Chapter 1

503 10 0
                                    

Chapter 1

Angel P.O.V,

“Nako hindi na po kailangan.” tanggi ko kay Mrs.Vamps sa kanyang alok na s'ya na ang magpapa-aral sa akin. Alam ko namang okay 'yon upang maliit na lamang ang gastusin nina mama lalo pa't apat kaming pinag-aaral nila. Pero nakakahiya narin kase dahil ang laki na nang naitulong nila sa amin,lalo na kay lola.

“Alam mo Jela pumayag ka na.” bulong ni Ante Lily—isa ring katulong sa mansyon ng Vamps.

Ah hehe hindi na po talaga kailangan ma'am,kase may sahod naman ho ako mula sa inyo kahit papano at isa pa, sapat na ho 'yon para sa pag-aaral ko at para sa gastusin ng pamilya namin.” nakangiting sabi ko rito.

“Hayst. Nanay Vina oh, ang tigas ng ulo ni Angel.”nakangusong sumbong ni Ma'am Briana kay Lola.

“Hay nako,alam n'yo naman po 'yang batang 'yan ma'am eh,talagang matigas ang ulo! Malalaman n'yo rin naman kung papayag 'yan, dahil talagang mabilis um-oo 'yan.” mahinang humagikhik si Lola at napa hagiikhik na nga rin ang mag-asawa at maging ibang katulong.

Sige na honey 'wag na nating pilitin si Angel. Paano kung dagdagan nalang natin ang sahod n'ya? Siya lang din naman ang baby natin dito.” suhestiyon ni sir Stephen.

Nako 'wag na ho talaga,nakakahiya na po.” tanggi ko ulit.

Nakakahiya naman talaga!

I don't care,Jela! Basta dadagdagan namin ang sahod mo.” irap ni Ma'am Briana. Natawa naman ang mga katulong habang ako ay napa-nguso nalamang.

Thankful naman ako sa kanila pero nakakahiya dahil sobra-sobra na talaga ang binibigay nila sa akin at tinuring na talaga nila akong pamilya.

“So it's settled then. So,let's go hon?” aya ni Ma'am Briana kay Sir. Tumango naman ito. Hinatid na nga namin sila sa labas dahil may pupuntahan daw silang event sa kaibigan nila sa business.

Mag-ingat po kayo. ” kumaway kami sa kanila habang umaalis na sila at kumaway din sila pabalik. 

Ang bait talaga nina Mr.and Mrs. Vamps! Ang suwerte siguro ng mga anak nila dahil sa mabait ang mga magulang nila, siguro rin mabait ang mga anak nila.

Pumasok na nga ulit kami sa mansyon at nag-simula nang mag-trabaho.

Napa-isip naman ako. Ano kayang ire-regalo ko kay Aymei bukas sa birthday n'ya? Si Aymei ay best friend ko.

Nang matapos ako sa gawain ko ay nagpaalam na ako kay lola dahil bibili muna ako ng regalo para kay Aymei. Saktong sakto may ipon naman ako para sa birthday n'ya.

Siguro sexy tops at libro nalang ang ibibili ko para sa kan'ya dahil mahilig naman s'ya d'yan. Nakahiligan n'ya lang ang pagbabasa ng libro dahil sa akin haha.

Nasa book store na nga ako at binili ang libro na Hopeless Romantic ni Ms.Trisha, alam ko kasing baliw na baliw ito sa jowa n'ya at palaging nasasaktan dahil sa maling tao. Lalo na ngayon sa jowa n'yang akala mo naman heartthrob at sobrang pogi para manakit sa damdamin ng kaibigan ko.

Anyway pagkatapos kong bumili ng ire-regalo kay Aymei ay kumain muna ako ng ice cream  sa parke na malapit lang sa books store.

Uy ineng longtime no see.” nakangiting bungad ni Manong sorbetero sa akin. Suki n'ya talaga ako noon pa.

Oo nga manong namiss ko po itong paborito kong paninda mo.” nakangiting sabi ko rito.

