From the second lead couple of The Greatest Stripper to the Main lead of their own story. Six and Erille will set foot in the life of a married couple, it was everything they wanted, but as the stages of love challenges them would they be able to fa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ok, dahan-dahan sa pagbaba," narinig kong marahan nasambit ni Six, habang hinahawakan ang aking kamay.
"Baba ka," he said, I hit his arms and said, "Gago ka ba, wala akong nakikita tapos kung makautos ka akala mo nakikita ko babaan ko!" inis kong singhal sa kanya habang ako ay nakapiring pababa ng sasakyan.
Isa pa may pilay ako, hirap akong maglakad kaya paano ako baba ng mag-isa ko lang. Humagikgik siya at sinabi, "Sorry na, akibig," sambit niya na mas lalong nagpakunot ng aking noo sa ilalim ng panyong ginamit niyang pangpiring sa akin.
"Anong Akibig?!" ani ko, ano-anong pinagsasabi nito, simula pag gising namin kaninang umaga, wala na siyang ibang ginawa kung hindi asarin ako.
"AKI-ng inii-BIG, in short Akibig, talino ko noh, ayaw mo naman kasing tinatawag kitang mahal, Love, baby ko, sweetie pie, my loves so sweet, sexylove, babu, langa---," I cut him off by trying to reach for his lips and cover it roughly using my palm.
"Dami mong sinasabi, hindi na tayo nakababa ng sasakyan!" ani ko, pero agad akong nagulat ng maramdaman ang pagdila nito sa aking palad, "Ay!" sigaw ko at agad bumitaw sa bibig n'ya, ipinunas ang kamay sa gilid aking shorts, "Dugyot mo, Six!" pasigaw kong sambit, kadiri!
"Hahaha, tara na nga," hindi na niya ako inaalalayan sa pagbaba dahil tuluyan niya na aking binuhat na parang bagong kasal palabas ng sasakyan, wala akong makita.
"Mahal kita," bulong niya habang naglalakad sa kung saan, at buhat-buhat ako. "Mas mahal kita, gago, binalikan ng akita hindi ba," tugon ko. Kahit hindi ko siya makita ngayon gamit ang aking mga mata alam ko na nakangiti siya, ramdam ko iyon.
"Ok," he said and stop from walking, nanahimik siya ng sandali bago hinalikan ang aking pisngi. "Remove the scarf now," he mumbled, sinunod ko ang kanyang sinabi at dahan-dahan tinanggal ang suot kong piring, nakapikit ang aking mga mata ng tuluyan itong tanggalin, at saka ko lamang iminulat ng tuluyan nang mawala ang panyo sa aking ulo.
Dahil sa tagal ng pagkakapiring sa akin, hindi malinaw agad ang aking paningin pero ng ito ay unti-unti nang bumalik sa dati, agad sumalubong sa akin ang isang napakagandang garden na may naka handang breakfast date sa gitna.
Nilingon ko siya at napangiti, "Kaya pala hindi mo ako hinayaang maghanda ng agahan dahil may balak ka palang ganito?" sambit ko, tumawa siya at sinabi, "Ang hirap mong pigilan, kinailangan pa kitang buhatin kanina papunta sa sasakyan para lang sumama ka ng hindi nag almusal," reklamo niya.
Natawa na lamang ako at tiningnan muli ang surpresa siya, "Baka masanay ako sa ganito, at hanap-hanapin ko ito Six, maghihirap ka," biro ko, napakaganda nng lugar pati na 'rin ang pagkakaayos ng breakfast date. "Masanay ka lang, akibig, dahil pag naubos na ang pera na inipon ko, edi ako na lang ang kainin m----" bago pa siya matapos at pinitik ko na ang bibig n'ya, at ngumisi na lamang siya sa akin.