Heavily dedicated to one of my best friends, as the main lead of the book.
Warning: Includes swear words.
KABANATA I: A DREAM
Malamig ang hangin na sumasampal sa aking mukha, para ako'y gisingin sa ka-antukan. Ang mga langit ay bahagyang madilim sa pa-umaga pa lang. Ang simoy ng hangin ay nagpapakalma sa loob ko para sa reporting o monologo sa asignaturang Filipino na kasingtulad lang ng halimuyak ng mga bulaklak.
Nagsisi-liparan ang buhok ko papalayo sa aking mukha habang nag-momotor si tatay. Abot-tanaw na ang eskuwelang pinapasukan ko. Lumakas ang kabog ng puso ko dahil dito.
Habang papalapit ay mahina kong inaalala ang aking mga katagang sasabihin sa monologo--- teka, bakit ang pagtukoy ko sa mga pangyayari ay para bang nasa libro ako?
"AUTUMNNNNNNNNN!" Isang malakas na palahaw ng Mariah Carey version 2.0 ang nagpasira ng aking kakayahang makarinig. Napasulyap ako sa pinaroroonan nito para makita ang kaibigan kong si Summer.
Tinapik ko si tatay mula sa kaniyang balikat, "Tay, andiyan na si Summer. Baba mo na po ako rito, lalakarin na lang namin."
Nilapit ni tatay ang motorsiklo sa gilid ng malaking kalsadang pinamamayahan ng sandamakmak na jeep at tricycle na sinasakyan ng mga estudyanteng papasok na sa kanilang pangalawang tahanan.
"Oh, ingat ka ha." Nag-abot ito ng pera para sa baon ko.
Bumaba ako mula sa nasabing sasakyan at hinintay pumunta sa akin si Summer para sabay kaming pumasok. Doon ay nawala na sa tanaw ko ang tatay ko.
"Grabe, kinakabahan na ako sa monologo. Natatakot ako." Bahagyang nakakunot ang noo ni Summer sa pag-aalala.
"Kaya mo yan bhi." Masigla kong pag-eencourage na nginitian ni Summer bilang salamat. Nagtungo kami sa gate ng WAP Highschool habang sinasaisip ang linyahan namin.
Nang makapasok sa malaking gate ay kapwa naghanap kami ng dalawa pang pamilyar na mukha. Mukhang late na naman ang dalawa pang ito. "Punta na tayo sa room para makapaghanda na tayo."
Pumunta kami sa kwarto ng Filipino upang magbihis ng kasuotang naka-ayon sa sinabi ng aming guro.
Napabuntong-hininga ako, Grade 10 naman na ako. Konting tiis nalang, makakamit ko na ang pangarap ko.
Lumabas ako upang magpakalma, kung saan nag-rerecite ng kaniyang linya si Summer at nagpapabalik-balik. Mula sa hagdanan ay natanaw ko sina Winter at Spring na parehas tahimik.
"Oh, handa na ba kayo? Ako si Korina Sanchez at ito ang Rated-K---"
"Tumahimik ka nga diyan Autumn, naiinis ako eh." Tinarayan ni Winter si Spring at pumasok sa kwarto nang may mabibigat na yapak.
Sumimangot si Spring, "Habang nag-uusap kasi kami ni Winter napalakas yung boses ko tungkol sa crush niyang si Eros. Ayon nagtampo. Nakakastress."
Biglang tumawag ang guro namin.
"Autumn! Ikaw ang lucky winner, ikaw ang ating first actor. Pakisabi kung ready ka na." Pumunta ako sa harap ng pintuan ng silid-aralan. Ako lang ang nasa labas ng hallway at tila inaantabayanan ako ng mga kaklase ko sa loob.Humigop ako ng isang malaking hininga at pumasok sa loob. "Hi, ako si Autumn---"
"Autumn, bagsak ka na." Dismayadong binaba ni Ms. Perpekto ang mata nito sa kaniyang grading sheet.
"Huh, bakit naman po?"
"Nakalabas ang kulangot mo."
"Humanda na ang susunod!" Nag-init ang pisngi ko nang pinagtawanan ako ng mga kaklase ko. Kimi kong kinapa ang ilong ko para sa kulangot nang---
BINABASA MO ANG
Autumn (Never Leaving)
RomanceFirst book of the Season Tetralogy, heavily dedicated to each of my best friends, as the main leads of each book..