C H A P T E R 4 : Parents

339 7 1
                                    


"Nagluto ho ako ng tinola, tamang-tama ho, tikman niyo po," masigla kong sambit, habang pinapagpag ang aking kamay sa gilid ng aking shorts

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nagluto ho ako ng tinola, tamang-tama ho, tikman niyo po," masigla kong sambit, habang pinapagpag ang aking kamay sa gilid ng aking shorts.

Pinanood ko si Tita na pagmasdan ang masahan na panglinis sa salas, bakas sa mukha nito ang pandidiri bago nagsalita, "Why don't you just call cleaning services for the house? I don't trust your cleaning; I still feel unsafe?" she said and headed straight to the dining table.

She even sprayed alcohol to the table, nakakalinis ko lang. Hindi na lamang ako umimik, bagkus ay ngumiti pa sa kanila at tumuloy sa kusina para paghandaan sila ng pagkain.

"So, you're not working now?" napalingon ako at tumigil sa pagsandok ng tinola dahil sa tanong ni Tita, I smile at her and said, "Opo, hindi muna ako pinahanap ng trabaho ni Six, pero kakausapin ko na'rin ho siya next week dahil plano ko ho sanang mag apply ng trab—--,"

"I didn't ask, you could have just answered yes or no, daming daldal," natigilan ako dahil doon, at tumawa na lamang, "Sorry ho haha," nakita ko ang pag-irap nito sa akin at may ibinulong sa kanyang asawa.

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagsandok ng tinola at hinanda ito sa kanilang harapan, "Specialty ko ho yang tinola, paborito ho ni Six," confident kong sambit.

"Six's favorite food is my pesto, not this," ani ni Tita kaya natameme na naman ako, kaya mas pinili ko na lang manahimik. Napatingin ako sa aking sarili dahil napansin ko na panay ang titig ni Tita at Tito sa akin mula ulo hanggang paa.

"Ah, magpapalit lang ho ako saglit," mabilis akong tumakbo papunta sa itaas at nagpalit agad ng damit, mukha akong basahan kanina, nakakahiya talaga sa magulang ni Six.

"Ano ba naman ito, Six umuwi ka na!!!" kinakausap ko ang aking sarili sa harap ng salamin habang nagsusuklay ako ng buhok. Halos magmukha na akong naasiang butete dahil sa sobrang taranta kong pagkilos.

Ayaw ko naman kasing paghintayin sila Tito at Tita sa baba, mamaya sabihin ang arte ko. Nakarinig ako ng doorbell mula sa baba, dali-dali kong hinagis ang suklay sa kama at mabilis na lumabas ng silid.

Pagbaba ko ng hagdanan, naabutan ko si Tita na may kinuhang malaking paper bag na brown mula sa pinto at dinala ito sa dining table.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila at pinanood si Tita na ilabas ang mga inorder na pagkain sa lamesa, at itinulak ang niluto kong tinola sa pinakadulong parte ng lamesa.

Nang mapansin nila ang presensya ko, ngumiti sa akin si Tita at sinabi, "Because we're not used eating that kind of food, so we ordered, hope you don't mind," ani nito.

"Ah, opo naman, ok lang ho, haha, mukhang masarap po yang mga inorder niyo, hehe," tinulungan ko ito sa pag aayos ng mga inorder na pagkain, pero bawat ayos ko, kinukuha niya ito at inaayos sa paraan na gusto niya.

"If you don't mind, can you just sit and I can do this on my own, and haven't you washed your hands?" napatingin ako sa aking kamay dahil sa sinabi niya, hindi naman ito madumi ah.

BLA SERIES: Flipped in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon