Isang napaka-gandang alaala at napaka-sarap na pakiramdam na kaya kong maglakad, gumapang, tumakbo, tumayo, at umupo habang pinapanood ng mga taong nasa aking paligid. Sa katotohanan, ang mga taong nakatatanda sa akin ang tumuturo at umaalalay sa akin na tumayo at lumakad ng dahan-dahan. Paunti-unti, hinahayaan na nila akong tumayo at lumakad sa abot ng aking makakaya at mararating. Ito ang mga panahon na kung saan hinuhubog ang aking sarili, personalidad, ugali, at mai-debelop ang aking tiwala sa mga taong nakakasalamuha at nakikilala ko sa aking paligid.
BINABASA MO ANG
THE JOURNEY
Short StoryMaaaring may hangganan ang lahat ng bagay sa mundong ating ginagalawan. Subali't, ano nga ba ang kaisa-isang bagay na maaari nating iwan kapag dumating na ang araw ng ating buhay? Para kanino nga ba talaga tayo nabubuhay?