CHAPTER 24

188 17 4
                                    

"Okay na kayo?" tanong ni Gail sa kanyang kuya. Nasa canteen sila ngayon ng University dahil napaaga sila ng pasok.



"Oo," walang pag-aalinlangan na sagot ni Josh sa kapatid.



"Kuya, alam mo naman na support kita sa kahit ano mang desisyon mo, lalo na kung nakikita kong masaya ka." ngumiti si Josh dahil sa sinabi ni Gail. He is thankful. Thankful siya dahil ibinigay sa kanya ng nasa taas ang kapatid na gaya ni Gail. "basta siguraduhin mo lang na magiging masaya ka ha?" patuloy niya. Ngumiti si Josh. He's happy. Masaya siya kay Justin. Sigurado siya roon.




"Don't worry Gail, masaya ako." sagot ni Josh.




"Kuya Justin told me na nakita mo ang Mama mo." napatingin si Josh sa kanya nang sabihin niya iyon. "Anong ginawa niya?" patuloy niya.




"Wala naman." sagot nito sa kapatid. "Hindi ko na hahayaan na may gawin siya sa'kin." patuloy niya.




"Sinabi mo na ba kay Papa?"




"Hindi pa. Hindi naman na mahalaga 'yon."

____

"Ano ba! Umayos ka nga! May klase tayo." pagsuway ni Josh kay Justin na kanina pa siya ginugulo. Nagsimula na ang klase nila at hindi magawang mag focus ni Josh dahil sa pangungulit nung isa.


"Boring kasi." bulong na sagot ni Justin at umayos ng upo dahil napatingin sa kanila 'yong prof. "Date tayo later." sabi nito at tumahimik na silang dalawa.

Matapos nga ang klase nila ay dinala ni Justin si Josh sa nakita niyang restaurant malapit sa kanilang university.

"Nakausap mo na ba ulit si Sejun?" tanong ni Josh kay Justin habang kumakain sila. Sumimangot naman si Justin dahil doon.


"Date natin 'to tapos may iba kang gustong pag-usapan—" hindi na natuloy ni Justin ang sasabihin niya dahil pinigilan na ni Josh ang pananalita niya sa pamamagitan ng pagsubo sa kanya nung kinakain nila.


"Naaawa lang ako sa kanila." paliwanag nito. Simula noong bumalik sila sa probinsya ay hindi pa niya ulit nakakausap si Stell. Nag-aalala lang siya sa kaibigan nila.


Bumuntong hininga si Justin at tinitigan niya si Josh, "Hindi naman sa wala akong pakialam sa kanila," he started. "Pero huwag mo na sila isipin, Josh. Sarili nilang problema iyon na dapat nilang lutasin. Labas na tayo ro'n." he added. Kilala niya kasi si Sejun. Magsasabi naman siya ng problema niya kapag hindi na niya talaga kayang lutasin iyon.


"Stell called me," napatingin si Josh kay Justin nang sabihin niya iyon. "Hindi siya sa'yo tumawag kasi ayaw niyang makadagdag pa raw sa iisipin mo."


"Ano? Bakit niya iyon iisipin na ganon ang iisipin ko?"


"Josh, Stell is right." hinawakan ni Justin ang kamay ni Josh. "It's time na rin na sarili mo naman na ang unahin mo." sabi nito.


____

"Aray ko naman!" sigaw ni Justin dahil binatukan siya ni Josh. Hapon na at naisipan nila na tumambay muna sa park habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.


"Napaka-halay kasi ng mga sinasabi mo." sagot nito sa kasama na tumawa lang. Kanina pa kasi inaasar ni Justin si Josh.


"Mahal mo naman."


"Oo naman."


Napakagat sa ibabang labi si Justin para pigilan ang pag-ngiti niya. Kinikilig siya dahil sa sinagot ni Josh sa kanya. Nang hindi na niya napigilan  ay ngumiti na siya na dahilan nang pag-iling ni Josh.


Nanatili lang silang tahimik na pinagmamasdan ang mga tao sa paligid nila. Napangiti si Josh dahil sa mga oras na iyon ay payapa ang isip niya. Magaan ang pakiramdam niya.













tbc...

short update dahil wala talagang lumalabas sa utak ko na matino. sorry guys! basta wag nalang kayo mag-expect ng magandang ending 😭

JoshTin AU: Deja Vu(Balcony 2)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon