4

0 0 0
                                    

Vivian's POV'

Everything happens for a reason

'yan ang mga huling binulong sa akin ni tita bago kami umalis ng bahay nila .

Alam ko naman na alam na ni tita ang nangyari sa akin.

Sa kadaldalan ba naman ng tatlong 'to. Hindi na ako magtataka!

Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit niya sinabi sa akin 'yon.

Aish! Masyado naman ata akong napapaisip sa simpleng line na 'yon!

Oo matalino ako. Pero hindi naman lahat kaya kung intindihin. May limitasyon naman ang pagiging genius ko! Hindi naman kasi ako anak ni Albert Einstein eh!

"We're here!"anunsyo ni kuya jace. Kaya napalingon ako sa may bintana ng sasakyan ni kuya.

Dahil sa dami ng iniisip ko hindi ko namalayang andito na nga talaga kami. Alam ko namang malapit lang naman ang pupuntahan namin. Pero kasi feeling ko parang seconds lang ang naging byahe namin.

Nang makababa na kami ng sasakyan ay bumungad sa amin ang malakas na music na nangga-galing sa loob ng bahay ng pinsan namin.

Halatang may party!

Na talaga namang may party! Sunday kasi ngayon at every sunday ay e -cinecelebrate naming magpipinsan ang COUSINS DAY!

Ito 'yung araw na mag-titipon kami ng lahat ng mga pinsan ko sa Father side. Ito ang way namin para maka-pag bonding at para narin maka relax.

Una ng pumasok sa loob ng bahay sila ysha. Nag pa-iwan na muna ako saglit. At sinuri ang suot ko

Tsk! Ingot mo kasi! Dami mong ka dramahan sa katawan mo!

Alam ko na sa pagpasok ko ng pinto na 'yan ay aasarin na naman nila ako.

Mula dito sa gate ay kita ko na ang makukulay na design sa garahe nila.

Nakapalibot ang mga upuan sa isang mahabang lamesa.

Ang isang mahabang table naman ay may laman na mga pagkain.

Sa tabi nito may Videoke.

Maraming mga makukulay na ballons ang nagkalat .

May nakadikit pa sa may wall ng HAPPY COUSINS DAY.

At higit sa lahat wala akong nakitang color black!

WTF!

Tang~na! Ako lang talaga! Ako lang talaga ang naka black!

Ba't ba kasi ang drama ko!?

"Oh! Andito na ang mga VIP!!"pag aanunsyo ni kuya Justin. Ng makalapit kami sa kanila.

"Nahiya pa kayo, sana ginawa niyo nalang tanghali ang pag punta!"sabi ni kuya Dustin. Kakambal ni kuya Justin.

"Kayo na ang maaga!!"pagtataray ni ysha sa mga kuya niya.

"Sorry na traffic kasi kami.."pabirong sabi ni kuya Jace. Na ikinangiwi nila.

Pero ang isang ngiwi ay napalitan ng nakakalukong ngiti ng malingunan nila ako!

"Ba't ang tahimik mo!?"tanong ni kuya Dustin sa akin. At tinignan niya ako mula ulo hanggang paa! "At.. what the hell!! Saan ang lamay!?"di makapaniwalang tanong niya pa.

Past or PresentWhere stories live. Discover now