Chapter 6
Angel's P.O.V,
"Yaaay!" nagtatalon-talon ako sa tuwa dahil pinayagan ako ni lola na pumunta sa birthday celebration ni A.E. Kahit nasa paaralan palang ako ay tumawag muna ako kay lola para magpaalam tapos mamaya ulit magpapa-alam na naman ako haha.
"Yaya!" napawi naman ang ngiti ko nung salubungin ako ng dalawang sutil.
"Bakit?" tinaasan ko silang dalawa ng kilay. Si Von ay nahuli sa akin dahil iniwan ko ito sa classroom para tawagan si Lola.
"Uuwi kana rin?" tanong ni Seve.
"Hindi." sarkastikong sagot ko
"Bakit? Saan ka pupunta?” tanong ni Von.
“Heaven gusto n'yong sumama?”
“We're serious here.” seryusong sambat ni Shaun. Napa-irap naman ako.
"Oo na,pa uwi na ako. Alangan naman kasing dito ako matutulog 'di ba?”
“Good. Come with us yaya.”tumaas naman ang kilay ko sa sinabi ni Brix.
"Saan na naman?” napakunot naman ang noo ko.
"Magma-mall kami."sagot nito.
"Oh? Ano naman ngayon? Hindi ba kayo pwedeng pumasok doon kung walang yaya? At isa pa may lakad ako mamaya kailangan kong umuwi ng maaga.” tanggi ko sa kanila.
“Mom told us na magpasama sa'yo.” malamig na sabi ni Shaun. Napangiwi naman ako.
“Pe-
"No buts." putol nito sa sasabihin ko.
"May lakad ako eh!" inis na bulong ko.
"May reklamo ka?"pinanliitan naman ako nito ng mata. Napalobo nalamang ako ng pisngi. No choice Yaya naman nila ako.
"By the way yaya,what's that?" napatingin naman ako sa tinuro ni Seve.
"I guess that's from her suitor, too.” sabi pa ni Brett at akmang kukunin ang chichirya ko pero agad ko itong iniwas.
"What?I mean,can I have one yaya?" sabi pa ni Brett at nag-puppy eyes,kadiri! Umiling naman ako rito.
“Paborito ko 'to e—
“Got ya!”nagulat naman ako nung hablutin ni Brix ang malaking Marshmallow ko!
"Hoy! Akin na yan! Paborito ko yan!"sigaw ko kay Brix. Tumakbo naman ito at inilagay ko sa loob ng kotse nila ang ibang dala ko bago ito hinabol.
Nasa parking lot na kami ng Naobil High.Marami-rami rin ang mga estudyante rito sa parking lot at ang daming naka park na mga sasakyan kaya nahihirapan akong habulin ito.
“Brix ano ba! Akin na 'yan!” sigaw ko habang hinahabol ito. Napahinto naman ako saglit dahil at naghahabol ng aking hininga.
Noong tignan ko ulit si Brix ay nawala na nga ito. Inilibot ko ang paningin ko at hindi ko na ito nakita. Inis akong nag-martsa pabalik sa kung saan naka-park ang kotse nila at—
"Waaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!" malakas kong sigaw na kumuha ng atensyon sa ibang mga estudyante na nasa parking lot pero wala akong pake! Halos habulin ko na ang aking hininga dahil sa galit. Paano ba naman kasi kinain nila ang binigay nina Jack sa akin. Pati si Steph kinain 'yong chichirya pero walang problema sa akin 'yon. Kaso sina Shaun ay nanatiling walang pakialam na nakatingin sa akin habang kumakain ng marshmallows ay malaking problema! Naka-ngisi lang sa akin ang tatlong sutil na mas lalong nagpa-kulo ng dugo ko! Favorite ko 'yan eh!
“Let's go?” casual na tanong ni Shaun na para bang wala silang kasalanan sa akin. Nanliit naman ang mata ko at galit.
Nag-martsa ako papunta sa kanila at inagaw ang marshmallows ko at kumuha ng ilang marshmallows at kinain. Inagaw ko rin kay Brett ang juice na ininom n'ya habang masama pa rin ang tingin ko sa kanila. Nagulat pa nga si Brett noong agawin ko ito. Hindi ko akalain na ang mga may gintong kutsara na ito ay magnanakaw rin pala!
“Walang hiya kayo! Favorite ko pa talaga ang kinain n'yo! Bakit hindi nalang kayo bumili ng sa inyo? Mayaman kayo 'di ba?” singhal ko sa kanila at mapanuyang ngumisi sila.
