Chapter 11
Angel's P.O.V,
“Look who's here.” napatingin naman ako kay Joy. Dumiretso ako sa cr pagkatapos ng klase.
“Gosh,napaka-landi.” ani ni Kisie na best friend ni Joy. Napabuntong hininga naman ako at nag-hugas ng kamay. Alam kong ako na naman ang pinariringgan nila kahit na nakatingin silang dalawa sa salamin habang nagre-retouch. Nothing's new.
“I heard si Cris nag-hatid sa kan'ya after birthday party?” confirmed. Ako nga.
“Really?” tila gulat na tanong ni Joy dito.
“Yes and guess what?”
“What?”
“Nandoon daw si William!”
“Talaga? So she's using Cris na naman? Gosh,after William ang ex-bestfriend na naman ng captain? That's hilarious.” umiling-iling na sabi ni Joy. Gusto kong pag-untugin ang ulo nila dahil sa mga sinasabi nila.
I'm not using Cris. Alam ni Cris na hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kan'ya. I have no other choice noong gabing iyon dahil wala akong tiwala sa iba. Ayaw ko rin naman magpa-hatid kay William dahil ang awkward at hindi naman ako gaga na papansinin lang ang ex para magpa-hatid ako. No way! Nag-insist din si Cris that time kaya i grab the opportunity na.
“Hindi na nga maganda malandi pa.” doon na ako tinapunan nila ng tingin at sabay na nag-lakad palabas.
“Nilandi na nga basketball players pati pa naman mga alaga n'ya! What a flirt nanny they had!” pahabol na parinig sa akin ni Joy.
Napapikit naman ako. Pasalamat talaga kayo ayaw ko ng gulo ngayon!
Lumabas na nga ako ng cr at nagulat naman ako noong makita ko si Shaun na kakalabas lang din sa men's cr.
“What?” tinaasan n'ya ako ng kilay. Umiling naman ako. Parang tinignan lang eh!
Napa-irap nalang ako at tumango na ulit sa classroom dahil iniwan ko ang bag ko roon. Pagka-kuha ko ng bag ko ay dumating si P.Z.,J.F at A.E.
“Ang tagal mo ha! Kanina pa kami nag-hintay doon sa classroom nila.” reklamo ni A.E.
“Pasensya na.” ani ko at umalis na nga kami.
“Yaya.” napahinto naman ako noong marinig ko ang boses ni Brix mula sa likuran. Umikot ako para tignan ito. Kasama nito ang mga kapatid n'ya.
“Bakit?”
“Uuwi kana?” tanong nito.
“Oo. Nand'yan na ba si Kuya Gori?” tanong ko pabalik. Tumango naman ito.
“Yup. Pero kotse ni Mom ang dala n'ya. So,mag-commute kana lang.” napanganga naman ako sa sinabi nito.
“Ano? Alam n'yo bang naubos ang allowance ko dahil sa snacks n'yo?” inis na sumbat ko rito.
“Not our problem.” halos gusto ko na batukan si Shaun sa sagot nito. 'Not our problem'? Ubos nga allowance ko dahil sa binili nila!
“Let's go. Gori is waiting.” hinila ni Seve si Steph at sumunod naman ang kapatid nila sa kanila.
“Bye,Yaya. See you.” umusok na naman ang ilong ko sa kanila. Talaga bang bwesit sila sa buhay ko? Parang gusto kong tawagin ang malakas na kidlat at tamaan ang apat na walang hiyang 'yan eh!
“May pamasahe ka pa pauwi,A.L?” nag-aalalang tanong ni P.Z.
“Oo pero susunod na araw wala na.” napa-irap naman ako. Kapag talaga ako magkaroon ng oras para ibalik sa kanila ang mga ginawa nila sa akin talagang malilintikan 'yang mga 'yan!
![](https://img.wattpad.com/cover/308475018-288-k797750.jpg)
YOU ARE READING
THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)
Teen Fiction01-24-22/07-07-22 Si Angel ay isang katulong sa isang mansyon na pinagtatrabahuan ng kanyang lola,ang mansyon ng mga Vamps. Masaya si Angel habang pinagsisilbihan ang mag-asawa dahil sa kabaitan ng mga ito,ngunit isang araw ay nabulabog ang kasiyaha...