Locker

35 0 0
                                    

Haay! Good morning! Ang bigat ng pangangatawan ko, parang pinatungan ng tatlong sakong bugas. Hay, makaligo na nga para hindi ma-late.

 “AAAAAAAAAAAH!”

Ang mukha ko, namamaga! Oh no! worst day ever! Ang gitna ng lips ko nagpo-pout ng bongga, ang ilong ko ay nangingitim, at ang nook o naman, may bukol. AAAAAAAH! Tulong nurse!!!!!

“anak anong nangyare?”

“MAAA! DALHIN NYO KO SA OSPITAL!”

“HA! Ano nga ang nangyari sayo?”

“MA! TIGNAN NYO AKO! PARA AKONG JANITOR FISH!”

“Oo nga noh?”

“MAAAAA!”

“Ano ba ang nangyari sa mukha mo?”

“AY MALAMANG GUMANDA NG LALO! SYEMPRE NAMAMAGA!”

“HEH! Alam ko no! Malinaw pa ang mga mata ko! Ano bang nangyari sayo’t nagkaganyan ka? Oh ha! Kumpleto yang tanong ko!”

“Nabunggo po sa poste!”

“Saang poste?”

“Hindi na impertante yon! Basta mawala na itong pamamaga. Huhuhu”

“Lagyan mo ng ice ang icebag at ilagay mo sa namamagang bahagi. Mag-absent ka muna ngayon at bukas.”

“MAAAA!”

“Ano na naman?”

“MAAAA!”

“KAMBING KANA NGAYON!?????”

“AAH! Ayokong umabsent!”

“Hala sige, pero wag kang magtataka kung tutuksuhin ka ng janitor fish ha!”

“Ma naman eh!”

“Umabsent kana kasi.”

*phone ringing*

“Tikyang? Ready kana sa report natin?” –Jane

“Ha-uhh, hindi ako makakapasok, sorry ah.”

“ANO!!! HINDI PWEDE!”

“hinditalagaakomakakapuntaBYE!” Ganyan ang delivery ng sinabi ko. Pwede na kaya akong mag-rap? Anyways, pinutol ko agad ang call ni Jane.

This cannot be happening to me! huhuhu!

“Eto yung ice bag oh. Kumain kana rin.”

“huuuuu, maaa!”

“Walang magagawa iyang pag-iiyak mo.”

Tama nga ang nanay ko, walang magagawa ang pag-iyak. Eh kung itatali kong leeg ko? JOKE! Bad yan.

*phone rings*

“Hello?”

“TIKYA—“

Alam ko na si Jane na naman iyon, kaya pinutol ko na.

*phone rings, again*

Hindi pa nga ako nag-hello, sinermonan na ako.

“Ano ka ba tikyang ha? Naging baboy kana ba talaga? Yung report natin, ngayon iyon! Aba, magmalasakit ka naman lang ng minsan sa— oh ano? Ha? Si Tikyang? Oh eto, pagsabihan mo nang matauhan.”

Pinasa ni Jane ang telepono sa iba

“Hello Trish.”

“Sino to?”

“Si Kenji ito, sorry nga pala kahapon, kaya ba absent ka? Anong nangyari sayo?”

“Ah, eh, wala naman.”

10 monthsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon