Chapter 7

1 0 0
                                    


Xavier

I ate my breakfast quietly as I still couldn't believe what was happening. I stole a glance at my parents who were eating on the same table as me. Ano ba talaga ang nangyayari? Namatay na ba ako? Baka naman napunta ako sa ibang dimensyon?

"Xavier, hindi mo ba gusto ang niluto ni Aling Nena para sa agahan?" tanong ni Dad.

Umiling naman ako sa kanya. "Masarap po iyong pagkain... Dad"

"Bakit parang matamlay ka, anak?" tanong naman ni Mom.

I stopped eating midway. I have never felt this way. To be treated as such by my own parents. Parang may kakaiba talaga eh. Napatingin naman ako kay Atlas na nakatayo sa isang tabi at ngumiti lang siya sa akin.

"Wala po... May iniisip lang po ako," sagot ko.

Bigla naman pumalakpak si Mom sa di malama ng dahilan. "Oo nga pala. Malapit na ang school festival niyo, hindi ba? Iyan ba ang iniisip mo, Xavier?"

School festival? Sa pagkakaalam ko, merong school festival ang Granville University. Iyan ba ang tinutukoy nila? In the first place, hindi ko pa naman alam kung nasa Granville University pa ba talaga ako nag-aaral.

Masyadong biglaan ang nangyari sa akin. I need time to think and process all of this before ot gets too late. The last thing I remember was Shadow attacking us. That might mean that the others are in danger.

I was still contemplating these thoughts when I noticed that they were all staring at me with wonder. Oo nga pala, tinatanong ako ni Mom. Tumango nalang ako bilang pagsagot sa kanya.

"Wonderful. Don't worry, Xavier. Sisiguraduhin namin ng daddy mo na makakapunta kami diyan. Of course, kasama rin namin si Elisha."

I nodded at them absentmindedly.

First, I need to know what the hell this place is. If I want to survive, that's the most basic thing I have to do. Second, I need to find the others. Third, -.

Sandali lang... Sinong Elisha? Wala naman akong kilalang tao na ganyan ang pangalan.

"Uh, sino pong Elisha?" tanong ko.

Tumingin naman silang dalawa sa akin na para bang nababaliw na ako at halata sa mukha ng mga nakatayong katulong na nabigla rin sila sa tanong ko.

"Xavier... is this a joke?" mahinang tanong ng parents ko. "How can you forget the name of your little brother?"

Nabitawan ko ang mga hawak kong kutsara at tinidor sa sinabi nila. Kasabay nang pagkahulog nila ay ang mga yabag na papunta sa amin. Nang tumingin ako sa direksyong iyon ay nakita ko ang isang bata na medyo matangkad na at maputi.

He had long black hair like mine but, unlike my own, it was sided partly in one direction of head. He brought a book and stared at me with delight.

"Kuya! Basahan mo ulit ako nito!" sabi niya.

Tumakbo siya papunta sa akin pero natapilok siya kaya naman nabangga ang mukha niya sa sahig namin. I immediately went to his side and helped him up.

"Thank you, kuya."

Kuya? So ibig sabihin siya si Elisha? Medyo magkamukha nga kami. He's like the younger version of me. Well, he's just a tiny bit more well presented than me.

Nakasuot si Elisha ng black slacks at ng isang school uniform sa ibabaw. Bakit parang pamimlyar sa akin ang logo na iyan?

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko na sa Granville Elementary School ang logo na iyan.

"Elisha, magdahan-dahan ka nga sa pagtakbo. Aatakihin ako sa puso dahil sa ginagawa mo," paalala ni Mom.

"Sorry po, Mommy," nakayukong sagot niya. "I was just so excited for Kuya to read to me again."

The Senses IIWhere stories live. Discover now