Cafeteria

10 0 1
                                    

 “Oh my! Girls ang gwapo talaga ng Lim bro’s no?”

“Akin si Johan! Sayo si Joshua.”

“ANG GWAPO TALAGA! Ang tangos ng mga ilong! At ang cute nila pag nakangiti!”

Eto na naman tong mga babaeng stalker oh. Di ko pala namention na Campus Mokongs-este Hearthrobs ang twins. Totoo naman na gwapo silang dalawa. Nagkakilala kami nung 2nd graders pa sila, ipinagtanggol namin ni Jane at Ray sa panunukso ng iba naming classmates. Di ko naman alam na ganyan sila ka gwapo paglaki namin.

“Hi Lim Bro’s!” sabay nilang sigaw.

“Oh, hi!” at nagsmile silang dal’wa sa mga babae. Likas talaga silang friendly.

“AHH! Ngumiti sya sa’ken!” Hindi mabayaran ang saya nila oh.

“Kayo ha, may pinatunaw na naman kayong dalaga.”—Ray

Johan: Hindi naman naming kasalanan na—

Joshua: —ang gwapo namin. *sabay pogi pose, kay johan yung naka check ang kamay at ang kay Joshua ay sinuklay nya ang buhok niya gamit ang kamay. May pa narrow eyes pa!*

“HEH! MAPUTI LANG KAYO!”—Jane

“Teka lang ha, oorder muna ako.”—Me

Na-twist ko ang ankle ko. Tapos natapilok ako, nauna ang tuhod ko.”

“AH!”

“Ok ka lang? Masakit ba?”

“AY HINDI ANG SARAP! UULITIN KO NGA EH! ULOL! Ikaw kaya ang matapilok!” napapikit nalang ako, wala na akong paki kung sino ang nagtanong sa akin, ang sakit talaga!

“Sorry ha, hindi kita nasalo.”

Pagtingin ko, si Kenji pala ang nagtanong! Nakakahiya naman yung sinabi ko.

“Tikyang Dumudugo ang tuhod mo oh! Dalhin natin siya sa clinic!”—Bikay

“Kayo talagang lahat ang dadala? Kaya ko pang maglakad no!”

“Ay sige bahala ka dyan dai. Lalabas dyan ang pari na pugot ang ulo. Tas papalitan ang paa mo ng paa ng manok para masaya.”—Jane

“ASAR!” talikod, and nagpunta agad sa clinic.

Binandage lang ng nurse ang tuhod ko, that’s all.

*binuksan ko ang pinto*

“Ok kana?”

Hinintay pala ako ni Kenji.

“OA naman! Ano ako, inoperahan?”

“Hehe, tayo na nga.”

“Ang bilis naman ng nurse! Paa ng manok o baboy?”—Jane

“CHE!”

*KRIIING*

“Oh, malelate na tayo, mabagal maglakad and baboy.”—Jane

“Wrestling gusto mo?”

“Ayoko, mabibigat ang baboy.”

“HEEEEEEEH!”

“TUMAHIMIK KA! Bukas ka pa kakatayin”—Jane

Naririnig ko sina Rebecca, Ray, Kenji at twins na tumatawa sa likuran.

“WALANG NAKAKATAWA!”

“YES MAM!” bigkas nila.

“HOI! HINDI YES MAM! OINK OINK!”—Jane

“ISA nalang ha, lelechunin nalaga kita!”

“SIGE na nga, sorry na.”—Jane

“HMPH!”

“kambing gusto mo?”—Jane

“AAARGH!”

Mas maingay ang tawa nila ngayon. Asar oh.

*classroom, spelling test*

“O-C-A-S-I-O-N”

“Teka, sigurado ka ba sa spelling nito? Diba’t double C?”

“ay oo nga.”

O ha! Nasa likod kasi kami, hindi kami makikita ni Ms. Amor, English teacher namin.

“NUMBER TEN! SPELL…..”

*teacher records scores*

“Mark Ramirez?”

“17”

“Adrian Redondo?”

“17”

“Craig Santos?”

“17”

“Tricia Salazar?”

“17”

“Kenji Hirotaka?”

“17”

“Why do you have the same scores? Give me your papers!” sigaw ni ma’am. Anak ng pato naman oh.

“THE 5 OF YOU! MINUS 5! YOU ARE COPYING YOUR ANSWERS!” wala talagang sikretong di mabubulgar. Sana hindi pa malaman ang sikreto ko. Hay, nakabwisit naman tong araw na to oh, kanina si Jane, ngayon minus 5. Ano bang kasalanan ko? I'm enuseeeeent!

10 monthsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon