Chapter 3

280 10 0
                                    

Chapter 3

Aymei's POV,

Omg! Hi my baby girl!”sigaw ni P.Z habang sinasalubong nang yakap si A.L. Si P.Z ang  englishera sa kwarto namin. Oa masyado. Dalawang araw lang silang hindi nagkita eh pero kung umasta parang isang buwan na silang hindi nagkita.

Happy birthday A.E!” nakakabinging sigaw na bati ni A.L sa akin.

Kung maka bati ka parang tayo lang nasa paaralan ha!” tawang sabi ko rito. Tumawa naman ito at may inabot naman itong paper bag sa akin. Wow himalang-himala may pa gift ang gaga. Noon kasi,kahit marami 'yang pera eh kahit sampung piso na ice cream hindi kami magawang ilibre. Kuripot kasi.

Wow himala hahah.” biro ko. “By the way thank you A.L.” nakangiting niyakap ko naman ito.

Huy what's that? Let me see nga.” inagaw naman ni P.Z ang paper bag sa akin at balak n'ya ata itong buksan ngunit binawi ni A.L ito sa kanya.

Hindi 'yan para sa'yo gaga! Dapat s'ya mag-bukas n'yan.” paalala ni A.L dito at ibinigay ulit sa akin ang paper bag.

Unfair.”kunwari nagtatampong sabi ni P.Z.

“Unfair mo mukha mo. Pag-uwi mo nalang 'yan buksan,A.E.”sabi pa ni A.L,tumango naman ako.

I'm Aymei Eliza Bree,isang magandang dilag of course. A.E ang tawag nina P.Z,J.F,at A.L sa akin dahil sa kagustuhan ni A.L. Ewan ko ba sa kan'ya.

Sabay-sabay kaming lumabas ni A.L at saktong-sakto kakalabas lang din nina J.F at P.Z. Nasa section III kasi kami ni A.L. Sina J.F at P.Z naman ay sa section II. Matatalino eh.

Nasa cafeteria na nga kami at nag-order na ng snacks namin. Spaghetti at juice kay A.L, diet naman si P.Z kaya water lang muna raw. Si J.F naman ay sandwich, spaghetti,at juice pero hindi n'ya rin mauubos lahat 'yan. Ako naman sandwich lang todo diet kahit pumayat na ako para ma-achieve ang ideal body na gusto ng boyfriend ko. Syempre gusto ko rin namang maging kasing sexy ng mga japanese girls na may big boobies at big booty din,syempre japanese girl nga 'di ba?

So ayun na nga,habang kumakain kami ay dumaan naman sa harapan namin ang mga insecure na papansin. May ex friend kami ni A.L na kasama sa mga insecure na papansin. Insecure kasi s'ya kay A.L dahil ang dami rawng nagkaka-gusto rito pero hindi naman pinapansin ni A.L ang mga 'yon. Haba ng hair!

“Oo nga pala A.E mukhang doon kami maghahapunan sa inyo ah.” biro ni J.F.

“Oo nga parang hindi naman tayo friends haha.” sang-ayon pa ni A.L.

“May cake ba there mamaya?” tawang tanong ni P.Z.

“Siguro maglu-luto sina mama mamaya text ko nalang kayo.” sagot ko sa kanila. Halata namang kahit diet si P.Z,hindi nakaka-ubos ng pagkain si J.F at madaling mabusog si A.L eh,matakaw pa rin sila.

“Ayos! True fries ka talaga!” tinapiktapik pa ni A.L ang balikat ko at ngumiwi naman ako rito. True fries means 'true friend' alien language namin 'yan haha.

Habang kumakain kami ay umuugong naman sa loob ng cafeteria ang nakakarinding tili ng mga kababaihan kaya naman napalingon ako sa entrance ng cafeteria at nakita ko sa hindi kalayuan ang mga ulo! Oo,ulo! Ang lalaki ng mga ulo ng mga babae rito may iba na tumatayo-tayo pa talaga at umaakyat sa mga upuan nila na parang nakakita ng artista.

Tatayo rin sana kaming mga marites nung biglang may gwapong papunta sa direksyon namin. Oo sa amin talaga! Bago paman ako mag-tanong sa mga gaga ay nagulat kaming tatlo dahil sa pag-aakmang takbo ni A.L pero nahawakan ng lalaki ang braso n'ya. Magkaka-kilala sila?

