Chapter 10.A- Beijing(meet the parents)

421 10 0
                                    

sa kabila ng ating pinagdadaanan, ito ang update para sa inyo, Ge.

#AlwayssupportLuhan=)

---


-LUHAN'S POV-


Andito kami ngayon ni Sehun sa Beijing Airport. Oo, kaming dalawa lang. Si mama kasi ehh. Gusto niya na raw makita ang yung future-in-law niya. Pero wag daw sasabihin kay Hunnie, surprise daw ang gawin ko.


Di ko dapat muna sasabihin kaso ang daldal ng bibig nila Baekhyun, Chanyeol, at Chen ehh. Sila pa talaga ang tumawag kay mama para lang i-broadcast ang mga nangyari. Itong nanay ko naman, medyo baliw nung time na yun, sinabi na ipakilala ko daw si Sehun sa kanya ASAP. As soon as possible daw. Kaya heto kami ngayon. Haha, pero di naman talaga ito yung dahilan. Pinangako ko kasi sa sarili ko na dadalhin ko sa Beijing ang taong mahal ko at si Sehun yun kaya nandito kami. Gusto ko rin ipakita sa kanya kung saan ako galing.


"Hannie, tara na. Andito na yung sasakyan ohh."- di naman halatang excited siya noh? Haha


"Oo na po."- sabi ko at tumakbo na papunta sa sasakyan. Buti nga at di kami masyadong nahalata ng mga tao kaya madali kaming nakarating sasakyan. Todo disguise kaya kami. Pagdating ko nanaman sa sasakyan, nakita ko siyang nakasimangot.


"Oh, anong nangyari?"- sabi ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Ano bang meron?


"Wala."- mood swings again. Expert kasi si Hunnie jan. haha, labyu Hunnie!


"Dali na, anong problema?"


"Eh kasi naaantok ako tapos kanina kapa may katext jan. Tsk."- ay hala? Kung pwede lang sabihin na "nanay ko to Sehun ohh." Kaso hindi ehh. Bibigyan ko pa nga raw siya ng so-called "surprise" na yun.


"ay. Hala sorry Hunnie. Si Suho hyung tong katext ko. Tinatanong lang kung nakarating na tayo."- buti nalang nagtext rin si Gramps.  Hoo~


"ay? Si Suho hyung lang pala. Kala ko naman may babae ka na."- sabi niya


"Hala! hindi ahh. Loyal to Sehun."- sabi ko naman. Loyal naman talaga ako ahh? Diba?


"Haha okay. Tulog lang ako. Pakigising kung andun na tayo. Thanks Hannie"- hinalikan ko siya sa noo at nilagay ang ulo niya sa balikat ko.


"Hunnie ko talaga. Seloso. Alam mo naman na ikaw lang ehh."- sabi ko.


"Hindi naman. Ayoko lang na mawala ka sa akin."- sabi niya ng nakangiti. Ha-ha. Kinikilig po ako. Bow.


"Hindi ako mawawala sayo."- ngumiti lang siya sa akin. Ang cute talaga ni Sehun pag ngumingiti siya. Pagod na siguro to. Gusto ko rin sanang matulog kaso parang kinabahan ako bigla. Hanep. Ano nanaman ba tong nararamdaman ko? Geez.


Tinext ko nalang si mama na on the way na kami.


Missing Piece(Hunhan Fanfic)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon