KABANATA VII

49 1 0
                                    

Gaya nang nabanggit ko sa aking unang talata, ako ay mapagmahal na tao lalung-lalo na sa aking pamilya na laging nandiyan para sa akin.Sa loob ng dalawampung taon ko rito sa mundong ibabaw, mas lumalalim pa ang aking kaalaman pagdating sa panloob at panlabas na relasyon. Lagi kong pinagyayaman ang mga alaala na aking naranasan kasama ang mga taong naging parte ng aking paglalakbay simula ng ako ay isilang hanggang sa pangkasalukuyan. Ang pinaka-mahalaga sa lahat, ako ay lugod na nagpapasalamat dahil natutunan ku kung paano ba talaga ang magmahal at ano ba talaga ang totoong kahulugan ng pagmamahal. Lalung-lalo na, mas nagkaroon ako ng malalim na relasyon sa aking Tagapaglikha-ang Diyos.

Isa sa hinding-hindi ko malilimutan sa buong buhay ko ng ako ay pumasok sa Seminaryo. Isang napakalaking biyaya mula sa Diyos na ako ay Kanyang tawagin. Napaka-laking tulong kung gaano at paano nagkaroon ng kontribusyon ang Seminaryo sa aking buhay ispiritwalidad at sa iba pang aspeto.

Sa aking mapagkumbabang Obispo, Pormador, Kura Paroko, mga pari, at kapwa Seminarista na tumulong sa akin na maging bukas ang aking puso at kaisipan sa mga bagay-bagay. Sila ang tumulong sa akin upang malaman ko kung sino at ano ba talaga ako sa mundong ito. Sila ang tumulong sa akin upang masagot ang mga katanungang, "Sino ako?", "Para kanino nga ba ako bumabangon?", "Para kanino nga ba ako nabubuhay?" Lagi kong dala-dala ang mga alaala na kailanman ay hinding-hindi ko makalilimutan sa loob ng dalawang taon ko sa loob ng Seminaryo. Isang prinsipyo ng buhay ang aking natutunan mula sa aking pangalawang tahanan. Iyon ang, "Ang pagbabago ay nararapat hindi lamang sa panlabas na anyo. Bagkus, ito ay nararapat na makita rin sa kalooban."

Pagkatapos ng aming pagninilay-nilay sa Bulacan, isang desisyon ang aking ginawa sa buong buhay ko. Makalipas ang napaka-habang panahon, sa wakas, binuksan ko na rin ang panibagong yugto ng aking buhay-lumabas ako ng Seminaryo.

THE JOURNEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon