are you really protecting? Ako? Clo, alam mo na mahal ko si Dex. Kung pinoprotektahan mo yung friendship natin alam mong masasaktan ako kapag nalaman ko ang totoo. Sana sinabi mo para hindi ako nagmumukhang tanga."

Parang punyal ang tumusok sa puso ko dahil sa sinabi niya. Tama siya. Hindi ko siya naprotektahan sa ginawa ko.

Napaisip ako. Sino nga ba ang naprotektahan ko sa ginawa ko?

Star FinderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon