Chapter 9
Angel's POV,
Ilang linggo rin ang lumipas at maayos naman ang takbo ng buhay ko. Alam narin nina A.E ang tungkol sa amin ni William,maliban lang siguro sa iba,alam din ito nina Steph dahil si William ang naghahatid sa akin kapag uwian na. Minsan nga palagi talaga kaming nagbabangayan ni Shaun at todo suporta naman sa akin ang mga kapatid nito lalo na kapag rebatan kasi hindi talaga maganda ang mga rebat ko hahaha at minsan pa hindi ako maka sagot dito,hanggang ngayon din ay hindi pa bumabalik si lola. Nakausap ko s'ya nung una pero sabi n'ya babalikan n'ya raw ako at gusto n'ya raw na umuwi ako kung hindi ako busy ,pero dahil busy ako palagi dahil sa nalalapit na ang moving up namin ay wala akong time para umuwi ng probinsiya,gustohin ko man ay hindi talaga maaari dahil sa paparating na moving up. Nag-simula narin daw kasing dumalaw ang sakit ni lola kaya mas lalo akong nananalangin na sana matapos na itong moving up para maka-uwi na ako ng probinsiya para makasama ko na si Lola ulit at maalagaan ito.
Habang naglalakad ako patungo sa botanical gardens sa likuran ng third year highschool building ay biglang tumunog ang cellphone ko. May usapan kasi kami ni William na magkikita kami sa botanical garden dahil may ibinigay daw s'ya sa akin. So ayun na nga wala pa si William at si Lola pala itong tumawag.
“Ohayo obāchan! (Good morning grandma!)” masiglang bati ko matapos sagutin ang kabilang linya.
[Ayan kana naman kaka-chingchong mo!] tila galit na sabi nito. Natawa naman ako pero sumikip parin ang dibdib ko dahil sa hina ng boses nito.
“Haha syempre naman po,,kamusta kana po pala?”
[Okay naman ako apo,ikaw ba?]
“Okay din naman po lalo na kapag okay ka. At malapit narin pong matapos ang eskwela kaya magmo-moving up na po ako tapos uuwi narin po ako riyan,pagaling ka obāchan!”
[Aba syempre naman,basta uwian mo ako rito ha?] gumagaral na boses na sabi nito.
“Oo naman po, syempre,ikaw pa,”
[O sige paalam na baka may gagawin ka pa]
“Nako wala po akong gagawin hindi parin po nagsisimula ang klase,”
[Ah gano'n ba? Oh sige sige may gagawin lang ako ha?]
“Ah,okay po,basta 'wag ka pong magpapagod ha? 'wag ka pong masyadong magpapawis,”
[Sige apo,ba-bye]
“Ba-bye po,obāchan,I love you at I miss you,” matapos kong sabihin iyon ay binabaan na ako ni lola ng linya. Kahit kailan! Kung hindi ko lang talaga mahal si Lola siguro—tsk! Halatang tutulong na naman iyon kay lolo sa farm,,kahit kailan talaga hindi ma-pirme itong si Lola. Sana talaga nandoon na ako eh para ako na 'yong gumagawa ng gawain ni Lola. Napa-buntong hininga na lamang ako at hinihintay na lamang si William.
Isang oras din ang lumipas bago dumating ito dumating. Napangiti naman ako nung makita s'ya kahit halos mainip na ako kakahintay,iba talaga kapag nakikita ko s'ya nawawala lahat ng inip ko. Ngumiti naman ito pabalik.
“Sorry mogi may pinapagawa pa kasi 'yong teacher namin sa akin eh,” paghingi nito ng tawad. Kahit kailan talaga nahihiya pa rin ako sa kanya eh haha ewan mahiyain lang talaga ako.
“Nako ano ka ba,okay lang 'yon moyb,”ngiting sabi ko. Ilang sandali lang ay inilahad nya sa akin ang tsokolate at favorite stuff panda ko. Niyakap nya naman ako nang mahigpit at nagpasalamat narin ako sa kanya. Hindi rin kami nagtagal doon dahil may kailangan pa raw s'yang gawin,at isa pa malapit na rin matapos ang lunch break kaya baka mahuli parin kami sa klase.
Baduy ng call sign namin,oo,pero s'ya ang nag imbento n'yan eh kaya sige go parin ako. Mogi means (M)y (O)nly (GI)rl,at Moyb is (M)y (O)nl (Y) (B)oy.
