P R O L O G U E: Welcome to Brooklyn

1K 28 8
                                    


"Justine! Sandali!!!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Justine! Sandali!!!"

Malakas niyang sigaw ngunit ako ay naging bingi, naging bingi sa sakit na nanaig sa aking buong katawan. Mabilis at malalaking hakbang ang aking ginagawa upang malayo sa lugar na ito.

Sa putanginang lugar na ito!

"Justine, kausapin mo ako!" naninikip ang dibdib ko, nanghihina ang buong katawan ko, hindi ako makahinga ng maayos, mamamatay na yata ako sa sobrang sakit.

"Justine, sandali!" agad niyang hinila ang braso ko at sapilitan akong pinaharap sa kanya, gamit ang mga mga matang iyon, tiningnan niya ako na tila nasasaktan sa kanyang nakikita.

Tumigil sa pagtibok ang aking puso, at isang malakas na sampal ang aking gininawad, dahilan upang mabitawan niya ang aking braso.

"Sa tingin mo ba tanga ako ah Six?!" kapos hininga kong sambit kasabay ng unti-unting pagguho ng aking mundo, pinagmamasdan ang mga matang iyon na tila nagsasabi ng totoo sa kabila ng mga kasinungalingan na lumalabas sa kanyang mga bibig.

"Sa tingin mo ba tanga pa 'rin ako Six?! Hanggang kailan ba ako magbubulagbulgan, hanggang kailan!!!" hinampas ko siya gamit ang dala kong bag, katumbas ng bawat mahinang hampas ay ang patulo ng aking luha.

"Sa tingin mo tanga ako!! Ano Six! Sa tingin mo tanga ako!!!" bawat pampas ay kitang-kita ko sa kanyang mga mata na guilty siya, na mas lalong nagpapahirap sa akin, sobrang sakit.

"Mahal mo ba ako?" diretso kong tanong kahit nadudurog na ng unti-unti ang puso ko, pagod na ata ako, pagod na ako.

Sobrang kirot ng puso ko, bawat pintig nito pakiramdam ko sinasaksak ang aking puso ng isang patalim. Nanginginig ang aking mga kamay at nanlalambot ang aking mga tuhod sa sobrang sakit.

"J-Justine," kapos hininga niyang sambit at nagsimulang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata, sinusubukan nitong hhulihin ang aking mga kamay, pero panay ang paghampas ko sa kanya.

"Hindi ako tanga Six, sa pangalawang pagkakataon hindi na ako tanga! Kitang-kita ko ang lahat, lahat-lahat, lahat putang ina sobrang sakit Six, ngayon tatanungin kita mahal mo pa ba ako?" iniwas ko ang aking kamay sa kanyang haplos dahil hindi ko na kayang madikit pa sa kanya.

"Justine, mahal na mahal kita, wag ganito,magpapaliwanag ako," mahina niyang sambit at sinubukan hawakan ang aking kamay.

"Hindi Six, Hindi mo na ako mahal! Hindi na," Umiling-iling ako at dahan-dahan humahakbang papalayo sa kanya. "Justine, hindi totoo yan, alam mong mahal kita, parang awa mo na pakinggan mo ako, mahal kita," tila isang matining na tunog ang pumapalibot sa aking tenga tuwing naririnig ko ang salitang mahal kita mula sa kanya.

Dahil sobrang sakit lang din, na marinig ito mula sa kanya habang yung mga mata niya na ang nagsasabi na hindi na, hindi na Justine. Wala na yung pagmamahal sa mga mata niya.

"Mahal kita Justine, please pakinggan mo ako mahal ko," sa kabila ng paglayo ko sa kanya ay ang kanyang mainit na pagyapos ang kanyang ibinibigay. "Mahal kita, mahal kita Justine," pilit niyang binubulong sa aking tenga habang hinahalikan ang aking pisngi at noo.

Nagpumiglas ako at itinulak siya palayo, "Tama na! Naririndi na ako sa kasinungalingan na iyan Six, hindi ba talaga pwedeng ako na lang? Ako na lang palagi? Bakit Six, sobrang sakit mong mahalin, paulit-ulit Six, sobrang sakit!"

Tumigil siya at tiningnan ko sa aking mga mata, napangiti ako habang patuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

Those eyes tell it all,

"Six, I'm not the one you've been looking for since the beginning." That is the sad truth of our story Six, you never wanted me from the very start, you just wanted me because you seek my love when they weren't there, not because you love me.

"J-Justine, please," he begged.

"Hindi ako yon Six, never naging ako yon,"

***

"Ladies and gentlemen, welcome to John F Kennedy International Airport. Local time is 0600H. On behalf of Air Asia Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day/evening/night/stay!" naimulat ko ang aking mga mata ng marinig ang announcement dito sa loob ng eroplano.

Hindi ko namalayan na ako'y na katulog, agad kong tiningnan siyang tiningnan sa aking tabi, tulog at tila pagod ito sa byahe. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo bago umupo ng maayos at hinintay ang assistance ng mga crew dito sa eroplano.

"Gising na," mahina kong bulong sa kanya habang inaayos ang suot niyang necktie, iminulat niya ang kanyang mga mata at nakangiti akong tiningnan. Napupuno ang puso ko ng saya habang pinagmamasdan siya.

He instantly lean closer to kiss me on my lips before the plane finally fix everything and open the door, nagsimula nang magsilabasan ang mga pasahero ng eroplano at kasama na kami doon.

"Let's go," I gently whispered at tumayo na kaming dalawa.

Hinawakan niya ang aking mga kamay na puno ng pag-iingat, at sabay kaming lumabas sa airport, "We're finally here," I whispered, huminga ako ng malalim paglabas namin ng eroplano.

Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang mga kamay habang unti-unti ko nang nararamdaman ang lamig sa aking balat. Dala ng kakaibang pakiramdam ng pagbalik ko sa lugar na ito.

"Your hands are cold," he uttered and look into my hand, I smile at nodded, "I'm fine, malamig lang talaga dito," Sambit ko at nagpatuloy kami sa palabas sa loob ng gate 3.

Sobrang daming taong paalis at papasok ng airport ang aming nakakasalubong pero hindi nawawala ang mabigat ng pagtibok ng aking puso sa bawat hakabang na aking ginagawa palabas ng airport. Malamig na simoy ng kahapon ang aking nadama ng pagmasdan ang buong paligid.

Kung saan nagsimula at natapos ang lahat. Sobrang bilis ng panahon sobrang tagal na ang nakalipas pero bakit patuloy pa'rin itong bumabalik sa aking isipan.

"Wow," bulong niya na may ngiti sa labi. I smile at him and kneel in front of me, cupping his face and kissing his forehead.

"Welcome to Brooklyn, anak."

Welcome to Brooklyn where your father lives.

Where Six lives. 

- - -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- - -


0 4 - 2 3 - 2 0 2 2

D A W N V E L L I C H O R

BLA SERIES: Flipped in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon