From the second lead couple of The Greatest Stripper to the Main lead of their own story. Six and Erille will set foot in the life of a married couple, it was everything they wanted, but as the stages of love challenges them would they be able to fa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tahimik akong nakaupo sa dining area habang sumusubo ng saging, tulala at tila wala pa 'ring tulog. Hindi mawala sa isip ko ang calling card na nasa wallet ni Six.
Ayaw kong isipin ang mga posibilidad na maaaring harapin ng kagaya naming bagong kasal, pero hindi ko maalis sa aking isipan na maaring mangyari iyon, dahil nasa bar at club siya every night.
Napapalibutan niya ng dagat ng kababaihan, at alam na alam ko kung paano ang takbo sa loob ng mga ganung lugar, kaya hindi ko mapigilang kabahan.
Kinagat ko ang aking darili ng marinig ang pagbukas ng pinto sa aming silid. Naramdaman ko ang kanyang pagbaba sa hagdanan pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.
"Good morning," bati nito sabay lapit sa akin, niyakap ako mula sa aking likuran at hinalikan sa ulo bago umupo sa aking harapan, bakas sa mukha nito na may hangover pa 'rin ito mula kagabi.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya, sumilay ang ngiti sa kanyang labi bago niya ako hinarap ng maayos.
"Ok na simula ng masilayan ko ang ganda mo," he mumbled and reach for my hand para halikan ang likod ng aking palad, I just watch him do what he wants.
"Kumain ka ng lugaw, niluto ko iyan, at siya nga pala, magrogrosary lang ako mamaya, maiwan ka nalang dito at magpahinga dahil may pasok ka mamaya," ani ko.
"Sama ako," sambit nito, umiling ako bilang sagot, he put up that pouty lips and stare at me.
"Gusto kitang samahan," pagpupumilit niya pero nanatili ako sa sagot ko, "Ako na lang Six, sige na kainin mo na 'yan at pagkatapos magpahinga ka na sa itaas," kanina pa nangangati ang dila ko, nais kong tanungin ang calling card sa wallet niya pero ayaw kong magmukhang praning na asawa.
Pero kanina pa talaga ako ginagambala ng ideya na ito, kaya habang kumakain siya, isang malalim na pagbuntong hininga ang aking pinakawalan bago siya hinarap ng maayos.
"May babae ka ba?" diretso kong tanong dahilan upang mabulunan siya, "Ano?" hindi makapaniwala nitong tanong. I gulp and try to be firm, "Ang tanong ko may babae ka ba, Six?" tanong ko.
"San nanggagaling 'yan, gutom ka ba, Akibig?" naguguluhan niyang tanong pabalik, halatang hindi makapaniwala na magtatanong ako ng ganito ngayong umaga.
"May nakita kasi akong calling card sa wallet mo kagabi, nahulog iyon kaya pinulot ko, hindi ko naman sinasadyang tiningnan ang laman pero nakita ko yung calling card nung Tanya, sabihin mo, Six may babae ka ba?" tanong ko.
Imbis na sumagot, agad siyang humalakhak at kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa, binuksan at tila may hinanap siya dito. Talagang nagawa niya pang magscroll sa phone niya habang nasa confrontation stage kami.
He smile and ipinakita sa akin ang isang litrato ng isang—-
"Meet Tanya, Tanya Forteza sa gabi, Tonyo Fortallion Jr. sa umaga hahaha," agad kumunot at halos magdikit ang aking kilay ng sabihin iyon ni Six.