Pumasok na nga kami sa kotse nila at tumabi naman ako kay Steph at nag-simula na ngang mag maneho si Seve.
"Don't mind them.”bulong ni Steph sa akin. Napangiti naman ako at tumango. Mabuti pa talaga itong si Steph ko.
Si Seve at Brix ay nasa front seat. Si Brett naman ay nasa pangalawang upuan mula sa front seat sa kaliwa. Sa pangatlong seat naman sa likuran ni Brett ay si Shaun. Ako naman at si Steph ay nasa pangatlong upuan din pero sa kanan.
“What's your real name yaya?” tanong ni Brix at humarap sa amin. Ang random naman nito.
“Jela.” maikling sagot ko.
“Don't lie to us Yaya.” seryusong sabi ni Seve.
“Just tell us Jela.”dagdag pa ni Steph. Kung hindi ko lang talaga crush 'to eh tsk. Napairap naman ako.
"Angel Louise."walang gana kong sagot.
"Ow,kaya pala they call you A.L."sabi ni Brix at tumango-tango pa.
"Nice name huh.” puri ni Steph. Ramdam ko namang uminit ang pisngi ko. Tiklop talaga ako eh!
“Angel? Parang mas bagay ang Devil sa'yo.”nanliit naman ang mata ko sa sinabi ni Shaun.
“Nanadya ka ba?” inis na tanong ko sa kan'ya. Baka nakakalimutan n'yang may kasalanan pa s'ya sa akin? Porque amo ko s'ya gan'yan na s'ya? Aba hindi ako papayag.
“Tsk. I'm just telling the truth.” napanganga naman ako sa sinabi nito. Hindi ako makapaniwalang out of nowhere magsasalita s'ya at para insultuhin lang talaga ako!
Inis akong tumayo at handa na sanang sugurin si Shaun ngunit tumayo rin si Steph at ihinarang ang katawan nito sa akin. Gustong-gusto ko parin talaga itong sugurin pero naka-harang talaga si Steph ko.
Sarap talaga bigwasin eh!
Nagtawanan naman sila dahil ngini-ngiwi-an ako ni Shaun na mas lalong nagpapa-init ng ulo ko. Nanadya talaga eh! Iyan ang pinaka-ayaw ko talaga sa lahat eh ang ngini-ngiwi-an ako. Oo pikon talaga ako at pikon na pikon ako sa mukha nito ngayon!
Inis akong umupo at napa-cross ng braso at nakatingin sa harapan. Noong lingunin ko ulit ito ay ngumisi ito.
“Pikon ka pala,yaya.” tumatawang sabi ni Brix. Napa-irap naman ako.
“Siguro yaya,'yong patience mo kasing liit ng height mo?” nagtawanan naman sila sa sinabi ni Brett.
“Ha.Ha.Ha. sobrang nakakatawa.” sarkastikong sabi ko.
“ Bakit kaya gan'yan Yaya? Hahaha siguro hindi ka tumatalon kapag new year?” tinaasan ko naman ng kilay si Seve na ngayon ay tumatawa.
“Nakakatawa? Baka gusto n'yong dito ako tumalon sa kotse n'yo tapos isama ko kayo?”
“Why don't you jump on your own?” mapanuyang tanong ni Shaun at nilingon ako.
“Bakit hindi nalang ikaw?” pabalik kong tanong.
“That's your idea. You're free to jump off there.” turo n'ya sa akin sa pinto.
“Eh kung isama kaya kita para kwits?” nakangising tanong ko.
“Why would I? This is our car. You're the one who doesn't belong here.” nakangisi itong tinaasan ako ng kilay.
“Kung hindi ka lang anak ng amo namin kanina pa kita sinuntok!” nangigigil na sabi ko.
“We'll fire you then para masuntok mo ako. Great idea right?” nakangising tanong n'ya. Tumawa naman ang tatlong sutil sa harapan.
Napalobo naman ako ng pisngi at hindi na pinansin ito dahil baka totohanin n'ya kapag pinatulan ko pa ito. Tsk.
![](https://img.wattpad.com/cover/308475018-288-k797750.jpg)
YOU ARE READING
THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)
Teen Fiction01-24-22/07-07-22 Si Angel ay isang katulong sa isang mansyon na pinagtatrabahuan ng kanyang lola,ang mansyon ng mga Vamps. Masaya si Angel habang pinagsisilbihan ang mag-asawa dahil sa kabaitan ng mga ito,ngunit isang araw ay nabulabog ang kasiyaha...