"Pumasok ka na lang, nasa terrace si Justin." sabi nung isang babae nang buksan niya ang pinto.
Nandito ako ngayon sa bahay nila Hashtin dahil gagawin namin ngayon 'yong activity.
"Sige po. Salamat." sagot ko at tuluyan nang pumasok sa bahay nila.
Kinakabahan pa ako habang tinatahak ang hagdan papunta sa taas. Kung bakit kasi pumayag ako na rito namin gawin.
"Natapos na ang lahat
Nandito parin ako
Hetong nakatulala
Sa mundo, Sa mundo."Dinig ko muna sa hallway ang tunog ng gitara at ang magandang boses niya.
Kinakanta niya ang 'Kung Wala Ka' by Hale.
Marahan akong lumapit sa kanya habang pinapakinggan siya.
Nakasandal siya sa railings ng balcony at nakaupo sa sahig habang nakapikit ang mata. Ramdam ko sa boses niya na malungkot siya.
Ohh, Hindi ko maisip
Kung wala ka
Ohh, Sa buhay koNapatitig nalang ako sa kanya habang pinapakinggan ang awit na para bang inaalay niya sa kung sino man.
Tumigil siya sa pag-strum ng gitara pero nanatili siyang nakapikit.
Hindi nakawala sa paningin ko ang pagtulo ng isang butil ng luha sa mga mata niya na agad niyang pinunasan.
"Jah."
Nang imulat niya ang mata niya, nagtama ang mga mata namin.
His eyes.
Punong-puno ng lungkot at pananabik.
Ilang minuto siyang nakatingin lang sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.
"Sorry." sabi nito at doon lang siya tumayo sa pagkakaupo. "Lutang lang ako." patuloy niya.
Seryoso lang kami habang ginagawa ang part namin sa activity. Nakaupo kami ngayon sa sahig at may maliit na mesa sa pagitan namin. Minsan, nakikita ko sa gilid ng mata ko na tumitingin siya sa gawi ko pero pag tinignan ko naman siya ay agad siyang umiiwas.
"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na." tumigil ako sa ginagawa at tinignan siya.
"Single ka ba?" diretyong tanong niya kaya kumunot ang noo ko. Nang makita ang reaksyon ko ay tumawa siya. "Kasi sa gwapo mo na 'yan, for sure maraming shoti—"
"Wala." putol ko sa kanya. "Iyang activity nga ang atupagin mo." patuloy ko at ibinalik na ang atensyon sa ginagawa namin pero siya ay nangalumbaba lang siya at tinitigan ako kaya sinalubong ko ang tingin niya.
"Ang ganda ng mata mo. Dapat sa'kin lang 'yan titingin."
"Ginagawa niyo?" agad akong napaiwas ng tingin at lumingon sa likod ko nang may magsalita mula roon.
"Stell?" kunot ang noo ko nang makita na si Stell iyon. "Anong ginagawa mo rito?"
"Umepal." sabi ni Hash at masama ang tingin sa isa. "Alam ba ni Sejun na nandito ka?" tanong niya rito.
"Oo nga? Parang minsan nalang kita makita na kasama siya." tanong ko rin sa kanya.
"Busy siya. Rito muna ako, gagawa rin ako ng activities." sagot niya at umupo sa tabi ko.
"Kukuha lang ako ng meryenda." paalam ni Hash kaya naiwan kaming dalawa ni Stell.
"Umamin ka nga, may problema ba kayo ni Sejun?" tanong ko sa kanya.
"Wala. Busy lang kaming dalawa." sagot niya.
"Hindi ako naniniwala." sabi ko rito. Kahit naman busy sila parehas noon, nakukuha parin naman nilang bigyan ng time ang isat-isa.
"Oo na. Hindi kami okay, hindi niya kasi ako naiintindihan." sagot niya.
"Ano ba 'yong hindi niya maintindihan?" napalingon kami nang magsalita si Hash. Inilapag niya sa mesa 'yong dala niyang meryenda saka umupo sa tapat namin ni Stell. "Kaibigan ko si Sejun, kilala ko siya. He's understanding person tapos sasabihin mong hindi ka niya maintindihan? Baka naman kasi hindi mo ipinapaintindi 'yang ginagawa mo?" he added.
"Huwag ka ngang mangialam." may inis na sabi ni Stell at matalim na tinignan si Hash.
"Tell that to yourself, huwag ka ring mangialam." hindi nagpatinag si Hash at nakipagsukatan ng tingin kay Stell.
"Nangako ka, Justin na hindi mo na siya guguluhin!"
"Tinupad ko naman, hindi ko naman alam na nandito rin sila."
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa na nagpapalitan ng salita. Hindi ko maintindihan kung tungkol saan ang pinag-uusapan at kung sino ang tinutukoy nila.
"Tumigil na nga kayo." pag-awat ko sa kanila. "Stell, umuwi ka na. Uuwi na rin ako." patuloy ko at tumayo na kaya tumayo rin si Hash.
"Josh." hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako roon. "Hindi mo ba talaga naaalala?" tanong niya. Napatitig ako sa mga mata niya at kitang-kita ko sa mga iyon ang pananabik.
"Justin, tumigil ka na." kinuha ni Stell ang kamay ko kay Hash kaya nabitawan niya iyon.
Nanatili lang akong tahimik at gulong-gulo sa mga kinikilos nila.
"Ano bang problema mo? He deserves to know." galit na sabi ni Hash. "Josh—"
"Wala siyang dapat malaman! Sa tingin mo gusto ito ni—"
Wala na akong maintindihan sa mga pinagtatalunan nila dahil bigla nalang sumakit ang ulo ko.
Napahawak ako roon at napapikit nalang dahil sa sakit.
"Mahal kita."
"Mahal din kita... Justin.""Josh!"
Bago ako mawalan ng malay ay boses niya ang narinig ko. At bago ko tuluyang ipikit ang mata ko ay ang nag-aalala niyang tingin ang nakita ko.
Justin...
tbc...
sorry po ngayon lang nag update. hindi dapat ganito ang mangyayari sa story na ito. alam niyo naman na siguro na hindi talaga panaginip ang nangyari sa Balcony au. dapat panaginip talaga 'yon, tapos hindi rin dapat kilala ni Jah si Josh dito hahahaha. yun lang naman gusto kong sabihin hahahaha.
ps. 'wag ulit kayo mag expect ng magandang ending dahil hndi aq magaling magsulat ng ending hahahaha. alam na siguro ng nakabasa sa ending ng Balcony au. pero thank you dahil patuloy parin kayo sa pag-support.
BINABASA MO ANG
JoshTin AU: Deja Vu(Balcony 2)✓
FanfictionDEJA VU AU where in, Josh never thought na after ang aksidente, makikilala niya si Hashtin(Justin). He promised me. Nangako siya na hindi niya ako iiwan. - josh "Sinungaling ka, Justin. A-akala ko ba hindi mo ako iiwan?" started: April 3, 2022 ended...