Chapter 28.A- Chances

264 6 0
                                    

sinipag na talaga ako! oraaayt~ bukas na kasi eh! haha. kaiyak. comment din kayo guys pag may time. haha, okay. bye.

---


-SUHO'S POV-

"Yes! Gagala na tayo! Gagala na tayo!"- ganadong sigaw ni Chen

"Chen, umayos ka nga! Magising pa mamaya eh!"- saway ko. Ang ingay kasi eh

"Eh pinainom naman natin ng sleeping pills ah!"- di talaga patalo eh!

"Eh kung tumahimik ka nalang kaya?"- sarkastikong tanong ni Xiumin

"Sabi ko nga eh."- Ugh. Bat ba ang gulo nila!

Hinanda nalang namin ang pagkain ng HunHan bago umalis. Gagala muna kaming OT10. Si manager hyung ang nagsabi ah! Iiwan muna namin ang HunHan para makapag-usap naman sila. Tsaka kailangan naman na nila ng privacy! At kailangan nilang magkaayos. Malakas talaga ang feeling ko na mahal pa talaga nila ang isa't-isa pero di sila nagkakaayos o nagkakausap kaya di magkaintindihan. Imposible namang di sila mag-usap sa lagay na to noh.

"Luhan, Sehun... uhmm sorry! Iniwan muna namin kayo. Mamayang gabi pa ang uwi namin. Ang tagal niyo kasing magising eh. Uhm, bibilhan nalang main kayo ng pasalubong. May pagkain narin sa ref. Kayo na ang bahala dito ha? Ilolock narin namin yung bahay. Baka kasi may pumasok na sasaeng. Okay na ang safe. Bye!" –nagsulat nalang ako ng alibi para naman hindi halatang sinet-up namin sila.

"Hyung tara na."-sabi ni Lay kaya nilapag ko na sa lamesa ang sulat at tumakbo na palabas.

"Emerged! Ang HunHan, magkacomeback na!"- sabi ni Baek sa van

"Baby smurf, sa tingin mo magbabati na sila?"- Chanyeol

"Ipanalangin nalang natin."- sabi ko

"Sa ngayon... Gagala muna tayo!"- Chen

-THIRD PERSON'S POV-

10:00 na ng umaga nang magising si Luhan. Wala si Kris sa kwarto nila kaya napagdesisyunan na niyang bumaba pero laking gulat niya nang makitang malinis at tahimik ang sala.

"Tulog parin sila? Eh nasaan na si Kris?"- sabi niya sa kanyang sarili

"GUYS!10:00 NA! GISING NA!"- sigaw niya pero walang bumaba kahit isa.

"HOOY! GISING NA! TANGHALI NA! GUTOM NA AKO!"- sigaw niya ulit

"Ah... Good morning hyung. Asan sila?"- sabi naman ni Sehun na kakagising lang rin katulad niya

"Di ko alam. Baka tulog pa. Gisingin natin."- umakyat ulit si Luhan at una nilang pinasok ang kwarto ng Baekyeol

"Good morning Ba---"- di na natuloy ni Luhan ang sasabihin nang makitang wala ang BaekYeol sa kwarto.

"Eh? Bat wala?'- sabi naman ni Sehun sa likod niya. Sinarado nalang nila ang pinto. Pinuntahan naman nila ang kwarto ng XiuChen

"Anak ng? Nasaan na ang mga tao dito!? Gutom na ako!"- pagwawala ni Luhan

"Di ko macontact sila Suho hyung! Patay yung mga cellphone nila."- sabi naman ni Sehun

"Pano na to? Di tayo marunong magluto."- sabi ni Luhan

"Kung bumili nalang tayo?"- Suhestiyon ni Sehun

"oo nga noh? Tara!"- tumakbo sila sa pinto pero sa kasamaang palad, ito ay nakalock

"Bakit naman nilock? Aish."- sabi ni Sehun

"Nagugutom na talaga ako!"- sabi ni Luhan

"Ako nga rin. Haist. Punta nalang tayo sa kusina, baka meron dun"- sabi ni Sehun kaya sabay na silang pumunta sa kusina

Missing Piece(Hunhan Fanfic)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon