OVA Chapter 2

191 5 0
                                    

Yo~ minadali lang po ito at short update lang muna. Sumakit kasi bigla ang ulo ko. Kaya ito na siya. Love y'all! -Klancem

---

-SEHUN'S POV-

"Go. Chase him."- sabi sa akin nila Kai hyung. Dali-dali akong tumayo sa pagkakaupo ko sa sahig at tumakbo papunta sa nakasaradong pintuan. Akmang bubuksan ko na ang pinto then bigla akong may naalala. Si TAO.


Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata and I saw different emotions. There's the shock plus the pain and sadness. I feel guilty on what I've done and on what I've said. But still, he managed to smile and utter the word "Go."


I wanted to hug him to ease the pain that I've caused him but I find myself driving towards the airport.


Tumakbo ako ng tumakbo. Paikot-ikot ako sa airport. Sa sobrang daming tao ngayon, ang ilan ay nakikilala na ako. Naghihiyawan na ang iba at ang iba naman ay gusto ng humingi ng autograph. I wanted to entertain our fans but I have no time. I need to find him. I need to find the person who made me feel like this. For the person who made me feel incomplete.


Sa sobrang daming tao, nahihilo na ako. Para akong isang hayop na naligaw sa siyudad. Di ko alam ang gagawin. Di ko alam kung saan pupunta.


"Sir, mukha kayong nawawala. Kailangan niyo po ba ng tulong?"- sabi ng isang babae na sa tingin ko ay isa sa staff ng airport.


Huminga ako ng malalim at sinagot ang tanong niya. "Ah, saan ba dito yung flight papuntang Beijing? Yung nasa private plane?"


"Uhm sorry sir pero bawal kaming magbigay ng impormasyon tungkol jan."- hindi niya ba ako kilala!?


"Pero miss, ako si Oh---"


"Sorry sir. Kahit sabihin ko man kung saan ang daan, hindi na rin kayo aabot. Nakaalis na ang eroplano 30 minutes ago."- a-ano?


"A-ano?"- napaluhod ako sa sinabi niya sa akin. Ano daw? Para akong panandaliang kinuhaan ng lakas. Parang gusto kong umiyak. Hindi na pala. Umiiyak na nga pala ako ngayon.


"Sir kailangan niyo po ba ng tulong?"- nag-aalalang tanong sa akin ng babae.


"H-hindi. A-ayos lang ako. S-sorry sa oras na nasayang mo nang dahil sa akin. Salamat."- sabi ko at tumayo.


"Wait. Sir, kayo po ba si Oh Sehun ng EXO? Hala. May importante po ba kayong gagawin sa Beijing? Magpapahanda po ako ng private plane."- sabi niya. Sasagot na sana ako nang may tumawag sa akin.


"Sehun, pumunta ka dito sa dorm. Umuwi kana. Kanina pa nakaalis ang eroplano"- sabi ni manager hyung.


"Sorry miss. Hindi ako si Sehun. Thank you ulit."- nagbow na ako at umalis sa harap niya.


Hindi ko na maalala kung paano ako nakapunta ng parking lot. Lumilipad sa kung saan ang isip ko. Pagkasakay ko sa kotse biglang nagflash sa isip ko ang mukha ni Tao kanina.


"Ugh. Ang tanga tanga mo Oh Sehun! Anong ginawa mo kay Tao? Lahat nalang ba sasaktan mo?"- paulit-ulit kong sabi sa sarili ko habang inuuntog ang sarili ko sa manibela ng sasakyan.


Gulong-gulo man ang isip ko ngayon, ay umuwi na rin ako sa dorm. Kailangan ako ng grupo at higit sa lahat kailangan ko humingi ng tawad kay Tao. Ang laki ng kasalanan ko.


Pag-uwi ko sa dorm...


"Sehun, pwede ka bang makausap?"- tanong ni Tao. Tumango naman ako. Naglakad siya papunta sa backyard ng dorm at sinundan ko naman siya.


"Tao, sorry."- sabi ko agad. Tumingin siya sa akin at ngumiti.


"Sorry sa ginawa at sinabi ko kanina. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako ng emosyon. Sorry. Sorry talaga."- sabi ko habang akap siya.


"It's okay. Naiintindihan ko."- sabi niya at inakap ako pabalik.


"Sure ka ha?"- sabi ko


"Oo. I love you Sehun-sshi."- sabi niya


"I love you Tao."

---

Ano na kayang mangyayari dito? Hindi ko rin alam eh </3

Missing Piece(Hunhan Fanfic)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon