***
In the photo: Vera's crescent moon necklace
Enjoy!
***
This is it, the big day.
Mahigpit ang hawak ko sa maleta ko dahil sobra akong nagpipigil na umiyak ngayon. Nandito ako sa airport kasama ang pamilya ko at pamilya ni Kevin, at paalis na ako in fifteen minutes papunta sa Japan.
Mabigat sa pakiramdam ko na pupuntahan ko na sa wakas ang Japan dahil ito ang pinaka-laging binabanggit ni Kevin noon na gusto niyang puntahan. Napuntahan ko na ang Italy at Thailand, dalawa ding bansa na nasa travel bucket list niya. Dalawang destinations per month kasi ang plano ko this summer. At ngayong June na, Japan na ang susunod. Ang number one ni Kevin.
It's been one year since he passed away and to honor him, napag-desisyunan kong i-check off ang travel bucket list niya dahil simula nung nakilala ko siya, ang pag travel ng mundo na talaga ang sinasabi niyang pangarap niya. Ang kwento niya sa akin, fourteen years old pa lang siya nung ginawa niya ang travel bucket list niya. Hanggang ngayon, nagiguilty pa rin ako na lagi akong hindi pumapayag na samahan siya sa pag travel tuwing inaaya niya ako noon. So, ito ang naisip kong pang bawi sa kanya. Even though he won't be here to see everything with me, I know that he's watching over me.
Pagkatapos ng Thailand, umuwi ako saglit dito sa Pilipinas para bisitahin ang mga pamilya namin ng isang linggo. Ngayon, iyakan na naman kahit na hindi ito ang first time kong aalis.
"Mag-iingat ka doon, anak, ha? Lagi mo kaming tatawagan at mag send ka ng madaming pictures sa amin." Nanginginig na boses na sabi ni mama sa akin, pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa maleta, kaya sunud-sunod na ring tumulo ang mga luha ko. Niyakap ko si mama at hinalikan ang noo niya.
"Ate, mamimiss kita at malulungkot ako. Pero mas lalo akong malulungkot kung wala kang bibilhin na pasalubong para sa akin. Kulang pa 'yung galing sa Italy at Thailand." Patawa namang sabi ng nakababata kong kapatid na si Cheska, kaya medyo napatawa din kami ni mama. Si Cheska talaga ang mahilig magpatawa sa pamilya namin at mamimiss ko ulit ang mga kalokohan niya.
Nang lapitan ko na si papa, nakita ko sa mga mata niya na sobrang lungkot niya. Pero hindi si papa 'yung tipo ng tao na nagpapakita ng emosyon.
"Mamimiss ko po kayo, pa. Ingat kayo dito, ha? Uuwi po ulit ako nang isang linggo pagkatapos ng isang buwan." Sabi ko na lang sa kanya, tsaka ko siya niyakap nang mahigpit. Close ako sa parehong magulang ko at sila ang pinaka-pinaghuhugutan ko ng lakas.
Nilapitan ko naman ang parents ni Kevin, na parehong may malungkot na ngiti.
"Thank you, hija. Kevin would have been so happy to know what you've been doing for him." Maamong sabi ni tita Fay sa akin, at tsaka niya ako niyakap. Lalo akong naiyak sa sinabi niya.
"All I ever wanted was for Kevin to be happy, tita. At alam ko pong isa kayo sa mga nagpasaya sa kanya." Sagot ko naman habang patuloy pa ring umiiyak.
"Mag-iingat ka, anak. Please let us know if you need anything during the rest of your travels." Sabi ni tito Edward sa akin. Nginitian ko naman siya. Kevin was a daddy's boy.
Parehas na supportive ang pamilya namin ni Kevin sa relasyon namin. Naging magkaibigan pa nga sila dahil sa amin. It was perfect. Everything was.
Now boarding Flight 244 to Tokyo, Japan.
Inhale, exhale.
Nag huling paalam ako sa pamilya namin, pagkatapos ay nag lakad na ako papunta sa boarding area.
BINABASA MO ANG
Will Death Do Us Part?
Romance"You never know what you have until it's gone." 'Yan ang isang kasabihan na natutunan ni Vera Villega sa masakit na paraan nung nawala ang boyfriend niyang si Kevin Lacson. Si Kevin ay isang taong maraming pangarap na ikutin ang buong mundo, haban...