Epilogue

239 10 2
                                    

Hi Guys! Omo~ Di ko kayo iniwan sa ere. Ahehe, thanks sa pagsuporta sa story na to. And sorry na po kasi ito lang ang nakayanan ko. Hindi ko kaya eh. haha, anyways ito na yung epilogue :) ENJOY!

---

-SEHUN'S POV-

Nakita ko siyang nakatayo sa dulong parte ng simbahan. Nakangiti ito. Obvious naman na ang saya niya ngayon. Haha, nagsimula nang tumugtog ang piano nang magsimula siyang humakbang papunta dito.


Habang kumakanta ang trio o ang vocals ng EXO(Chen, D.O. Baek) ng All of me Napailing nalang ako. Tinanong ko siya kung bakit sila ang pinili niya, ang sabi niya lang sa akin 'para mas mura ang TF! Pwedeng discount since kaibigan naman natin. Pwede ngang wala ng bayad kasi may pagkain naman sa reception' Nakita mo yan! Di ko alam kung ano talagang nakain ng panda na ito.


Natawa naman ako nang Makita siya na nasa gitna na ng aisle. Haha, ayos na sana eh! Kaso umiyak! Pero kahit ganun, hindi pa rin nawawala yung napakasayang aura sa mukha niya. Pati yung aura na binibigay niya. Yung kung pwede lang Makita sa naked eye na ang background niya ay punong-puno ng kulay na may mga lumilipad pang puso at may kasamang rainbows at unicorns eh ganun ko nga mailalarawan. Sounds sooo cheesy pero ganyan talaga ang buhay. Ganyan talaga kapag in love ka. Yung kahit anong stress ang ibigay sayo ng mundo, blooming ka pa rin. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Tao. Nakakamangha.


Dumaan na siya sa upuan nila Chanyeol hyung kaya naman napatawa sila. Binulong pa nila kay Tao na huwag umiyak kasi ang pangit niya na. Ayan tuloy! Bumalik yung pagka-murderous ng mukha niya! Haha


Pagkatapos ng walang sawang paglalakad, bakit nga kaya ganun? Kung kelan excited ang lahat tsaka parang ang bagal ng oras? Pero anyways, nandito na siya sa harap ko. Hindi ko maiwasang mapatawa dahil sa mukha niya kaya naman hinampas niya ako.


"Congrats Tao! Ikakasal ka na."- sabi ko at inakap siya.


"Thank you Se. Sana ikaw rin."- sabi niya. Tinanggal niya ang pagkakaakap sa akin at inakap naman ang taong mahal ko. Si Lu. Masasabi ko na sana na isa siyang magandang bride o groomXD kung hindi lang dito sa katabi ko.


"Manly ako! Wag niyo akong papaiyakin ni Kris sa kasal niyo! Yo yo man~"- sabi niya kaya sa halip na maging seryoso ay napatawa kaming apat. Inakap naman siya ni Tao


"Sorry Lu hyung. Naging third party pa ako sa inyo."- sabi ni Tao


"Asus. Parte ng buhay yan Tao."-sabi niya at tinanggal ang pagkakaakap kay Tao.


"Krisala! Ikakasal ka na! Grabe. Parang kahapon lang nag-iinuman pa tayo sa sobrang pangit ng lovelife natin ah?"- sabi ni Luhan at inakap naman si Kris. Doon na siya umiyak. Close na talaga sila.


"Thanks Lu! Kung hindi dahil sayo baka hindi pa ako ganito kasaya ngayon."- sabi naman ni Kris hyung. Pagkatapos niya akapin si Luhan ay inakap naman ako.


"Oh! Huwag mong paiyakin tong usang to ah? Ako makakalaban mo."- sabi niya at tinapik ang likod ko.


"Oo naman. Natuto na ako."- sabi ko


Missing Piece(Hunhan Fanfic)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon