Chapter 2
Angel's POV,
Gago ba sila? Tanginang mga prinsepe kuno 'to! Inis kong inilagay ang mga gamit ng mga ulol na aso sa kani-kanilang silid. Sakit sa ulo! Oo,alam kong amo ko rin sila pero mukhang gagawin ata nila kawawa rito eh!
“Okay na ba ang things ko YAYA?” napangiwi naman ako bago lumingon sa slang at nasa likod n'ya ang mga kapatid nyang ngiti-ngiti maliban sa cute at sa masungit na kanina pa atat na atat na tapusin ko ang ginagawa ko sa silid ng mga kapatid nito.
“Haha,”irap ko at tumawa naman ang tatlong aso. Inis kong hinila ang mabuhay na bagahe ni Seve sa kwarto nya at nakabuntot parin ang mga ito sa akin kaya inis kong nilingon ang mga ito.
“Talaga bang bubuntot-buntot kayo sa akin?!”inis na tanong ko.
“Of course yes,YAYA,”napalobo naman ako sa pisngi ko sa sagot ni Brett. Padabog kong inayos ang gamit ni Seve sa aparador nya.
“Ah,YAYA? Paki ayos narin nitong bed ko,kindly wear gloves pala,”ngiti-ngiti paring utos ni Brix.
“Arte!” bulong ko. “Ah hmm mag-hintay ka lang po SIR ha?” pekeng ngumiti ako rito.
“Ang bagal! Can you arrange that quickly? I'm so tired!” reklamo ni Shaun sungit.
“Edi ikaw na mag-arrange sa kwarto mo!”inis na bulong ko at pinaghahampas sa kama ni Brix ang unan nito.
“If you're mad on him can you just shout him or what? Kawawa ang pillow ko,” napalobo naman ulit ako sa mukha ko.
Pagkatapos ko sa silid nina Brix,Brett at Seve ay sa silid na naman ako ni Shaun. Ang bango ng mga gamit nya,mabango naman ang tatlong asong 'yon pero mas mabango kay Shaun,amoy lalaki talaga at nakaka-adik.
“Hey creature pwede bang tigilan mo ang kakaamoy sa mga gamit ko? I know I have a manly scent,” asik nito. Napa-irap naman ako,may lahing feeler din pala 'tong lalaking 'to.
Binilisan ko ang pag-linis at pag-ayos ng mga gamit nito bago sa kay Deiso o Steph hahha. Ang bango rin ng mga gamit nya siguro magkasing bango lang sila ni Shaun.
“Ehem,” napalingon naman ako kay Steph na ang cute kung tumikhim.
“May kailangan ka po?” magalang na tanong ko rito.
“Im sorry about my brothers,” pag-hingi nito ng tawad. Ngumiti naman ako.
”Ay hehe wala 'yon,mabuti ka pa ang bait mo kesa sa kanila,”
“Haha mabait din naman sila,I think they like you,” tinaasan ko naman ito ng kilay. “I mean pikon ka kase that's why,” dagdag nito.
“Tsk nakakapikon kasi sila eh,” padabog na sabi ko at umupo sa bed nito.
“Haha don't worry,sabi nga ni mom magkakasundo rin kayo in the end of the day,”umupo naman ito sa tabi ko. Nag eyes to eyes pa kami! Ramdam ko naman ang pag-iinit ng mukha ko kaya agad din akong tumayo.
“Siguro hindi na haha,”inayos ko naman ang inupuan ko kanina.
“Mabait sila,” ngiti n'ya. Tsk saan naman ang mabait don?eh mga walang hiya nga eh,pero sino ba kaseng mabait at gwapong Deiso ang magsasabi na demonyo ang mga aso nyang kapatid? Tss.
“Haha bahala ka basta para sa akin nakakainis sila,” tumawa naman ito sa sinabi ko. “Ah,sige Sir Steph lalabas na ako welcome pala,” nakangiting bati ko rito.
“Stop being formal Jela,just call me Deiso,”lumapit naman ito sa akin at inabot ang kamay nito,napa-kagat naman ako ng labi habang inaabot ang kamay nito dahil na rin sa kaba.
“Pwedeng Steph nalang po itawag ko sa'yo?” nag-aalinlangang tanong ko.
“Sure,pero hindi ako sanay sa Steph,” napakamot naman ito sa batok.
“Haha nice to meet you Steph,” nakipag-kamay muli ako bago lumabas ng silid nya. Nang makalabas naman ako ay palihim naman akong tumili. Ninerbyosin siguro ako dahil sa lalaking 'yon! Ang lambot ng kamay nya at...ang cute nya!!! Naramdaman kaya nya ang panginginig ko? Hahah—
“Weird,”
“Waah!” napatalon naman ako sa gulat nung biglang mag-salita si Shaun sa likuran ko,muntik pa nga akong madulas sa hagdan eh!“Papatayin mo ba ako sa gulat!?” sigaw ko rito pero nag-smirk lang ito at dinaanan lang ako. Napalobo naman ako sa pisngi ko at inaakmang susuntokin ito pero ang hangin na lamang ang sinuntok ko,kawawang hangin.
Bumaba na ako kasunod nito at nasa kusina na nga ang mag-asawang Vamps at tatlong lokong asong anak nila. Ngayon ko lamang din namalayan na kasunod ko pala si Steph na bumaba.
“Oh Jela pwede mo bang kunin 'yong iba pang gamit nila sa kotse?”utos ni lola na umagaw ng atensyon sa tatlong aso. Ngumisi naman silang pareho pero inirapan ko lang sila.
“Hi YAYA Jela,” kinawayan pa ako ni Brix pero hindi ko na ito pinansin at nag martsa na lamang palabas ng mansyon. Narinig ko namang sinabihan sila ng Mommy nila na tulungan ako pero hindi ko na ini-expect pa na susunod 'yon sa akin para tulungan ako,maliban kay Steph babe na hindi na nag-hintay ng utos kundi bulontaryo nang sumunod sa akin upang tulungan ako.
“You're so cute Jela," nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi ni Steph. Ngumiti lang ako rito pero ang totoo gusto ko nang sumigaw sigaw huhu feeling ko si Steph ang magiging dahilan ng pagkakaroon ko ng heart attack eh!
“Sabi ni Mom na magt-transfer daw kami sa Naobil High kung saan ka nag-aaral,” sabi pa ni Seve na kakarating lang kasama ang tatlo nyang kapatid.
“Yes I'm so excited!” sabi pa ni Brett. Napa-irap naman ako at—anong sabi nila?! Naobil High!? Napatingin naman ako sa kanila. Ngumisi naman sila at nag-itaas baba pa ng mga kilay.
“I think it's more fun in Naobil High with Yaya hahaha,”kahit maliit ang butas ng ilong ko feeling ko lumaki ito dahil sa sinabi ni Seve.
'Wag talaga nilang sabihin na pati sa paaralan gagaguhin nila ako! Talagang—waaaah! Ewan ko lang talaga! Anong klaseng bulalakaw ba ang tumama sa kapalaran ko!?
“Don't worry Jela,you can handle them. And besides nandito naman ako,pagsasabihan ko sila,” Ayan na naman ang crush ko!!! Madness ruiner talaga! At talagang aatakihin na talaga ako sa puso kung palagi s'yang ganito.
Despite of my happiness dahil kay Steph,nagwo-worry pa rin talaga ako sa magiging takbo ng buhay ko sa paaralan kasama ang mga asong 'yon eh! Lalo na 'yong tatlong 'yon.
Sabay naman kaming pumasok ulit ni Steph sa mansyon at s'ya na nga ang nag-akay sa mga gamit na dapat ako ang magda-dala nun sa loob. Napaka gentleman talaga!!!
YOU ARE READING
THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)
Novela Juvenil01-24-22/07-07-22 Si Angel ay isang katulong sa isang mansyon na pinagtatrabahuan ng kanyang lola,ang mansyon ng mga Vamps. Masaya si Angel habang pinagsisilbihan ang mag-asawa dahil sa kabaitan ng mga ito,ngunit isang araw ay nabulabog ang kasiyaha...