Mabilis narin natapos ang afternoon class namin at uwian na.
—
“Sigurado ka ba sa lalaking 'yon Louise?” tanong ni Brett. Oo nga pala,hindi na nila ako tinatawag na yaya ngayon,pero depende sa mood na haha,mukhang seryuso nga ito ngayon kasi Louise na.
“Uh-oo,bakit?” nagtatakang tanong ko. Nandito kaming anim ngayon sa tree house nila dahil gagawa raw ng projects ang mga ahead students at syempre iisang intestine sila,nakatali sa isa't isa kaya silang magkakapatid ang nandito. At dahil wala naman akong gagawin sinama na rin nila ako kahit tumutol si Grumpy or si Shaun.
“Kapag sinaktan ka non talagang mawawalay ang mukha non,tigan mo,”nang gigigil na sabi ni Brix.
“I will cut his arms,” sabi pa ni Steph,minsan talaga naaalala ko na may crush parin ako kay Steph at feeling ko nagtataksil ako kay William,lol.
“Ako puso n'ya,oo,kukunin ko ang puso n'ya,”si Seve.
“Tsk! Ewan ko sa inyo para ko na kayong tatay ha,” biro ko.
“Basta ito ang tatandaan mo Louise ha? Huwag na huwag mong mamahalin nang buo ang lalaking 'yon,” seryusong sabi ni Brett. Tinaasan ko naman ito ng kilay.
“Don't love him too much. Mahalin mo s'ya,pero huwag 'yong ibibigay mo na ang lahat nang pagmamahal mo sa kanya at hindi ka na magtira ng para sa 'yong sarili,”sabi ni Grumpy. At kahit na hindi ito nakatingin sa akin halatang seryuso ito,nakatuon lang ito sa ginagawa n'yang project.
Nagulat talaga ako sa mga inaakto nila. Kahit ilang buwan pa kaming nagkakilala tila nababaguhan talaga ako sa kanila ngayon.
“Ano ba kayo! Pinatitindig n'yo 'yong balahibo ko eh!”sigaw ko sa kanila.
“Saang balahibo?” tanong ni Brix at ngumisi,siniko naman s'ya ni Seve. “Aw!—tss,just kidding. Basta huwag mong ibigay lahat,mag-tira ka ng para sa 'yong sarili,okay?” sabi pa nito at mula sa pagkakadapa nito sa isang kama sa tree house nila ay umupo ito o nag-indian sit.
“Ewan ko sa inyo,creepy n'yo!,” irap ko. “Pero sige,hindi,hindi ko s'ya mamahalin ng buong buo,”ngiti ko. Ngumiti naman sila pabalik at nag-simula na silang bumalik sa kani-kanilang mundo.
Ito 'yong unang araw na nakita ko silang ganito ka seryuso sa pagsasalita sa akin at ngumiti ng mapait,oo,kahit hindi ako marunong bumasa nang kilos ng isang tao ay alam kong mapait ang ngiti nilang iyon,unang araw din na nakita ko si Shaun na ngumiti,pero mapait pa rin,hindi ko alam pero kakaiba talaga ang kinikilos nila.
Napa-buntong hininga naman ako habang pinagmamasdan sila. Siguro tama si Steph noon,na mababait ang mga kapatid n'ya pero hindi parin ako kumbinsido,siguro sa pag-aalala na ipinakita nila ay na-touch talaga ako Hahah,kahit siguro ubod sila nang kayabangan,kabastusan,kakulitan,at kasupladuhan ay alam kong mayroon parin silang tinatagong kulay na hindi ko pa nakikita.
Gusto ko talagang ipangako na sana hindi ko mamahalin nang buong buo si William,at sana masunod ko 'yong sinabi nina Grumpy. I want to treasure their words,siguro once in a blue moon ko lang silang maririnig na ganyan eh hahhaa. Minsan lang din akong nag-te-treasure ng mga salita ng isang tao haha.
YOU ARE READING
THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)
Fiksi Remaja01-24-22/07-07-22 Si Angel ay isang katulong sa isang mansyon na pinagtatrabahuan ng kanyang lola,ang mansyon ng mga Vamps. Masaya si Angel habang pinagsisilbihan ang mag-asawa dahil sa kabaitan ng mga ito,ngunit isang araw ay nabulabog ang kasiyaha...