Chapter 9.B- tambay lang

362 13 0
                                    

Warning! Warning! Warning! corny po ang chapter na toXD bow.


-SEHUN'S POV-


Nandito parin kami sa park. Nagpapalipas oras. Nagmomoment pa. Malamang sa malamang tutuksuin kami ng ibang members kung uuwi kami agad sa dorm after that confession, kaya dito nalang muna kami. Nakaupo lang sa damuhan. Parehas na nakatingala. Napatingin ako kay Hannie. Nakangiti siya habang nakatingin sa mga bituin sa kalangitan. Haha, nainlove lang, lumalalim na ang words? Nababaliw na talaga si Oh Sehun.


Nagulat ako ng bigla niyang tinuro ang langit.


"Babyboo, tingnan mo yun ohh."- sabi niya sa akin. Medyo lumapit ako sa kanya at tiningnan ang tinuturo niya.


"SE-HUN. LU-HAN."- sabi niya. Wow! Ang cute! Binubuo niya pala sa stars ang pangalan namin. Takte. Si Oh Sehun po ay kasalukuyang kinikilig dahil kay Lu Han. Haha. Sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya.


"Sehun, alam mo, gusto kong bawiin yung sinabi ko sayo kanina. Yung tatlong uri ng taong nagsasabi ng totoo. Gusto ko gawing apat."- sabi niya. Ha? Apat? Hmm?


"Eh ano naman yung pang-apat?"- tanong ko sa kanya


"Ang taong in love. Kasi sa tuwing sasabihin kong mahal kita, totoong-totoo yun. No more, no less."- sabi niya sabay akap sa akin. Ano ba naman to? Namumula nanaman ako.


"Hyung."


"Hmm?"


"Bakit ka nga pala nagalit sa akin kanina?"- tanong ko sakanya.


"Hindi naman ako nagalit sayo ehh. Nagalit ako sa sarili ko. Napagbuntunan lang kita, kaya napasigaw ako at nagkaaminan tayo."- sabi niya ng nakangiti. Why so cute? Ha, Hannie?


"Haha, eh bat ka nagalit sa sarili mo?"- tanong ko ulit.


"kasi naman po, nagalit ka sa akin. Ako yung dahilan kung bakit ka nagalit sa akin. Kasi dikit ako ng dikit kay Xiu-ge."- paliwanag niya sa akin. Sabay pout pa. haha, cute talaga.


"Ehh di mo naman kailangang magalit sa sarili mo ahh."- ako


"Hindi nga. Pero di maiiiwasan. Ikaw ba naman magalit sayo yung taong mahal mo, na IKAW ANG DAHILAN, hindi ka magagalit sa sarili mo?"- sabagay may point siya. Napa-nod nalang ako. Natahimik ang kaming dalawa.


Tama ang desisyon ko. Di ako nagsisising na-in love ako sa taong to. Ang sarap pala ng feeling na ganito noh? Tahimik lang kayong dalawa pero ramdam niyo yung isa't-isa. Nakaakap parin siya sa akin. Feeling ko, walang makakasakit sa akin dahil sa yakap niya. Ang saya lang ng feeling na ganito. Hinding-hindi ko talaga pagsisisihan na na-in love ako sa taong to.

-END OF THIS CHAPTER-

Missing Piece(Hunhan Fanfic)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon