XavierAh, the fresh morning air. The chirping of the birds. The sunlight gently shining down on the window. The soft covers of my bed. Yes, it was quite a glorious morning.
"I will not meet this guy!" I heard someone shout outside.
My precious morning suddenly broke into pieces. I was quite sure that I heard the pieces crumble into pieces.
Ano na naman kaya ang nangyari?
Pagkatapos kung maghanda ay lumabas ako ng kwarto ko at nadatnan ko si Serene na nagtatampo kay Marcus. Nakatingin naman si Seine at Zero sa dalawa na para bang nag-aalala.
"Anong nangyari?" tanong ko sa dalawa.
"Apparently, gusto ni Madame Eloisa na makipagkita si Serene sa isang prospective partner for marriage," sagot ni Seine.
Nabigla naman ako sa narinig ko. Seryoso? Serene was hardly an adult. She is still a teenager. Then again, I don't live in the world of the rich.
Dumating si Madame Eloisa at nanahimik kaming lahat habang naglalakad siya papalapit sa amin.
"Lola, I don't want to meet this guy!" Serene protested.
"But marrying him would be very good for our business, Serene. Besides, you're just going to meet him. Hindi ko naman sinabi na magpapakasal na kayo kaagad."
"Pero, Lola..." Dumako ang tingin ni Serene sa amin at bigla akong natakot nang lumakad siya papunta sa akin at kinuha ang kamay ko.
"Ang totoo po niyan, Lola..." Hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko. "Nagmamahalan po kaming dalawa ni Xavier!"
Hold up. Sandali lang. Ano ang sinabi niya?
"A-ano?" nauutal kong tanong.
Humarap sa akin si Serene. "Xavier, I know na natatakot ka pero this is the time na sabihin na natin sa kanila na may namamagitan sa ating dalawa."
Kitang-kita ko sa mga mata niya na parang nagsasabi na hindi ko siya dapat ipagkalulo sa kanilang lahat. Pero kahit ganun man makatingin si Serene sa akin ay nahirapan pa rin akong sumagot sa mga mukha nilang napupuno ng tanong.
"Xavier, totoo ba iyan?" tanong ni Marcus na halata sa mukha ang pagkabigla.
"Uh, umm... ano po... kasi..."
Wala talaga akong may maisip na sagot! Ano ba ang gagawin ko nito? Dumako ang tingin ko kay Zero na kumakain lang habang nanonood sa amin. Zero! Walang hiya ka, paano ka hindi nabubulunan ng pagkain kahit nasa ganitong sitwasyon na ang kaibigan mo?!
Napatingin naman ako kay Seine. Tama! Naririnig ni Seine ang mga naiisip ko!
Seine, sabi ko sa isip ko, tulungan mo ako.
Unti-unti namang umalis ang tingin niya sa akin at umasta siyang parang walang may narinig.
Seine! Zero! Tulungan niyo ako!
"Xavier, sige na. Sumagot ka," bulong ni Serene.
"Uh, ano po... kasi..."
Ngumiti naman si Madame Eloisa na para bang may naisip siyang hindi maganda, "Xavier, kung totoo nga na may namamagitan sa inyong dalawa. Kaya mo bang ipaglaban ang apo ko?"
"Oo naman! Xavier is like so brave kaya!" sagot ni Serene.
Bakit siya yung sumasagot para sa akin? Siya ba si Xavier? Oh God, why is this happening to me? We just barely entered the new year and then, problems came knocking on my door.
"Kung kaya ka talaga na ipaglaban ni Xavier. Dapat sasama siya sa iyo sa pagkikita mo kay Morrie," sabi ni Madame Eloisa. "I'm sure that it won't be a problem if he loves you, right?"
YOU ARE READING
The Senses II
FantasyAfter the death of Necromancer, as well as their encounter with Doppelganger and the boss of Erebos, the Senses have been left with more questions than answers. As they seek the 5th Sense, secrets begin to be discovered and histories come to light...