Maswerte at masaya ako na nakapag-aral sa isang pribadong paaralan. Mayaman ako sa iba't ibang mga alaalang hinding-hindi ko makalilimutan sa elementarya at sa iba pang paaralan na aking napuntahan. Bilang isang tenedyer, ako ay humahanga sa ibang tao. Aking hindi malilimutan ang kanilang pagmamahal at suporta sa oras ng aking kalungkutan sa buhay. Sa sekondarya, maraming mga kompetisyon at aktibidad sa paaralan ang aking sinalihan. Aktibo rin akong partisipante ng Camarines Sur Division Private Schools' Day bawat taon. Sa mahigit apat na taon na nasabing paligsahan, lagi akong lumalaban sa asignatura na English. Naranasan kong manalo at matalo sa mga laban upang palakasin ang aking sarili at makita ang reyalidad ng mundo. Upang buksan ang aking mga mata sa mga bagay na dapat kong makita at maranasan. Hinding-hindi ko rin malilimutan ng mahalal ako bilang Board Member sa ginanap na K-PSEP (Kabataan-Pambansang Samahan para sa Edukasyong Pagpapahalaga) sa Water Insular Hotel, Tagum, Davao City.
Nang makita ko ang mga iba't ibang kultura, paniniwala, at personalidad ng mga taong naka-paligid sa akin, marami akong natutunan maging pormal o di-pormal na pag-uugali. Maraming mga payo at prinsipyo ang aking nakuha mula sa mga taong naging parte ng aking paglalakbay.
Ang mga alaala sa aking nakaraan maging maganda o malungkot man ay tumulong at nagsilbing lakas upang harapin ang aking mga problema at pagsubok sa buhay. Ang aking emosyon, kaisipan, pisikal, at pakikipag-kapwa tao ay pinalakas ng aking mga pinagdaanan. Ito rin ang mga panahon na kung saan nalaman ko kung paano ba talaga ang magmahal. Nahulog ang aking loob sa aking kaklase na nagturo sa akin na kailangan kong tumanda pagdating sa pag-iisip at sa sarili.
Dito rin ay nahubog ang aking konsensya at kagandahang-asal na pag-uugali sa buhay sa tulong ng mga taong nagturo at nagpakita sa akin ng tunay ng kahagalahan ng aking buhay at buhay ng ibang tao. Alam ko na ang lahat ng ito ay mula sa mga tao na laging nandiyan upang ako ay bigyan ng lakas na loob na harapin ang mga mahihirap na pagsubok. Dito rin mas nahubog ang aking paniniwala at pananampalataya sa Diyos.
BINABASA MO ANG
THE JOURNEY
Historia CortaMaaaring may hangganan ang lahat ng bagay sa mundong ating ginagalawan. Subali't, ano nga ba ang kaisa-isang bagay na maaari nating iwan kapag dumating na ang araw ng ating buhay? Para kanino nga ba talaga tayo nabubuhay?