KABANATA 2: GHOSTING
Ang lakas ng patak ng ulan sa malawak na kalsadang dinadaanan ko ngayon. Daig pa ang freezer sa panahon sa labas, kahit ganoon, minabuti kong magsuot na lang ng extra jackets para makadalo lang sa pagkikita namin.
Habang hawak ko ang payong sa isang kamay, tinago ko ang kabilang kamay ko sa bulsa para mainitan kahit paano.
Sa ulan pa lang nanginginig na ako, paano pa kaya kapag nag-ice bucket challenge ako? Baka tegi na ako, buti na lang wala na 'yung trend na 'yun.
Sumilong ako sa ilalim ng cafe, sa kabilang cafe, dahil ayoko nang makita si Ryu nang hindi ready! Ekis na ang Café Express sa pupuntahan ko.
Ryu... bakit nga ba nagpakita ka pa? Pwede namang hayaan mo na lang akong makalimot.
"Autumn!"
Ryu?
"Para kang binasang kuting! Tingnan mo naman kung gaano ka giniginaw!" Kahit gaano kalakas ang ulan na pumapatak sa labas ng eskuwelahan ay sumapaw pa rin ang halakhak niya.
Malapad ang ngiti niyang mabilisang nagpa-init ng pisngi ko. Nawala tuloy nginig ko. Dati ka bang heater Ryu?
"Eto, dapat nagdadala ka ng extra jacket kapag ganiyan ka kabilis lamigin, Autumn."
"'Di ko babayaran 'to ha!" Inabriguhan ako ni Ryu ng jacket na kakasuot niya lang kanina.
"Free of charge para kay Autumn, basta ibalik mo bukas, dapat bukas may sarili kang jacket. Bye!" Tumakbo siya diretso kela Alistair.
...Bakit?
Kung hindi mo ako gusto, bakit mo binigay ang jacket mo sa'kin?
Halatang giniginaw ka sa suot mong t-shirt.
"Hoy Autumn! Nakatulala ka na naman." Nakangiting bungad ng tatlo, sina Summer, Winter, at Spring.
"Omaygad ganda mo today! Mula sa malayo kahawig mo si Mina." Pinaglakip ni Summer ang mga kamay namin habang pumapasok sa Café.
"Sari-sari store version ni Mina, charot." Pahabol ni Winter habang magkasama kaming apat na pumasok sa Café.
"So, what happened? Spill the coffee na tea!" Malapit ang mga mukha ng tatlo sa akin, kating-kati na malaman ang pangyayari noong nakaraang linggo. Teka, bakit sila kating-kati at ang mahalaga, saan?
"Uhm, kasi ano--" Unti-unti akong napangiti sa kilig at tumili.
"Nagkita kami ni ano sa Café tas may kulangot ata ako n'on." Humahagulgol ako sa utak ko sa pag-aalala ng pangyayaring 'yon. Paano na kami mag-cocomeback nito?
Charot, malabo nang mangyari 'yun.
"Ang mahalaga nagkita kayo, kahit may 3rd wheel kayong kulangot."
"Ano bang ginawa ni Ryu doon sa Café? Bakit parang nag-pop up na lang siya doon na parang NPC sa tagal niyong 'di nagkita? Hindi naman siya doon nakatira, right?" Usisa ni Spring, habang hinihigop ang tsaa niya.
"OMG." Namilog ang mata ni Winter at tinakpan ang sariling bibig. May sasabihin na naman 'tong--- "What if stalker si Ryu?"
Napatahimik kaming apat at napaisip.
"Huy grabe 'wag naman." Reaksyon ni Summer sa pahayag ni Winter habang malamyang hinambalos ito.
"Pero 'yung totoo! Baka may magandang rason, paano nga ba uli nag-start 'yung love story niyo?"
Mataimtim akong sumipsip sa kape at napangisi sa naalala. "Nagsimula nung 3rd quarter ng Grade 10... ata? Ewan 'di ko maalala. Tapos..."
"Okay, let's see kung talagang naalala niyo ang mga formulas." Para bang naging simbahan ang silid-aralan dahil sa dami ng mga estudyanteng kabadong nagdadasal... Siyempre kasama ako d'on.
BINABASA MO ANG
Autumn (Never Leaving)
RomanceFirst book of the Season Tetralogy, heavily dedicated to each of my best friends, as the main leads of each book..