Bruise

23 0 0
                                    

Hay, ANG BORING DITO!  Mamamatay na ako. Makalabas nga ng bahay. PERO WAIT, TIMBANG! Namamaga pala yung mukha ko. Teka, nasaan nga yung scarf ni nanay na pink, aha! Eto na! I will use this to make takip my face because its pangit for now. Makapunta nga ng mall. NYAHAHAHAHA!

*Mall*

Sa wakas, hindi na masyado boring kahit nag-iisa lang. Timing! Sale ang ladies section! Makabili nga ng panty, para sa susunod na makikita niya, maganda naman ang panty ko. AHEHEW YAK! Sindumi ng kanal ang utak ko. Hay. Pero yung totoo, namimili nga ako ng panty. Hahaha

“That would be Php 568.75 ma’am. May reward card po?”

“Wala miss. Eto oh, exact amount.”

“Thank you ma’am!”

Ang  daming panty nabili ko. Hahaha bakit ganito kaya ako kaopen sa mga bagay na ito sa inyo. Gusto ko ng sundae sa Mcdo, kaya pumila ako. Habang nasa pila ako, may batang naglalaro sa likod ko, hindi ko pinansin nalang kasi natural naman sa bata na maglaro diba? Pero itong batang ito ay masyadong malikot, hinablot nya ang nakabitay na dulo ng scarf na suot ko, nakita tuloy ng matami ang mukha ko.

“AAH! MOMMY! MAY MONSTER! ANG PANGIT NG LOLA!”

“Hoy! Bata ka hindi pa ako matanda!”

At kinuha ko ang scarf at tumakbo papalayo, nakakahiya, ang daming tao sa Mcdo tapos nakita ako. Uuwi na nga lang ako. At least, uuwi akong may panty.

*House*

Makapag-facebook na nga lang.

magandatricia@yahoo.com  (Totoo naman ah!)

********

Scroll, scroll, WHAT!

OMG! AKO TO AH! WAIT! Sa Mcdo ito ah! 54 likes? *reads caption*  Ang pangit ni tricia kaya pala absen— HA! Si Diana nasa Mcdo kanina? LAGOT TALAGA SIYA SA AKIN! Pinakalat na sa FB ang mukha kong nadisgrasiya! GRR! Hahaha girls sinabihan ko ang bata na hablutin ang scarf niya—  TEKA! Siya ang nagutos sa bata na tanggalin ang scarf ko?! AAAAAAAAAAAAAAAA! DIANAAAAAA!!!! Kontrabida ka talaga! WALANG HIYA!

“MAAAAAAAA!”

“Oh, ano anak?”

“KUMAKALAT NA SA FB ANG MUKHA KO!”

“Patingin?”

“Eto oh! Si Diana ang nagpost.”

“Ang pangit mo dyan anak.”

“KAYA NGA!”

*phone rings*

“Hello?”

“Tikyang!”

“O, Jane. Kumusta ang report?”

“Ok lang, pero hindi yan ang itinawag ko.”

“Ano?”

“Ikaw ba ‘tong pinost ni Diana sa FB? HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Janitor Fish kana pala!”

“CHE!”

“HAHAHAHAHA! Anong nangyari?”

“Basta mahabang kwento, nabunggo ako sa poste ng school bu—“

“Nabunggo ka sa poste sa loob ng school bus? TANGATANGA MO TEH! HAHAHAHAHAHA!”

“HEH! Tumigil ka nga, kung wala kanang maidudulot na maganda sa kapangitan mong iyan Jane, Mabuti pang pangit ka este paalam na.”

“HOY WALANG HI—“

*toot toot toot*

Pinutol ko na, alam nyo naman si Jane, bungangera. Nakakabadterp naman tong araw na to oh. Alam na ng halos buong Lockhart ang nangyari sa mukha ko. Haaay. Lubid nga, itatali ko sa leeg, tapos ipapalapa ko sa aso si Diana.

10 monthsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon