16

1 0 0
                                    

Vivian's POV'

Hindi ko alam kung bakit.. pero ang mga salitang 'yun ang matagal ko ng gustong marinig mula sa kaniya.

Pero bakit ganoon!? Imbes na maging masaya ako ay mas ikinagalit ko pa 'to.

Six months? Para sa akin matagal na 'yun.

"Vi, anak ko.."sabi niya habang nakahawak parin sa mga kamay ko.

Dahan dahan akong humarap sa kaniya at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at pilit 'yong tinatanggal.

"Sorry sir.. hindi po ako ang anak n-niyo.."walang emosyong sabi ko.

"Vi, please matagal na kitang gustong maka-usap.. miss---"

"Sorry sir. Wala na po akong papa. Nag kamali lang ata kaayo..."pag-putol ko sa sasabihin niya. At tumalikod.

"Vivian..."sabi niya at niyakap ako sa likuran. "A-anak ko..."

Ang kaninang mga luhang pinipigilan ko ay kusa ng nag-laglagan at naging rason sa aking paghihikbi.

"Hindi kita papa.. matagal na akong w-walang papa.. nakalimutan ko na ang papa ko kaya... 'Wag na 'wag mo akong tawagin na para bang anak mo ako.. kasi hindi... Hindi kita papa. Hindi ikaw ang papa ko!!"umiiyak na sabi ko habang pinipilit na tanggaling ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin.

"Patawa---"narinig ko ang pag-singhap ng mga tao ng maitulak ko siya pagkatapos kung maka alis sa pag-kakayakap niya.

Nag silapitan ang mga lalaking naka tatto at tinulungan siyang makatayo ganoon na rin ang mga nag-tatrabaho sa store.

"Patawad!? Ha! I can't believe it!! Your asking for my fucking forgiveness!!! At sa tingin mo mapapatawad kita!? You must be insane!!!"mapaklang sigaw ko sa harapan niya.

"Tinuruan mo akong maging mabuti! Tinuruan mo akong magpatawad!! Pero.. pero lahat ng mga itinuro mo ay nalimutan ko ng iwan mo kami ni mama!!"umiiyak na sigaw ko

"Oo, ama kita! Pero s-simula noong iwan mo kami! Nakalimutan ko na... Nakalimutan ko na may ama pa ako. Kasi.. sinabi ko sa sarili ko sa araw na nakita kita kasama ang bagong mong pamilya na... N-na kakalimutan ko nang may ama ako.. na kaka-limutan ko nang naging ama kita!"

"Hindi ko sinasadyang iwan ko kayo nang mama mo... Hindi ko ginustong iwan kayo... M-may pagkakamali akong dapat kong ayusin at ma-may responsibilidad ako---"

"At anong tingin mo sa akin!? Hindi mo responsibilidad!? Kaya ba iniwan mo kami kasi naisip mo na tapos na ang responsibilidad mo sa amin ni mama!? Ha? Ganoon ba 'yon!?"

"Hindi gan---"

"Nag cheat ka eh! Nag cheat ka sa amin ni mama.."natahimik ang lahat at tanging mga hikbi lang namin ang maririnig.

"Bago maging kayo ni mama.. may nabuntis ka.. pero... Pero iniwan mo siya k-kasi hindi mo matanggap ang pag-kakamaking 'yon tama ba?"tanong ko sa kaniya at kita ko naman ang pag-kagulat niya.

"Panong... Pano mo nalaman?"mahinang bulong niya.

"And after noon ay lumipad ka papuntang states. Ilang years ka noon nag stay doon and then bumalik ka dito at nakilala mo si mama.. naging kayo nga ni mama at  binuhay niyo ako. Naging masaya naman tayo.. pero noong nakita mo ulit 'yong babaeng tinakasan mo ay... Naisipan mong makipagbalikan sa kaniya kahit na kayo pa ni mama... Walang ka-alam alam si mama na niloloko mo na pala siya.. and worst. Nabuntis mo ulit 'yong babae.. kaya hindi na nakaya ng conscience mo at mas pinili mo nalang na iwan kami ni mama. Kaysa.. talikuran ang bata, kasi ayaw mo nang gawin ulit ang pag-kakamaling nagawa mo noon.."

Past or PresentWhere stories live. Discover now