“Hi Yaya—

“Subukan mo akong tawaging yaya rito at susuntokin kita.”mahinang banta ni A.L dito at ngumisi lang naman ito.

Bigla namang sumulpot ang apat na lalaki at tinawag nung dalawang lalaki si A.L na 'yaya' kaya natawa naman kami sa reaksyon ni A.L.

“I told you Brix,pupunta si Seve kay yaya.” sabi pa nung isang pogi sa kasama n'yang pogi rin na Brix kuno. At wait Yaya? Ibig sabihin sila 'yong kinuwento ni A.L kagabi na umuwi na raw ang mga walang hiyang anak ng mag-asawang Vamps? Ang gwapo naman ng mga walang hiya ah.

“Oh. Hi girls.”  bati nung Brix. Ngumiti lang kami.

“Can we join you?” tanong nung naunang lumapit kay A.L. Hindi pa man kami nakasagot mabilis na tumanggi si A.L.

“Maraming bakanteng upuan doon 'di ba?” pinanlakihan n'ya ito ng mga mata. Umupo naman sa tabi ni P.Z 'yong isa sa kanila.

“I'm tired and I'm hungry yaya.”nag-pout naman ito. Umupo na rin ang iba pa sa table namin. Halata naman na naiinis si A.L sa mga ito.

“Bahala kayo d'yan!” irap ni A.L at pumunta sa kabilang table. Tatayo na sana kami pero biglang dumating ang mga insecure na papansin.

“Hi Deiso! I'm your classmate in Section I.” malanding sabi ni Joy sa tahimik na guwapong lalaki na palagi lang nakangiti. Kung hindi ako nag-kakamali ito 'yong sinasabi ni A.L na isa sa mga alaga n'yang crush n'ya. Siya lang naman ang may friendly at chill na aura sa kanilang lima. Halatang masungit kasi 'yong isa at 'yong tatlo ay maiingay.

“Hello,nice to meet you.” nakangiting sabi ni Deiso. 

“Ah can we join you?”lumingon naman si Joy sa amin na para bang close friends namin sila. Empakta! Sarap sampalin eh! Hindi na kami nag salita at agad nang lumipat sa table kung saan si A.L.

“Inggitera na nga,papansin pa. Tss.” inirapan ko sila at sinamaan lang naman nila ako ng tingin. Kung wala 'yang mga alaga ni A.L at sinabihan ko sila ng ganoon siguro kakalbohin na nila ako.

“Sayang! Mga papansin talaga! Edi sana nakilala pa natin 'yong mga 'yon.” inis na sabi ni J.F at padabog na umupo sa tabi ni A.L.

“Hmmm...mga putangina.” nangigigil na tinusok ni A.L ang hotdog sa spaghetti n'ya na ikinagulat namin. Ngayon ko lang din namalayan na papunta na naman pala sa amin ang isa sa alaga n'ya at sinundan nong dalawa kaya ayan na naman ang tatlong makukulit n'yang alaga.

“Yaya.” casual tawag nung isa sa kanila.

“Ano na naman bang kailangan n'yo?”tila nagtitimping tanong ni A.L.

“We're hungry.” reklamo nung Seve.

“Alam n'yo? Yaya n'yo ako sa mansyon n'yo at...” pumikit naman ito bago itinuloy ang mga kasunod n'yang salita “....hindi kasama rito!”

“But we're still your obligation.” nakangising sabi nung Brix.

“Hindi ba kayo marunong maglakad? At pumunta sa counter?!” mahinang tanong nito na may bahid pa nang pagka-inis.

“We know how to walk at pumunta doon. But,ang daming nakaa— ” hindi na pinatapos ni A.L ang mga sasabihin ni Brix at nag-martsa na papunta sa counter.

“Is she mad?”tanong nung isa. Nag-kibit balikat naman si Brix at sumagot sa kapatid nya,

“I guess?”

“Hindi galit 'yon.” sabi pa ni J.F. Sabay-sabay naman silang lumingon dito.

“Really?” masayang tanong ni Seve.

“Pero konti lang hehe.” sabat ko naman.

Ngumisi naman sila at pinagmasdan si A.L sa malayo. Habang nag-uusap ang magkakapatid tungkol sa kay A.L ay napalingon naman ako sa kaliwa ko at—masamang naka tingin sa akin si Isaac, boyfriend ko. Naku alam kong nagse-selos na naman 'yan! Ang hirap pa namang lambingin n'yan.

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Where stories live. Discover now