3

1 0 0
                                    

Vivian's POV'

"Ayaw niyang nakikita kang umiiyak.."rinig kong sabi ng kung sino sa may likuran ko. Dali-dali ko namang pinunasan ang pisngi ko bago ako lumingon sa kaniya.

Lumapit siya sa akin at umopo sa tabi ko.

"Namimiss ko na siya.."sabi ko at binalik ang tingin sa harapan.

"Alam ko.. lahat naman tayo eh."

Sandaling katahimikan ang namutawi sa amin. Nag-dadalawang isip ako kung dapat ko bang sabihin sa kaniya ang nangyari sa akin.

Kahit na alam ko namang alam niya na ang problema ko...

Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga bago nag salita.

"Ang daya lang kasi niya eh. Sabi niya punta lang daw ako dito kapag may problema ako.."naiiyak na sabi ko. Namimiss ko na kasi talaga siya eh! "Pero bakit ngayon wala siya dito? Sabi niya di niya ako iiwan.."umiiyak na sabi ko. Hindi ko na kasi talaga kayang pigilan.

Siguro tama lang na maging open ako sa mga pinsan ko.

"Andito lang naman talaga siya.. hindi nga lang natin nakikita, pero... lagi naman siyang nasa puso natin, diba?"sabi niya at tumango naman ako.

Nilamon na naman ulit kaming ng katahimikan.. alam kung hinihintay niya ang pagkwekwento ko kaya...

"Wala na kami... Nakipag break na siya..."pagbubukas ko sa usapan. Niyakap niya naman ako na mas lalo kong ikina-iyak. "Hindi na niya daw ako mahal..."inangat ko naman ang ulo at tinignan siya sa mga mata. "Kuya, mababaliw na ako... Mababaliw na ako k-kaka-isip kung saan ba ako nag kulang!? Kung saan ba ako nag-kamali!? Kuya y--yung sakit na pag iwan sa akin ni  papa b--bumalik na naman.. kuya.. ayaw ko na nito.. ayaw ko ng ma feel pa ang ganitong sakit... Ku--kuya ayaw ko na pagod na ako---"

"Shush... Tama na tahan na.."pagputol niya sa sinabi ko. Niyakap niya naman akong muli at at hinagod niya likod ko.

"Magiging okay lang ang lahat...tahan na..."sabi niya pa at umiling-iling lang ako.

Ayaw ko na! Ayaw ko ng umasa na magiging okay pa ang lahat.

Dahil kapag umasa lang ako ay baka mas masaktan lang ako ulit!

"Shusshh.. tahan na vi..."pagtatahan niya sa akin.

"Walang mali sayo. Ginawa mo na ang lahat. Sadyang may mga tao lang talagang hindi marunong makuntento sa kung anong meron sa kanila ngayon.."dagdag niya pa.

Hindi na ako kumibo pa at nanatili nalang umiyak. Pero kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Tunay nga silang magkapatid!

Legal ang relasyon namin ni jude. Lahat ng mga relatives namin ay alam nila. Close ako sa family niya at ganoon rin siya sa family ko.

Sa katunayan nga botong-boto ang parents niya at parents ko sa relasyon namin. Na umabot na sa puntong halos ipakasal na nila kami!

Mabait si jude sobra, kaya siguro na gustohan siya ng mga pamilya ko.

Nasa kaniya na lahat.. lahat ng mga hanap ng babae sa isang lalaki!

Mabait.

Matalino.

Mayaman.

Past or PresentWhere stories live. Discover now