17

1 0 0
                                    

Ysha's POV'

"Class dismissed!!"sabi nang huli naming guro sa araw na 'to

"Hayy!! Sa wakas natapos na rin!!"si xyrel habang nag-iinat inat pa.

"Kapagod!!"reklamo nang kakambal niya.

Hindi ko naman sila pinanin pa at nagpatuloy lang sa pag aarrange ng gamit ko.

Wala si vivian kasi nag-papahinga siya sa bahay nila. Hindi namin alam ang nangyari kahapon kasi pina-una niyang kaming pina uwi.

Patuloy lang ako sa pag-ligpit ng mga gamit ko nang may mahawakan ako sa loob ng bag ko kaya sinilip ko 'to at.. isang nakakalokong ngiting ang pinakawalan ko at bahagyang sinilip ang couple na naka-upo sa harapan namin.

"Hoy! Angtagal mo naman!!"si xyrel kaya sinamaan ko naman soya ng tingin.

Tsk!

"Bilisan niyo na nga diyan para maka-alis na tayo dito.."si xyra habang nakatingin kina danica at jude.

Kaya binilisan ko nalang ang pag-liligpit ang mahigpit na hinawakan ang bagay na 'to.

"Tara!!"pag-aya ko sa kanila at walang sabi-sabing tinapon ang laruang asa na dala ko sa side nila jude at kagaya ng ina-asahan ko...

"Ahhhhh!!!!"tili ni danica at tumakbo papuntang harapan at dahil sa takot niya ay hindi niya nakita ang upuan na nakaharang sa daan kaya natisod siya na ikinatumba niya.

"Hahahahah!!!"

"Hahahah.. loko ka ysha!!"

"Pahiya nga diyan!! Hahaha!!

"Hahahahah"

Tawanan ng mga kaklase namin at natawa narin ako.

"Danica!! Okay ka lang?"si jude at tinignan ako ng masama. "Sa tingin mo ba nakakatawa ang ginawa mo!?"inis na sigaw niya sa akin. Kaya tinaasan ko naman siya ng kilay at lumapit sa table nila at kinuha ang laruan.

"Tss! Ingot ka rin eh, no!? Tatawa kaya ang mga kaklase natin kung hindi nakakatawa ang ginawa ko!?"sarcastic na sabi ko at nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Tinignan ko naman si danica na naka-upo parin sa sahig.

"Tss! Ano ka ba naman na danica!! Natakot ka sa ka-uri mo... Nakaka-awa naman 'to!!"sigaw ko at kunwaring itinapon sa kaniya.

"A-ano ba ysha!! Hindi ka na nakakatuwa!!"sigaw niya sa akin. Na ikinagalit ko.

"Nakakatuwa!! Kingina niyan!! Nakakatuwa ang ginawa ko!! At hindi pa ako tapos!! Ang iniingatan mong posisyon ay mawawalan ng saysay sa gagawin namin!!"sigaw ko at umupo palapit sa kaniya.

"Ysha ano---"

"Shut up!!"sigaw ko kay jude! "Kaya kung ako sa'yo eenjoy mo na ang oagiging SSG secretary kasi.. malay mo sa susunod na araw isa ka nalang karaniwang estudyante.. estudyante walang ambag sa school!! Ga-graduate kang walang position kaya.. enjoy!!"sabi ko at tumayo na. Hahakbang na sana ako palabas ng school ng maranig ko ang tawa ni danica.

"At sa tingin mo matatanggal mo ako sa position ko.. baka nakakalimutan mo ysha.. isa ang pamilya ko sa mga stockholder ng paaralan na ito.."mayabang na sabi niya. Nilinhon ko naman siya at tinaasan ng kilay.

Past or PresentWhere stories live. Discover now