Malapit lang din kasi ang paaralan namin sa parke sa kabilang kanto lang nito tapos ilang steps lang mula sa paaralan ang Mall, Jollibee,bookstore at iba pa.

Kumain na nga ako ng ice cream habang pauwi ako sa mansyon. Walking distance lang naman dito 'yon. Ilang oras din ata akong nawala doon.

Habang naglalakad ako pauwi ay sa kasamaang palad may nag-hahabulang lalaki at nahulog 'yong dala kong favorite ice cream na cookies and cream! Dalawang ice cream ang dala ko, chocolate at cookies and cream.

Inis naman akong tumingin sa mga walang hiyang lalaki. Tinapunan lang nila ako ng tingin.

Aba! Ang kakapal ng mukha! Hindi man lang nag-sorry!

Hoy! Bayaran n'yo 'yong ice cream ko!” sigaw ko sa kanila dahilan para huminto sila. Tinaasan nila ako ng kilay at syempre magpapatalo ba ako? Tinaasan ko rin sila ng kilay.

Huh? It's not our fault, Miss. Ikaw ang hindi tumitingin sa daan.”sabi pa nung isang lalaki.

Aba! Gago ka ba? Ako pa talaga sinisisi mo?” Hindi makapaniwalang tanong ko.“Eh,sino ba 'yong naghahabulang mga asong gala rito? Ha? Kayo 'di ba?” singhal ko sa kanila.

Hey! We're not asong gala.”slang na sabi nung isa pang lalaki.

“'Wag mo akong ma hey-hey! Bayaran n'yo 'yan!” sigaw ko sabay turo sa ice cream na nasa lupa.

It's just an ice cream—

Bayaran n'yo 'yan! Hindi lang 'yan ice cream lang! Mas mahalaga pa 'yan sa buhay ninyo!” putol ko sa sabi nung isang lalaki.

What a noisy creature,just give her a money!” inis na sabi nung isa na halatang masungit.

Binigyan naman ako nung slang na lalaki ng five hundred pero hindi ko ito tinanggap. Nanliit naman ang mga maliliit nilang mata.

Sa kanila nalang 'yan kung hindi naman sila marunong mag-sorry. Tsk.

Umirap naman ako at imbis na papasok na ako sa mansyon ay napasigaw at napatalon naman ako sa gulat dahil nandoon si Lola at ang mag-asawa na bukas lang ng gate. Naka-uwi na pala sila?

Omg! My babies are already here!” masayang sabi ni Ma'am Briana. Babies? Sino?Nag-aaway ba kayo?” nagtatakang tanong n'ya sa amin.

Napatingin naman ako sa limang lalaki sa likuran ko at napatingin ulit sa mag-asawang Vamps. Wait. Magkaka-mukha silang pito!

Anak n'yo po sila?”hindi maka-paniwala tinuro ko ang limang lalaki. Tumango naman ang mag-asawa.

Hindi ba kita d'yan sa'yo ineng na magka-mukha sila?” tawang tanong ni Ante Lily. Hindi maka-paniwala akong napatingin sa limang lalaki.

Ang bait ng mga magulang tapos opposite ang mga anak!” inis na bulong ko. Maliban lang doon sa isang cute hehe.

We can hear you.” sabi nung isa.

Nye nye.” irap ko. Pake ko kung marinig nila? Dapat lang!

May na iwan kami pero I guess we'll introduce them first sa inyo.” ani ni Ma'am Briana. Tumango naman kami at doon sila ipinakilala sa loob ng tahanan nila.

'Yong nag-sabi ng 'it's not our fault' ay si Brett. Si Brix naman 'yong slang. Si Seve naman 'yong nag-sabi kanina na 'it's just an ice cream. Deiso naman ang pangalan noong cute at mukhang mabait kesa sa apat. At si Shaun naman 'yong mister masungit.

Nakangisi 'yong tatlo sa kanila at mukhang may masamang balak dahil amo ko sila. Huwag talaga nila akong subukan dahil nag-iinit pa rin ang ulo ko sa kanila!

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Where stories live. Discover now