CHAPTER 15

283 20 10
                                    

Nagulat ako nang hampasin ni Gail 'yong mesa. Nandito kasi ako ngayon sa balcony at tulala dahil iniisip ko 'yong sinabi ni Sejun kanina.




"Ano bang iniisip mo kuya? Kanina ka pa tulala." sabi nito saka umupo sa tapat ko.




Bumuntong hininga naman ako bago sumagot, "maniniwala ka bang may gusto sa'kin si Stell?" tanong ko dahilan para kumunot ang noo niya.





"Huh? Saan mo naman nakukuha 'yang mga 'yan? Parang normal lang naman pakikitungo ni Kuya Stell sa'yo." sagot niya kaya nalahinga ako ng maluwag.





"Sinabi kasi ni Sejun na higit pa sa kaibigan ang turing ni Stell sa'kin." Sabi ko sa kanya.





"Pero— shit!" Sabi nito at nagulat pa ako sa pagtayo niya at napatakip siya ng bibig. "What if nga kuya? Shit! Ngayon ko lang na-realize." patuloy niya saka umupo ulit.




"Bwesit ka. Pinapalala mo pago-overthink ko."



Nang gabi na iyon ay hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip kung ano ba talaga ang totoong pakikitungo ni Stell sa'kin. Ayaw kong isipin na higit sa kaibigan ang turing niya sa'kin, pero hindi mawala sa isip ko 'yong 'what if, higit pa roon?'




Kinabukasan, sobrang lutang ako dahil kulang sa tulog. Ang aga pa naman ng first class ko.




"Josh!"




"Stell!" gulat na sigaw ko rin nang may tumawag sa akin. Napalunok ako nang makitang si Justin iyon. Bumuntong hininga ako nang makita ang reaksyon niya.




"Ahm— magu-goodmorning lang ako sa'yo, sige!" Sabi nito saka tipid na ngumiti sa'kin bago niya ako talikuran.




"Hashtin!" tawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon. "Jah!" tawag ko ulit at doon lang siya tumigil sa paglalakad at lumingon sa'kin.





"Bakit?" he coldly asked.




"A-anong oras matatapos morning class mo?"




"Bakit?" kunot ang noo niyang tanong. Napalunok ako at huminga ng malalim.




"Sabay tayo mag lunch." sagot ko.




"Huh?"




Sasagot pa sana ako sa kanya nang tawagin ako ni Roj. "Josh, malapit na class natin tara na!" Sabi nito kaya napatingin ulit ako kay Justin na nakatingin parin sa'kin.




"Ano? Gusto mo o ayaw mo?" tanong ko kaya medyo nataranta pa siya. Pinigilan ko tuloy ang mapangiti.



"10 o'clock tapos na klase ko." sagot niya kaya napangiti ako.




"Okay, tapos na rin klase ko sa oras na 'yan. See you." Sabi ko sa kanya bago ako tumakbo sa kinaroroonan ni Roj at sabay na kaming pumunta sa first class namin.



---


Justin P.O.V





Habang nasa morning class ako ay hindi mawala ang ngiti ko dahil sa excitement.




"Mr. De Dios, ayaw kong masira ang maganda mood mo ngayon pero, stand up!" nagulat ako dahil sa pagsigaw sa'kin nung professor namin. Pero kahit galit na iyong itsura niya ay hindi ko parin talaga mapigilan ang ngiti ko. "Kanina pa kita tinatawag! Para kang nasiraan ng ulo na nakangiti mag-isa." patuloy niya pa.





"Sorry ma'am, masaya lang talaga ako ngayon." sagot ko dahilan ng pag-iling niya at pagtawa ng mga kaklase ko.





"Next time makinig ka sa klase ko," Sabi nito at pinaupo na ako. Kahit pagalitan niya siguro ako buong araw, hindi ako maba-bad trip dahil mas umaapaw ang kasiyahan ko.





Sa next class ko ay ginanahan na akong mag-aral dahil matapos nito ay makikita ko na si Josh. Shit naman! Ngayon palang na naiisip kong sabay kaming kumain ay kinikilig na ako.




"Malala ka na, Hash." napatingin ako kay RJ nang sabihin niya iyon. Katabi ko kasi siya ulit ngayon. Medyo naging ka-close ko na rin siya dahil sa subject na 'to. "In love ka 'no?" tanong pa niya.





"Oo pre, kaya shut up ka nalang muna." sagot ko dahilan para tapikin niya ang balikat ko.





"Sa una lang 'yan masaya, pre." Sabi nito kaya mahina ko siyang sinuntok sa braso.





Nang matapos ang klase namin ay tumakbo na ako papunta sa building nila Josh. Nag text kasi siya na hindi pa sila dini-dismiss nung prof nila.





Pagdating ko roon ay sakto ring balabas na sila. Nang makita ko siyang lumabas ay lalapitan ko na sana siya kaso nakita kong lumapit sa kanya si Stell.





Kumunot ang noo ko. Naikwento kasi sa'kin ni Sejun na hindi sila okay. Pumunta nga siya rito kahapon para kausapin si Stell.





"Kakausapin lang kita kapag naging okay na kayo ni Sejun." Narinig kong sabi ni Josh.





Hindi pa sila okay?






"Okay naman kami, Josh—"






"Hindi kayo okay, Stell. Hindi mo ba naiisip na nasasaktan na siya dahil diyan sa ginagawa mo?" putol ni Josh sa sasabihin ni Stell.





"Look, walang dahilan para masaktan—"





"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? You have a boyfriend and yet nandito ka para sa iba? Tapos siya ayun, sinusubukan na ayusin iyang hindi niyo pagkakaintindihan, tapos ganyan sasabihin mo?" putol ulit ni Josh.





"Aminin mo nga, may gusto ka ba sa'kin?" napatingin ako kay Stell nang tanungin ni Josh iyon sa kanya. Kitang-kita ko sa mukha ni Stell ang gulat dahil sa tanong na iyon.





"Ano bang sinasabi mo?"






"Wala naman diba? Si Sejun ang gusto mo, kaya siya ang puntahan mo ngayon." sagot ni Josh at iwan na si Stell doon. Sakto na nakita niya ako.





"Ah— okay lang kung ayaw mong sumabay sa'kin —"





"Sabay tayo. Hindi naman ako paasa." putol niya sa'kin at nilagpasan na ako. Napatingin pa ako sa kinaroroonan ni Stell at kita ko ang pagkadismaya sa mukha niya.





Hindi ko nalang siya pinansin at nakangiting sinundan si Josh.












tbc...

naiinis din aq sa character ni Stell dito, kayo rin ba?😭

JoshTin AU: Deja Vu(Balcony 2)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon