Chapter 21- Roadtrip

416 9 7
                                    

a/n: sorry guyseuT.T dapat nung birthday ni Tao ang update kaso wala naman ako sa bahay ng 2 days and isama na natin ang poor internet connection. pagpasensyahan nalang po ang update na to.

P.S. Talo si Pacman! Inis ako. Hue. Wala lang. //le sumakay sa unicorn//

-



-LUHAN'S POV-

Ilang Linggo narin ang dumaan. Syempre, balik practice na ako ulit. Kailangan eh. Kaya mo yan Luhan! Just show your professionalism. Hwaiting~ And besides, di naman pwedeng magmukmok lang ako. Kahit di pa ako masyadong makangiti. Dahil inaamin ko sa inyo, di pa ako nakakamove-on. Di ko pa talaga kayang mag-move on kaya lang, naaawa na ako sa sarili ko kaya kinakaya ko na rin. Luhan naman kasi. Tsk.

"Spacing out again eh?"- napatingin ako sa likod ko. Si Galaxy pala.

"Thinking about the past?"- sabi niya sabay smirk. Aba't!

"Ah! Hyung, shut up."- sabi ko. Pero tinawanan niya lang ako.

"Hmm? HAHA! By the way, bilisan mo na jan. Mainipin ako."- Geez. Lokong to! Ngayon niya lang sinabi sa akin na magbabakasyon kami edi malamang ngayon lang ako nag-eempake. Tapos ngayon, siya pa ang magagalit!? Bwisit talaga.

"Bish please. Ngayon mo lang sinabi sa akin ang tungkol sa bakasyon natin tapos ngayon... UGH!"- di ko talaga alam kung pano ko ilalabas ang galit ko dito sa lalaking to! Kainis!

"Sorry bro. I forgot."- sabi niya

"Tss! Yeah right!"- humiga nalang siya sa kama niya. Malamang sa malamang bored nanaman si mokong.

Magbabakasyon kasi kami ng ilang araw sa isang pribadong resort. Ang alam ko kay manager hyung ang resort na yun. Pahinga namin sa lahat ng stress. Di ko pa nga alam ang dadalhin kong gamit eh. Loko kasi tong Kris na to eh! Hmp.

"Tss. So messy."- sabi niya at kinuha niya lahat ng damit sa kama na nasa kama ko at sinuksok LAHAT sa maleta ko. Geez-.- buti tinupi ko pala. Kung hindi, gusot-gusot na yung mga damit ko. Walangya talaga!

"See? Problem solved!"- proud niya pang sabi sabay alis ng kwarto. Pambihira.

"KRISSSEUUU!!!"- napasigaw nalang ako! Ugh! Bwisit. Bwisit.

Lumabas na ako ng kwarto dala yung maleta ko. Ang bigat. Kainis!

"Hyung, ang daming laman niyan ah? Maglalayas kana ba?"- pabirong tanong ni Chen

"Kung hindi lang kasi sa isang tao jan sa tabi-tabi! Tss."- nagpaparinig talaga ako! Pramis!

"Fine. Fine. I'll carry that. Akin na."- mukhang effective naman at inagaw niya sa akin ang maleta ko at nilagay sa van. Mwahahaha! Ako batas!

"tara na."- sabi ni Suho at nagsimula na silang magtakbuhan. Para talagang mga bata. Naks! Ang mature ko! Haha!

Tatakbo narin sana ako pero may nabangga ako.

"Ay hala? Hyung sorry."- si Lay pala. Inalalayan niya ako sa pagtayo.

"gege, salamat."- sabi ko at sabay na kaming pumunta sa van.

"Eh? Pano to? Wala ka ng pwesto Lu-ge."- sabi ni Lay.

"Sige lang. Dun nalang ako sa kabila."- ngumiti ako at sinarado ang pinto ng van. Pumunta na ako sa kabila.

Umupo na ako sa pinakadulo na kung saan katabi ko ang EX ko. Boom awkward! Di naman kami pwedeng maghiwalay kasi yung ibang maleta nandito rin sa likod.

Missing Piece(Hunhan Fanfic)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon