CHAPTER 7

201 20 1
                                    

Umuwi muna kami ni Gail matapos namin kumain. Hinatid pa kami ni Hash sa bahay. Inimbitahan pa siya ni Tita Clara sa loob ng bahay pero tumanggi siya.

"Kuya, you sure hindi ka sasama?" tanong ni Gail. Pinipilit niya kasi ako na sumama na manood ng liga kasama si Hash at Ken.

"Kayo nalang, masakit ulo ko." sagot ko at hiawakan ang ulo ko. Hindi ko alam pero bigla nalang sumasakit ulo ko.

"Huh? okay ka lang? Sinabi mo na ba kay Papa?" tanong niya kaya umiling ako.

"Pagod lang siguro 'to." sagot ko. "Magpapahinga lang ako." patuloy ko saka tumayo at umakyat sa kwarto ko.


Pinakiramdaman ko ang sarili. Sobrang sakit talaga ng ulo ko kaya nahiga nalang ako at ipinikit ang mga mata para kahit kaunti ay mabawasan ang sakit nito pero tuloy-tuloy ang pagdating ng mga memoryang hindi ko alam kung totoo bang nangyari, o sa panaginip lang.


"J-josh,"

"Bitawan mo ako! Nandidiri ako sa'yo, Justin." sigaw ko kay Justin na pilit hinahawakan ang kamay ko pero lumayo ako sa kanya.

Hindi ko maintindihan kung bakit umiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako sa kanya.

"Mali ang iniisip mo" sabi nito at pilit parin na lumalapit sa'kin pero itinulak ko siya kaya napaatras siya. Umiiyak na din siya ngayon.

"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako, Justin!" sigaw ko at itinulak pa siya.


"Magpapaliwanag ako, love. Pakinggan mo naman ako."

Napadilat ako nang mata.

Napahawak ako sa pisngi ko nang naramdamang may luhang tumulo roon.

Napapikit ulit ako dahil sa pagkirot ng ulo ko.

Pilit akong bumangon at kinuha ang gamot at ang tubig na nasa side table. Hindi ko kaya ang sakit ng ulo ko.

"Kuya!" rinig kong sigaw iyon ni Gail dahil nabitawan ko ang baso ng tubig. Ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko na maalala dahil kusa nalang pumikit ang mga mata ko.




Stell

Nang tumawag si Tito Joseph— Papa ni Josh ay agad akong bumyahe papunta sa kanila.


Isinugod daw si Josh sa hospital dahil bigla nalang siyang nawalan ng malay.

Pagkarating ko sa bahay nila ay saktong balabas si Gail.


"Kuya, Stell." Sabi nito at lumapit sa'kin. "Nasa hospital na si Papa at Mama, susunod ako sa kanila." Sabi nito. Napatingin ako sa katabi nilang bahay.


Naiyukom ko nalang ang kamao ko bago ko ulit harapin si Gail. "Mauna ka na roon, Gail. Susunod ako." sagot ko sa kanya at tumango naman siya.


Nang mawala siya sa paningin ko ay agad akong naglakad papunta sa bahay kung saan ko nakita noon si Justin.

Kumatok ako rito at agad naman na may nagbukas dito. "Ano 'yon?" tanong ng isang babae. Sino siya? Siya ba ang ipinalit niya kay Josh? Siya ba ang dahilan kung bakit umiyak noon ang kaibigan ko?

"Nasaan si Justin?" seryosong tanong ko.


"Bakit?"


"Anong kailangan mo?" napatingin ako sa likod nung babae nang dumating si Justin.  Malamig siyang nakatingin sa'kin.


"May gusto akong sabihin sa'yo." seryosong sagot ko. Lumabas naman siya at nilagpasan ako kaya sumunod ako sa kanya.


"Lumayo ka na kay Josh, Jah." diretyong sabi ko nang nasa labas kami. Tinignan niya ako with his cold expression. "Nasa hospital siya ngayon." patuloy ko dahilan para makita ko ang pag-aalala sa mata niya.


"Anong nangyari sa kanya?"


"Kung hindi ka lang nagpakita sa kanya, hindi niya iisipin na totoo lahat ng tungkol sa inyo, hindi sana sumakit ang ulo niya at dinala sa hospital." sagot ko.


"Hindi ko magagawa na lumayo sa kanya." malamig na sabi nito kaya napahilamos ako sa mukha out of frustration.


"Isipin mo naman kalagayan niya, Jah.  Masyado nang maraming sakit na dinanas si Josh, at tandaan mong isa ka sa mga dahilan no'n."



"Wala kang alam, Stell. Hindi ko kailangan ipaliwanag ang sarili ko sa'yo. Alam kong pakikinggan ako ni Josh kung hindi niyo lang siya pilit na pinapalayo sa'kin." sagot niya at nilagpasan ako.

Napasabunot nalang ako sa sariling buhok dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.


"Stell." nagulat ako nang marinig ang boses na iyon. Si Sejun. "Sana tinanong mo rin kung ano ang nararamdaman ni Justin. Naging kaibigan mo rin siya." Sabi nito at sinundan ang kaibigan niya.
















tbc...

JoshTin AU: Deja Vu(Balcony 2)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon