Noong una, hindi madali para sa akin na mag-desisyon sapagka't maraming mga bagay ang dapat kong isaalang-alang at i-konsider. Maraming mga bagay ang bumabagabag sa aking isipan kung tama ba ang desisyon ko. Sa huli, ako ay naniwala na ang Diyos ay may sariling plano para sa akin. Alam ko na ang susunod na kabanata ng aking buhay ay mas magiging kaabang-abang at maraming mga bagong karakter na magiging parte nito. Ang Diyos ang Siyang Awtor ng aking buhay at ako ang nagsisilbing bida na karakter sa librong ito.
Sa kasalukuyan, ako ay masayang-masaya na kasama ko ang aking mga kaklase at propesor na patuloy na nagpapa-saya at tumatawag sa akin na Father, Brother, Propesor, at Kuya. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos sa patuloy na pag-gabay sa akin kasama ang Espiritu Santo na nagdadala sa akin patungo sa... KABANALAN.
Maraming, maraming salamat sa iyo mahal kong Tagapagbasa sa oras at panahon nang pagbasa ng aking munting kwento ng aking paglalakbay mula noon hanggang ngayon. Nawa'y pagpalain ka at ang iyong Pamilya ng Maykapal. AMEN.
BINABASA MO ANG
THE JOURNEY
Short StoryMaaaring may hangganan ang lahat ng bagay sa mundong ating ginagalawan. Subali't, ano nga ba ang kaisa-isang bagay na maaari nating iwan kapag dumating na ang araw ng ating buhay? Para kanino nga ba talaga tayo nabubuhay?