CHAPTER TWENTY TWO
"Zei, are you okay?"
I slowly open my eyes, si Niña ang unang bumungad sa'kin. I can see worry in her eyes.
What happened? medyo masakit din ang ulo ko.
"I already changed your clothes, bakit ka ba natulog nang naka dress. Are you that tired? And what happened to you and Primo?" Sunod sunod nitong tanong.
Kunot noong bumangon ako. Seriously? Tinignan ko ang suot, naka pajama na ako.
"What time is it?" Instead I asked.
"10:00 am, why? Are you hungry? May food duun sa kitchen, I cooked." Inalalayan niya pa akong bumangon.
Why do I feel weak? Parang na-drained ang buong katawan ko.. may nangyari ba kagabi? D-mn!
Habang papunta kaming kitchen, I curiously asked her. "What happened last night? Paano ako nakauwi?"
Bakit wala akong maalala? Why do I feel like, I have missed something important that happened last night?
"I should be the one asking that, what happened to you?" Tch, ibalik ba naman ang tanong sa'kin.
"Good morning, Zeirah!" I heard a familiar voice, Logan.
Inis ko naman silang tinignan, bakit andito 'tong mga 'to? Habit na ba nila manira ng araw? Tch.
"Don't you have your own rooms? Aga-aga mukha niyo na ang nakikita ko." Busangot ang mukha akong umupo.
"Psh, aga-aga din high blood ka." Logan said.
"We were worried, that's why we're here." Noah said.
Pinaghain ako ni Niña ng pang lunch, para naman akong bata. "Naks, alagang-alaga ah." Logan teased me.
Thanks to Niña, medyo gumaan ang pakiramdam ko. I should ask her later kung paano ako nakauwi.
Susubo na sana ako. "You don't remember anything? Did you fight with primo?" Paisley suddenly said.
"Bakit hindi siya ang tanungin mo?" I rolled my eyes.
"Psh, do you think I'll ask you if I know where he is? Duh." So, he left again? B-stard.
"So, itanong mo sa caretaker ng zoo." Pambabara ko, kahit 'di ako sigurado kung alam nila ang zoo.
"What?!" Inis niyang sabi.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Are you here to gossip? Why don't you just read the newspaper kung wala kang magawa."
"Huh? What's a newspaper?" Niña asked, umirap lang ako.
"What?! I was just asking. don't answer it, miss attitude!" Tch, siya pa talaga galit ah.
Umirap lang ako, ewan ko ba parang ang dali kong mairita ngayon. Or wala lang talaga ako sa mood.
"Wala ka ba talagang maalala, Zei? Hindi ka kasi namin nakita kagabi after the party. So, we assumed something happened." Halata ang pag alala sa mukha ni Niña.
"She's right, wala ka din dito pag uwi namin." Noah said.
"We're worried as hell, that's why we're asking you." Seryosong sabi ni Logan.
Kunot noo ko silang tinignan. Big deal ba ang nangyari kagabi? Naiinis lang ako 'pag naalala ko ang sagutan namin ni Primo.
I let out a heavy sigh and shook my head, parang nawalan ako ng gana.
BINABASA MO ANG
THAT ATTITUDE PRINCESS
FanfictionAn attitude probinsyana girl, who live in her own for almost half of her life. What happened if she become a princess? Oh scratch that --A Soft princess to be exact. She has an attitude, she talks like a guy, has a short temper and most of all she...
