CHAPTER 21

176 19 0
                                    

Kumakain na sila ngayon sa isang kainan sa tapat ng condo. Tahimik lang silang dalawa. Kanina pa nila pinapakiramdaman ang isat-isa.

Tumikhim si Justin kaya napatingin sa kanya si Josh. "Ano?" tanong niya. Kanina pa kasi siya tumitikhim at tingin ng tingin sa kanya.


"Paabot ng tubig hehe." napairap siya at kinuha 'yong lalagyan ng tubig at nilagyan ang baso ni Justin. Napangiti naman si Justin.


Nang matapos silang kumain ay napagdesisyunan nilang bumalik na sa condo dahil mamayang hapon ay babalik na sila sa Quirino. Josh' parents province.


Tulala na naman si Josh sa kisame ng unit niya at iniisip ang mga sinabi ni Justin kanina.


Bumuntong hininga siya saka bumangon mula sa pagkakahiga at lumabas sa unit niya. Gusto niyang pumunta sa garden sa likod ng building.


Nasa lobby na siya nang may mabangga siya na babae. "Sorry—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang makita kung sino ang nabangga niya.


Hindi siya maalis sa kinatatayuan niya. Parang lahat ng sakit ay bumalik lahat sa kaniya.  Nanginginig siya. Gusto niyang umalis sa harap ng Mama niya, pero hindi niya magawa. Hindi siya makagalaw dahil sa panginginig niya.


"Josh—"


Hahawakan sana siya nito pero agad siyang umatras. Tuloy-tuloy ang mga luha na tumulo sa mga mata niya. Naminikip ang dibdib niya dahil sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Parang anytime soon, matumba na siya.


"Nandito ka na pala, tara na." agad na hinila ni Justin si Josh palabas ng building. Dumeretso sila sa garden at pinaupo niya si Josh sa isang bench. "Hintayin mo ako rito, bibili lang ako ng tubig." sabi nito at umalis na.


Tulala parin si Josh at tahimik na umiiyak. Napahilamos siya sa mukha at inayos ang sarili. Ayaw niya munang isipin ang mama niya, gusto niya munang matapos ang sa kanila ni Justin bago niya isipin ang Mama niya.


Nang makabalik si Justin, agad niyang inabot ang tubig. Agad niyang ininom iyon dahil parang natuyo ang lalamunan niya.


"Are you okay?" umiling siya bilang sagot. Umupo naman si Justin sa tabi niya na nakatingin lang sa kanya. "Gusto mo na bang umuwi?


"Bakit? ayaw mo ba akong kasama ngayon dito?" napakurap si Justin sa sinabi ni Josh. Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. "pwede mo ba akong samahan?" Josh'asked.



"O-oo naman, saan ka ba pupunta?" agad na sagot ni Justin.


"Kay San Pedro." seryosong sabi ni Josh dahilan para kumunot ang noo ni Justin. Nang magtama ang mata nila, agad na tumawa si Josh saka tumayo.


"tangina mo," asar na sabi ni Justin at sinundan si Josh sa kung saan man siya pumunta.



"Ang pikon mo, minsan lang naman ako mag-joke." Josh said that makes Justin smile.


Kakain lang pala sa tapsilugan. sa isip ni Justin nang makitang sa tapsilugan pumunta si Josh. Ang tapsilugan kung saan sila kumain noon.












tbc...

sana sipagin na ako ulit huhu. gusto ko tapusin 'to bago magsimula ulit ang semester huhu.

JoshTin AU: Deja Vu(Balcony 2)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon