6

1 0 0
                                    

Vivian's POV'

"What the hell are you doing here!!!??" Galit na galit na sigaw ko sa mismong mukha ni jude!

Si jude na ex ko!

Si jude na minahal ko!

Si jude na sinaktan ako.!

"After ng mga pinag-sasabi mo sa akin! May lakas ka pa talagang pumunta sa bahay ng pinsan ko!! Napaka-kapal mo!!"sigaw ko pa. Kita ko naman ang pagbilog ng kaniyang mga mata.

"What the heck!?"di makapaniwalang sabi niya.

"Hey miss! Ahm.. sor--"

"Shut up!!"pag-papatahimik ko sa isang kasama niya na naka hoodie.
At tinignan ko ulit ng masama ang kaharap ko.

"Ano pa ba ang gusto mo!? Bakit ka pa pumunta dito!?"galit na sabi ko.
Hindi makapaniwalang tumingin rin siya sa akin.

"Hindi pa ba sapat?"malumanay na tanong ko. "Hindi pa ba sapat ang pagmamahal na ibinigay ko sayo?"naluluhang sabi ko sa kaniya.

"Saan ako nag kulang?"dagdag ko pa. "Akala ko ba mahal mo ako!?"umiiyak na sambit ko

"Oh shit!!"bulong ng katabi niya.

"What the hell.."sabi ng katabi ko.

"Miss i---"naputol ang sasabihin niya dahil sa pagkakasampal ko sa kaniya.

Nagulat siya dahil sa ginawa ko at ganoon narin ang mga kasamahan niya.

Ang mga luhang pnipigilan ko ay kusa ng nagbagsakan!

Hindi ko na'to kaya pa..

Tinignan ko siya ng masama. 'yung tipong mamatay siya sa sama!

"Ang kapal mo!!! Napaka kapal talaga ng pag mumukha mo!!! Tandaan mo!! Makakalimutan rin kitang gago ka!! At---"

"What the hell is going on here!?"oh shit! Tangina naman 'to si kuya math eh! Sumingit pa talaga!

"Vi?? Ba't ka umiiyak?"tanong niya pa sa akin hindi ko man lang siya nilingon at pinansin.

Humakbang ako papalapit sa kaharap ko hanggang sa isang dangkal nalang ang layo ng mga katawan namin.
Hawak pa rin niya ang pisngi niya.

"Fuck you!!"mariing sabi ko sabay tulak sa kaniya bago tumalikod at nilagpasan lahat ng pinsan ko

"Vivian!!"tawag sa akin ni kuya math.

Tangina!

Nakakainis! Andito lang pala siya. Ba't wala man lang nagsabi sa akin!?

Hindi pa man ako nakakalayo sa may pinto ng may humablot sa kamay ko!

"Fuck!"sabi ko pa.

"Vivian!"ma-awtoridad na sambit ni kuya math sa pangalan ko. Alam kung galit siya. Pero kasi hindi ko mapigilan..

Hindi ko mapigilang magalit rin sa kaniya. Alam ko namang alam na nila ang nangyari sa amin. Ang akin lang naman ay sana! Sana may nagsabi man lang sa akin na andito pala ang gagong 'yun!

"Ano bang nangyayari sa'yo?"tanong niya sakin sabay bitaw sa kamay ko.

"Bakit hindi mo sinabi!?"pasigaw na tanong ko sa kaniya.

Past or PresentWhere stories live. Discover now