KABANATA V

34 1 0
                                    

Sa mga panahong ito, una akong pumasok sa Kindergarten Center. Mas nahubog at natuto ako sa kung ano ang itinuturo ng aking guro. Maraming mga aktibidad at kompetisyon rin ang aking nasalihan o kinabahagian. Sumali ako ng buong puso upang palakasin pa ang aking kakayahan at abilidad at ipakita ang aking natatanging talento sa ibang tao lalung-lalo na sa aking mga magulang na nagturo sa akin na maging malakas at matapang. Sila ang nagsilbing una kong mga guro sa tahanan. Sa mga panahon din na ito una kong nasaksihan kung paano mag-away at magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang aking mga magulang. Gayunpaman, sa huli, naaayos din nila ang gusot sa pagitan sa isa't isa. Dito rin umusbong ang mga panahon na kung saan nagkaroon ng matinding unos at krisis ang aming pamilya na kailanman ay hinding-hindi ko malilimutan sa buong buhay ko. Sa mga panahong ito na parang nagtagpo ang langit at lupa sa buhay naming pamilya. Ito ang mga panahon na ako ay nagsimulang mangarap at matutong tumayo sa sarili kong mga paa na hindi umaasa sa iba.

THE JOURNEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon