CHAPTER 17

195 19 2
                                    

Stell


"Ano?" hindi makapaniwalang tanong pagkatapos ko marinig ang sinabi ni Daddy. Napatingin ako kay Mommy pero umiwas lang siya ng tingin sa'kin.

"Sinabi ko na noon, ayaw kong makasal kay Natalia." tinignan ko si Dad at umaasa ako na magbago ang isip niya kahit alam kong imposible iyon.

"It's final, sa ayaw at sa gusto mo, you need to marry Natalia." sagot niya at pinuntahan na ang mga bisita. Naiwan naman ako kasama si Mommy na bumuntong hininga nalang.

"Sundin mo nalang ang Dad mo, Stell." sabi nito bago sundan si Daddy.

"We both don't want this marriage, hindi lang ikaw ang napipilitan." malamig na sabi ni Natalia nang lapitan niya ako. Sobrang lamig ng mga tingin niya. "Pero ayaw na ayaw ko na napapahiya ako. Kaya kahit ayaw ko, kailangan matuloy ang kasal natin." patuloy niya at sinundan na rin niya ang parents niya.




Napahilamos ako sa mukha because of frustration. Ano bang gagawin ko?



Kinabukasan, nagising ako nang tanghali na. Pagbukas ko ng phone ko, sobrang daming missed call ni Josh.




Napailing nalang ako at tumayo saka pumunta sa CR. Ang dami ko nang iniisip, ayaw kong dumagdag pa sa gulo ng isip ko ang puso ko.



Nang matapos kong maligo ay bumaba na ako at nadatnan ko sila Daddy sa sala at may mga bisita siya.


Nang makita nila ako, agad akong tinawag ni Dad kaya wala akong nagawa kung hindi ang pumunta roon para batiin ang mga bisita niya.



"Balita ko, you have a boyfriend?" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko sa mukha niya ang pangiinsulto. Napatingin din ako kay Daddy at nakatingin din siya sa'kin at matalim ang tingin.



Tumawa siya saka humarap sa mga kaibigan niya. "Mga paninira lang iyon sa aking anak, alam niyo naman siguro na marami ang gustong sumira sa pamilya namin." sabi nito at saka humarap ulit sa'kin. "Katunayan, marami nang ipinakilala ang aking anak na mga babae." tumawa ulit siya.




"Mana pala siya sa'yo, matinik din sa babae." sagot nung kaibigan niya at nagtawanan sila sa harap ko.




Napabuntong hininga ako at nagpaalam sa kanila na lalabas lang ako. Hindi ko kaya pakisamahan ang mga katulad nila.




Nang nasa labas na ako ng gate namin ay sakto rin na may tumigil na kotse at agad na bumaba roon ang isang pamilyar na tao.




Si Josh.





Kasama niya si Sejun.






"Stell," sabay na sabi nila. Napatingin ako kay Josh. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Ayaw kong magsinungaling, I really missed him.




"Are you okay, H-hal?" doon lang ako napatingin kay Sejun nang tawagin niya ako sa endearment namin. Gusto kong maiyak. Kitang-kita ko sa mga mata niya 'yong sakit na alam ko naman na dahil sa'kin.




"I'm— I'm not okay." mahinang sagot ko. Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Sejun at doon na lumabas ang mga luha ko na kahapon ko pa pinipigilan. "Sorry." mas umiyak pa ako lalo nang yakapin niya ako ng mahigpit.




Sorry, Sejun.



Sorry dahil nagduda ako sa pagmamahal ko sa'yo.



Sorry dahil hindi ko na mapipigilan ang kasal namin ni Natalia.




Sorry.




Niyakap ko siya ng mahigpit dahil alam kong ito na ang huling mayayakap ko siya. "I love you, Sejun. Au revoir."










tbc...

Au revoir.

(Oh reh-vwah) This is the most common ways of saying goodbye in French, and it's acceptable for the vast majority of situations, formal and informal. It literally means “until we see each other again.”

sabay-sabay tayong manalangin na magkatulyan parin sila sa huli.

try ko ulit sa Sunday mag update.

JoshTin AU: Deja Vu(Balcony 2)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon