First morning ko ngayon dito sa New York at nakapagbihis na din ako. Sa sobrang excited ko, one hour ahead ako sa itinerary ko for today.
Tumingin ako sa labas ng floor-to-ceiling window ko at nakita ko ang empire state building sa malayo kaya napangiti ako dahil 'yun ang first destination ko ngayong araw.
Pagkadating ko sa empire state building, tinitigan ko lang ito ng matagal. Maganda talaga siya sa personal at alam kong Kevin would have loved it and wanted to take a photo together. Kaya naman inilabas ko ang phone ko at nag selfie na nakangiti habang nasa likod ko ang buildng. I wish he were in the photo.
Sinend ko sa mga pamilya namin ang selfie at pinost ito sa Facebook at Instagram, pagkatapos ay tinignan ko ang empire state building one last time. Pumikit ako at nag buntong hininga habang nakangiti. It feels good seeing these beautiful attractions for Kevin lalo na ang New York, kung saan siya ipinanganak.
Nilakad ko naman ang MET mula sa empire state building dahil medyo malapit lang ito at gusto ko rin makita ang paligid ko at mag libot dito sa New York. Besides, I heard na mahilig talaga lakarin ng mga tao ang mga destinations nila dito, kaya nga city that never sleeps ang tawag. Kamukhang kamukha ng mga nakikita ko sa movie at pictures ang mga attractions dito.
Pagkapasok ko sa MET, sobrang daming tao na agad. Sa bagay, napaka-sikat na museum nito dahil nandito ang mga art nina Monet, Rembrandt, at iba pang iconic artists.
Naglakad lakad ako sa loob ng museum at ngayon ko lang napansin na nakangiti pala ako this whole time. Parang ginagawa ko rin ito para sa sarili ko dahil mahilig talaga ako sa art, lalo na sa paintings. Pinili ko ding pumunta sa museum na ito dahil paborito kong artist si Monet. Simula nang nahilig ako sa art, siya na ang iniidolo ko.
Nang nakita ko na ang paintings ni Monet, napatakip pa ako ng bibig. Pangarap ko talagang makita ito. The one thing that Kevin and I had in common is that we love museums.
Nabigla ako nang marinig kong tumunong ang tiyan ko. Ang dami na ngang tao sa paligid ko, narinig ko pa rin. Sa bagay, hindi ako nag agahan sa hotel bago ako lumabas.
Pagkatapos ko sa museum, nag hanap ako ng makakainan na malapit at may nakita akong cute at maliit na cafe.
Pagkapasok ko dito, napangiti ako sa itsura. Ang daming puti, pink, at beige, pati na din mga halaman. Ganito ang iniimagine kong itsura ng mga cafe dito sa napaka laking city ng New York.
Nag order ako ng kape at almond croissant. Dati pa talaga, croissant na ang paborito kong tinapay.
Nag hanap ako ng upuan at inikot ang tingin ko sa cafe. Onti lang naman ang tao kaya hindi ganon kahirap mag hanap.
"Yummy in my tummy!"
Napatingin ako sa napaka-cute na boses ng isang maliit na bata sa gilid ko. Nagulat ako nang makita ko ang lalaking kasama niyang kumakain at tumatawa.
"Troy?" Nilapitan ko sila.
Tinignan ako ni Troy at agad na ngumiti. All-black ulit ang outfit niya. "Hey, it's you. Upo ka dito. This is Mikee, my little five year old niece. Mikee, this is tita... sorry, what's your name?"
Nakakatuwa naman. Magaling din siya sa mga nakababatang babae. Just like Kevin was with his younger sister.
"Hi, Mikee. I'm tita Vera. Vera Villega." Nakangiting bati ko sa kanila. Ang sweet, nakahawak si Mikee sa isang kamay ni Troy.
Pagkadating ng order ko, sabay sabay kaming kumain.
"So, saan ang lakad mo ngayon?" Tanong ni Troy habang pinapakain si Mikee ng cupcake.
BINABASA MO ANG
Will Death Do Us Part?
Romansa"You never know what you have until it's gone." 'Yan ang isang kasabihan na natutunan ni Vera Villega sa masakit na paraan nung nawala ang boyfriend niyang si Kevin Lacson. Si Kevin ay isang taong maraming pangarap na ikutin ang buong mundo, haban...